Sunday, August 25, 2013

TEXTO : 2 Timoteo 4:6-8
TITULO : Ang Kabuuan ng Buhay Kristiyano
MENSAHE: Ang Buhay ng Kristiyano ay Isang Mahirap na Labanan para sa Makalangit na Gantimpala mula sa Diyos

PANIMULA

A. Ang Isang Batang Nagnais na Maparangalan Bilang Isang Magiting na Sundalo
B. Marami sa mga nakaupo sa simbahan tuwing linggo na may maling pananaw sa Kristiyanismo
C. Ngunit ikinukubli ng maraming tagapagturo at mangangaral ang katotohanan patungkol sa pagiging Kristiyano
·        Sapagkat ito ay hindi kaakit-akit, hindi katanggap-tanggap dahil nasa kaisipan na ang Kristiyanismo
o   Ngunit ang naidudulot niton ay mailayo sila sa katotohanan patungkol sa buhay Kristiyano

Aspeto ng Kristiyanismo

Kasalukuyan
·        Ang salitang (Departure) ay isang malaking benepisyo – ito ay pagatatapos ng laban niya para sa Panginoon
o   Ito ay gaya ng isang nakakulong na nakalaya na
o   Ang labanan na ito ay hindi sugal (ito ay siguradong may katagumpayan)
Nakaraan
·        Binalikan tanaw ni Apostol Pablo ang kanyang buhay bilang Kristiyano

Hinaharap
·        Pagtanggap ng gantimpala – Ang Pangako ni Kristo


ANG TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG  KABUUAN NG BUHAY KRISTIYANO

I. PAKIKIPAGLABAN SA ISANG MAKABULUHANG LABAN (PANGINOON)

·        Ang Buhay Kristiyano ay isang labanan
o   Pag-uusig ng Mundo
§  Paguusig na naranasan ni Pablo maging ibang mga apostol at mga Kristiyano (2Cor.11:24-28)
o   Pag-uusig ng Kasalanan
§  Sa kaloob-looban natin nagkikipagtunggali tayo sa kasalanan sapagkat ang nais mo maging karapat-dapat na sumamba
·        Ang Laban na ito ay Makabuluhan
o   Marami ang nakikipaglaban para sa sarili
§  Ang mga tao (mananampalataya o hindi) ay dumaranas ng paghihirap at pag-uusig
o   Ito ay para sa Panginoon
§  Laban ni David at Goliath
§  Mateo 5:10-11)

Hamon: Tayong mga tumanda na sa Kristiyanismo, tayo ba’y lumaban para sa Panginoon laban sa pag-uusig at
kasalanan na nasa atin. Kung ating lilingunin ang buhay na ating tinahak bilang mga Kristiyano tayo ba’y
nakipaglaban para sa Panginoon o tayo ay sumabay sa agos ng mundo, pinag-tuunan ang mga bagay na may kinalaman sa makamundong prinsipyo, pamumuhay, at ugali? Meron ka bang lilinguning laban sa para sa Panginoon? Kung wala ano ang iyong gantimpalang iyong matatanggap mula sa Panginoon?


II. PAGTATAPOS SA ISANG MAKABULUHANG GAWAIN (PAGLILINGKOD)

·        Ang buhay Kristiyano ay hindi lamang isang labanan kundi isang buhay na dapat mayroon tapusin
·        Sinasabi ni Pablo kay Timoteo na ang ipinagagawa ng Diyos sa kanya ay kanya ng natapos
o   Alam ni Pablo ang kanyang pagkakatawag at partisipasyon nya sa pagsulong ng kaharian ng Diyos
o   Dahil dito ay alam niya ang dapat niyang tapusin.
·        Marami sa mga tao na nakaupo tuwing linggo sa simbahan ang naghihintay ng pagpapala ngunit hindi alam ang dapat niyang tahaking karera na dapat tapusin sapagkat hindi nila alam ang kanilang pagkakatawag.(1Corinto 9:24)
o   John Stephen Ahkwari (1968 Olympic Player – Mexico) “My country did not send me 5000 miles to start the race, they sent me 5000 miles to finish the race”
o   Kailangang magpursige para tapusin ang karera (Filipos 3:12)
·        Ikaw ay tinubos ng ng Kamatayan ni Kristo, inuring anak, pinabanal, tinawag para sa mahalagang misyon
o   Ang pagbagsak ng twin towers (911)
Hamon : Tanungin ang sarili : Panginoon bakit mo ako iniligtas? Bakit mo ako tinawag? Ano ang ipinagagawa mo sa
akin? Ating lingunin ang buhay kristiyano natin, tayo ba’y nasa karera, at mayroong tinatapos?
May pinapatapos sa atin ang Panginoon at dapat nating alamin kung ano iyon.


III. PAG-IINGAT SA ISANG MAKABULUHANG KAYAMANAN (PANANAMPALATAYA)

·        Ang pundasyon ng ating pakikipaglaban at pagtahak sa ipinapagawa ng Diyos sa atin (Pananampalataya)
o   Pag-iingat – ay pagbabantay sa pananampalataya
o   Ito ay isang responsibilidad ng bawat mananampalataya na ingatan ang Pananampalataya laban sa mga bulaang turo (Hudas 3)
§  Pag ito ay hindi nabantayan at iningatan maaring malalayo tayo sa ating ipinaglalaban o sa karerang ating tinatahak
o   Kung hindi ito maiingatan at mababantayan at maipagtatanggol marami ang madadaya
·        Ito ang ating gabay sa ating buhay Kristiyano (Awit 119:105)

·        Ang lakas sa ating pakikipaglaban at pagtahak sa ipinapagawa ng Diyos sa atin 

Konklusyon:

      Mayroon ka bang lilingunin na laban, tinapos na karera, at pananampalatayang pinanghawakan? Hindi pa huli ang lahat patuloy tayong makipaglaban at tapusin ang ipinapagawa ng Diyos sapagkat ito ang tunay na buhay ng isang Kristiyano

July 28, 2013
Mt. Moriah Christian Church
For God's Glory

No comments:

Post a Comment