Sunday, August 25, 2013

ANG PAGHIRANG NG DIYOS
Roma 9: 11,16,21
Sapagka't ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak, at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kundi doon sa tumatawag,
Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa.
O wala bagang karapatan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.
PANIMULA

A.  Ang Biblia ay Nagsasabi na ang Diyos ay Humirang
·        Dahil sa ang tao sa kanyang tunay na kalagayan ay hindi matuwid at walang kakayanan piliin at lumapit sa Diyos
·        Ang mga salitang “Pinili, Hinirang, Pagtatalaga” ay mga salita na nasa Bibliya dapat na paniwalaan na ang Diyos ang Siyang humirang. Ang paghirang ng Diyos sa tao ay may dalawang magkasalungat na prinsipyo.
o   Hinirang ng Diyos ang tao ayon sa kondisyon.
o   Hinirang ng Diyos ang tao ng walang kondisyon.

B. Ang Katangian ng Paghirang ng Diyos
·        Ang paghirang ng Diyos at iternal (Efeso 1:4)
·        Ang paghirang ng Diyos ay pagliligtas (Roma 8:29)
·        Ang paghirang ng Diyos ay soberano

Mensahe: Ang Diyos sa Kanyang Pagpili ay Soberano (Walang nakaimpluwensya)
Illustrasyon: Mayo 13,2013 tayo ay bumoto ng mga kandidatong nais natin – Ngunit marami ang nakaimpluwensya sa ating pagboto.
Teksto:  Roma 9: 10-22

3 Nagpapapatunay na ang Paghirang ng Diyos ay Soberano

1. Nakadepende sa Karunungan ng Diyos (v.11)

·        Kaninong layunin ang mananaig?
·        Ang layunin ng Diyos ay may direksyon, may dapat tapusin, may katiyakan na tapusin.
o   Ang layunin ng paghirang ay kaligtasan at ito ay may dirkesyon at katiyakang magaganap
·        Juan 17:24 -  Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko,
       upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang
       sanglibutan.
·        Juan 6:39 - At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman,
    kundi ibangon sa huling araw.
Empasis : Ang layunin ng Diyos sa Kanyang paghihirang ang mananaig at hindi ang sa tao.

2. Nakadepende sa Kahabagan ng Diyos (v.16)

·        Maawa at mahahabag ang Diyos sa nais Niya – Soberanong Desisyon
·        Akusasyong hindi patas ang Diyos
o   Sa panahon ni Pablo sa pagtuturo niya na ang kaligtasan ay ayon sa paghirang ng Diyos ayon sa Kanyang desisyon ang mga tao nagtatanong na hindi makatarungan ang Diyos.
o   Sa panahon din natin ngayon ay hindi matanggap ang aral na ito patungkol sa paghirang ng Diyos sapagkat ito ay di makatarungan sa mata ng tao.
Ilustrasyon: Tatlong taong nakaranas ng habag at pitong tao nakaranas ng katarungan ng Diyos

·        Maling Pananaw Patungkol sa Paunang Kaalaman (Foreknowledge)
o   Sa pananaw ng mga naniniwala na may kondisyon ang paghirang
§  Nakita ng Diyos sa Kanyang plano na mananampalataya kaya iyon ang mga taong hihirangin ng Diyos. Ito ay maling pananaw.
·        Mga Gawa 13:48b -  at ang mga itinalaga sa buhay na walang hanggan ay nangagsisampalataya
o   Tatlong talata patungkol sa paunang kaalaman ng Diyos
§  Mga Gawa 2:23, 1Pedro 1:2, Roma 8:29
§  Hindi binanggit na sa paunang kaalaman ng Diyos ay nakita o nalaman yung pangyayari na pagsampalataya.
§  Sa pagkakaayos ng mga pananalita:
·        Ang Diyos ang simuno – Ang Diyos ang kumilos at ang tumanggap ng kilos ay hindi yung pangyayari kundi yung tao.
·        Espesyal na Panggamit ng Salitang “Paunang Kaalaman”
o   Kapag ginamit ang salitang “Kilala” (Know) ito ay minsan hindi tumutukoy sa pagkakaalam
§  Lukas 1:34 - At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake?
§  Mateo 7:23 - At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala:
       magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.
o   Ang salitang “Alam” ay may espesyal na gamit na tumutukoy sa isang relasyon na pundasyon ng paghirang
§  Roma 8:29 nauna yung “paunang kaalaman – relasyon” bago ang pagtatalaga
§  Efeso 1:4b-5 – sa pag-ibig, Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa
          pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
Empasis : Ang pundasyon ng paghihirang ay ang mapag-ibig na Diyos at hindi ang nais o pagkilos ng tao kundi ang habag ng Diyos.


3. Nakadepende sa Karapatan ng Diyos (v.21)

·        Kung ang paghihirang ay dahil sa nais ng Diyos na kahabagan paano yung karapatan bilang tao – tanong ng karamihan.
o   Ito maiisip natin paano yung karapatan – Anong karapatan mayroon ang tao?
§  Ano ang karapatan ng tao sa kanyang lugar, panahon, sitwasyon, itsura ng tao sa kanyang kapanganakan?
§  Ano ang karapatan ng tao kung ipahintulot ang kasakitan, trahedya sa isang tao?
§  Ano ang karapatan ng tao kung gusto ng kunin ng Diyos ang buhay ng isang tao?
o   Walang karapatan ang tao na kwestyunin ang Diyos sa Kanyang ginawa – tulad ni Job
·        Mga Patunay ng Karapatan ng Diyos sa Pagliligtas
o   Mateo 11:27 – Karapatan ni Hesus kung Kanino ipapakilala ang Ama
o   Juan 3:8 – Karapatan ng Diyos kung sino ang ipangagnanak muli sa Espiritu
o   Lukas 12:5Karapatan ng Diyos na humusga at magparusa

Empasis : Ang karapatan ng Diyos ang mahalaga at hindi ang karapatan ng tao


KONKLUSYON

·        Ang Diyos ay soberano sa Kanyang paghirang
·        Ito ay hindi nakasandal sa kabutihan, kalakasan, karangyaan ng tao kundi sa Kanyang karunungan, kahabagan, at karapatan ng Diyos.
·        Dapat nating siguruhin ang pagkakahirang sa atin (1Pedro 1:10) upang hindi tayo madaya.





June 9, 2013
Jesus Is The Answer Christian Church

Soli Deo Gloria

No comments:

Post a Comment