Thursday, March 14, 2013


NARINIG MO BA ANG PANAWAGAN?

HEBREO 2:3
Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?
PANIMULA

A. EDSA REVOLUTION
·        Ika-27 Anibersaryo ng Edsa Revolution laban sa Administrasyong Marcos.
·        Ito ay nakaugnay sa pagpatay sa dating senador na si Benigno Aquino Jr. o mas kilalang Ninoy
·        Siya ay pitong taon at pitong buwan sa Amerika at ninais na makabalik muli sa Pilipinas 
·        Siya ay binigyan ng babala na ipagpaliban muna ang binabalak sapagkat maari mangyaring masama sa kanya at ito ang kanyang sagot:
o   “if it's my fate to die by an assassin's bullet, so be it”
·        At nangyari nga noong Agosto 21, 1983 siya ay binaril habang siya ay pababa ng eroplanong kanyang sinasakyan
·        Binaliwala niya ang panawagan ng kanyang mga kaibigan at mga nagmamalasakit sa kanya.
·        Ang Mensahe ngayong umaga ay patungkol sa Panawagan

PAMAGAT : NARINIG MO BA ANG PANAWAGAN?
TEKSTO : Hebreo 2:3 - Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?

               Ito ay isang katanungan na kapag hindi binigyan ng atensyon ay tulad ng panawagan sa namayapang Benigno Aquino Jr. na kanyang sasapitin sa pagbabalik Pilipinas.
              
Konteksto:
·        Ito ay panahon ng matinding pighati at pag-uusig na nararanasan ng mga Kristiyanong Hudyo
·        Ang teksto ay nasasakop sa pagpapakilala kay Kristo at kung paano ipinapakikilala si Hesus Kristo para sa kaligtasan
·        Empasis : Paghahayag ng Mabuting Balita na walang iba kundi si Kristo na dapat panampalatayan dahil Siya ang dakilang Kaligtasan
·        Sa kabila ng matinding pag-uusig ang mga mananampalataya ay walang humpay rin sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng dakilang kaligtasan kay Hesu-Kristo
·        Ngunit marami ay hindi pinapahalagahan ang Mabuting Balita ng dakilang kaligtasan dahil mas iniisip ang mga bagay na may kinalaman sa pag-uusig (iniisip nila na makaligtas sa pag-uusig)
·        Kaya’t itong teksto ay nabanggit upang maging isang paalala sa mga Kristiyanong Hudyo noong panahon na iyon patungkol sa dakilang kaligtasan. At ito ay nagpapatuloy sa panahon natin. Ito ay para sa atin rin.
·        Mapapansin ang kabuuan ay patungkol sa Pagpapahayag at pagpapatotoo ng Mabuting Balita.

THESIS: TATLONG NILALAMAN NG PANAWAGAN NG MABUTING BALITA

A. Panawagan ng Mabuting Balita (Ang Dakilang Kaligtasan)
              
·        Gaano kadakila ang Kaligtasan?
o   Ito ay plano ng Dakilang Diyos
o   Ito ay isinagawa ng Maawaing Diyos
§  Sa korte ng Diyos sa araw ng Huling Paghahatol nakatayo tayo sa harapan ng Banal na Diyos
§  Sa pamamagitan ng batas, huhusgahan tayo ng Diyos na nakabase sa ating mga ginawa
§  At ipapakita ng Diyos ang lahat ng ating paglabag laban sa Kanya at sa Kanyang Salita
§  At ito ang hatol – habambuhay na pighati at pagdurusa sa gitna ng apoy ng impyerno
§  Ipapataw sa atin ang Kayang hustisya sa araw na iyon at wala tayong magagawa upang mapawi ang poot ng Diyos dahil sa kasalanan maliban na mawala ang kasalanan natin
§  Ngunit sa awa ng Diyos ang Kanyang pinakamamahal na Anak ang ipinalit Niya sa atin upang lumasap ng Kanyang walang hanggang hustisya at poot
§  Huwag nating isipin na nakalimutan na ng Diyos ang kasalanan natin
§  Hindi Niya ito nakalimutan maliban na makuha Niya ang hustisya
§  Kaya ang kasalanan na ating nagawa laban sa Kanya ay Kanya ng kinalimutan sa pagkat nakuha na Niya ang hustisya – hindi sa atin kundi sa Kanyang Anak na naging kahalili natin.
§  Inilipat ang lahat ng ating kasalanan sa Kanya upang Siya ang dumanas ng poot ng Ama, ng sariling Ama mismo sapagkat wala ni isa sa nilikha Niya ang karapat-dapat na maging alay upang ang kasalanan natin ay mabura at tanging ang katuwiran ng Anak ang katanggap-tanggap at ito ang ibinigay sa atin para sa ating katuwiran (2Corinto 5:21)
o   Gaano kadakila ang kaligtasan?
§  Namatay ang Pinagmumulan ng Buhay upang tayo ay mabuhay.
§  Bumaba mula sa kaluwalhatian, ipinanganak upang magdusa, at mamatay para sa kasalanan
§  Isang walang kasalanan para sa mga makasalanan
o   Gaano kadakila ang kaligtasan?
§  Walang hanggang pighati na napalitan ng walang hanggang kagalakan
§  Walang hanggang parusa na napalitan ng di mapapantayang kapayapaan
§  Isang kakilakilabot na sumpa na napalitan ng dakilang biyaya
§  Walang hanggang poot ng Diyos na naging walang hanggang awa
§  Mula sa karimlan ay nagkaroon ng pag-asa
§  Hustisya na napalitan ng habag sa pamamagitan ni Hesus na Kanyang Anak

Hamon : Narinig mo ba ang panawagan? Hindi ba’t dakila ang kaligtasang ito. Ito ba’y pinapasalamatan ninyo araw-araw sa inyong panalangin sa Diyos? Kung walang plano ang Diyos upang ibigay ang Anak bilang sakripisyo para ang bawat isa ay maligtas ano ang kahihinatnan ng buhay natin pagpikit ng ating mga mata? Kung ang hustisya ay sa atin hiningi walang hanggang pighati ang dulot nito sa lugar na kung tawagin ay impyerno. Isipin mong mabuti ang pinakadakilang bagay dito sa mundo na iyong inaasam na maari mong ipagpalit ang panawagan ng kaligtasan.


B. Panawagan : Ang Pagtugon (Kung Ating Pababayaan)

·        Ang Mabuting Balita ay Hinihintay ang Iyong Tugon
o   Pagdedesisyon
§  Panahon ni Noe aon ang paghihintay sa pagtugon ng mga tao
·        1Pedro 3:20 - Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
§  Naalala nyo ba ang turo ni Hesus sa makitid at malawak na pintuan?
§  Ang binatang mayaman, Ang mga Alagad, Kahit sa panahon ni Elias hinihintay ang pagtugon
o   Pagpapasawalang Bahala
§  Marami tagpo sa Bibliya kung saan pinasawalang bahala ang panawagang ito
·        Mateo 11: 17 - At sinasabi, Tinutugtugan namin kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo nangahapis.
·        Si Felix na ipinagpaliban
·        Si Festus na nanlibak
·        Si Agripa na nag-atubili
·        Mga Hudyong nagmatigas
·        Maging si Pilato at Hudas na narinig ang panawagan
o   Hanggang sa Panahon natin at sa mga Huling Araw
§  Patuloy ang panawagan at hinihintay ang pagtugon ngunit patuloy na pagpapasawalang-bahala
o   Lukas 16:24 - At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.

Hamon: Narinig mo ba ang panawagan? Ano ang iyong tugon kapatid, ikaw na alam mo sa sarili mo na walang pang kaligtasan at ikaw na nagkukunwaring ligtas? Ipipikit mo ba ang iyong mata at tatakpan ang iyong tenga at magkukunwaring walang narinig? Sa araw na pagharap sa Diyos ang panawagang iyan ay muling bubulong sa iyong isipan at aalingawngaw ng paulit-ulit sa iyong tenga ngunit wala ng pagkakataon upang  tumugon sa panawagan na iyan. Bitbit mo sa araw na iyon ang panghihinayang at pagsisi sa iyong di pagtugon.  May oras ka pa ngayon bago dumating ang araw na iyon ng paghuhusga ng Diyos. Narinig mo ba ang panawagan?


C. Panawagan : Ang Babala (Paano Nga Tayo Makakatakaas..)

·        Ang Bibliya ay Punong-puno ng Babala
o   Sa Lumang Tipan kahit sa loob ng Hardin ng Eden ay mayroon ng Babala
o   Tuwing mayroong batas naroon ang babala, babala sa kasiguraduhan ng kamatayan
o   Mga babala na ipinangaral at ipinagsigawan ng mga propeta
o   Ang mga pangangaral at katuruan ni Kristo lalo na sa publikong pangangaral ay mga babala
§  Sermon sa Bundok ay nagtapos sa dalawang taong nagtayo ng bahay
§  Mga Talinhaga sa Mateo 13 na katapusan ay may mga babala at ang huling talinhaga ay Talinhaga ng Lambat
o   Ang pangangaral ni Juan Bautista
§  Mateo 3:7 - Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?
o   Ang mga pangangaral ng mga Apostol
·        Ang Kasalukuyang Kondisyon
o   Ang tanong na “Paano nga tayo makakatakas” ay nagsasaad ng kasalukuyang kundisyon
§  Isang tanong ng isang preso sa kapwa preso “paano nga tayo makakatakas..”
o   Ipinapakita nito ang ating kalagayan na dapat matakasan at ito ay ang matinding poot ng Diyos
§  Roma 1:18 - Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;
§  Juan 3:36 - Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.
·        Ang Pangangaral na Itinatago ay ang Problemang Dapat Solusyunan
o   Marami sa mga mangangaral sa kasalukuyan ang ayaw banggitin ang kasalanan base sa batas ng Diyos
o   Bakit maraming pastor ang ayaw direktahin ang problema na dapat solusyunan?
§  Dahil ba ayaw makasakit ng damdamin ng tao?
·        Marami pangangaral na isinasaalang-alang ang damdamin ng tao kaysa sa damdamin ng Diyos
·        Mas iniisip ang sasabihin ng tao kaysa sa sasabihin ng Diyos sa kanya.
·        Sa mga mangangaral huwag ninyong gawing lolipop ang Espada na may dalawa ang talim
·        Kung ayaw ninyong masaktan silang mga nakikinig – huwag mong sabihin ang katotohanan at patuloy mong itago ito sa kanila – ngunit pananagutan mo ito sa Diyos
§  Dahil ba ayaw mawalan ng miyembro?
·        Hindi tinago ni Hesus sa mayamang binata ang katotohanan
·        Maging sa babaeng Samaritana, Sa babeng nangangalunya,
·        Sa mga Pariseo na sinabihan Niya na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan
·        Huwag ninyong ipagkait sa kanila ang katotohanan patungkol sa kanilang kalagayan
·        Ipaalam ninyo ito sa kanila – mahabag kayo
·        Dahil sa ganitong klaseng pangangaral maraming kambing ang akala nila sila ay tupa, mga talahib na akala nila sila ay trigo.
·        Naisin natin sa kanila ang kaligtasan nila at hind imaging miyembro ng iglesya lamang.
o   John Bunyan (Pilgrim’s Progress) - Then I saw that there was a way to hell, even from the gate of heaven”
§  Dahil ayaw marinig ito ng tao
·        Ang mga taong ayaw marinig na sila ay may kanser ay kailanman ay di nila kailangan ng doctor at gamot.
·        Ang batas na nagsasabi na ang tao ay makasalanan ay siya ring magdadala kay Kristo (Galacia 3:19, 24)
o   Hindi Mapaghihiwalay ang Kaligtasan sa Kasalukuyang Kalagayan dahil sa Kasalanan
§  Sapagkat ang tao ay ililigtas sa kapangyarihan, sumpa, akusa, at kabayaran ng kasalanan
§  Ang kasalukuyang kalagayan ay dapat maipaunawa sapagkat walang makakatakas sa kalagayang ito maliban sa pamamagitan ni Hesus.

Hamon: Narinig mo ba ang panawagan? Ang panawagan na ikaw ay hindi makakatakas sa kalagayan ng sumpa, akusa,
kapangyarihan, at hatol ng batas dahil sa kasalanan kung iyong ipagpapasawalang-bahala ang dakilang
kaligtasan. Kapatid hindi ka makakatakas maliban na makita mo at pahalagahan ang panawagan ng mensahe ng dakilang kaligtasan hanggang sa kabilang buhay.

KONKLUSYON

               Sa talinhaga ni Lazaro at Mayamang Lalaki, ang panawagan ay kinaligtaan, pinasawalang-bahala. Sa kabilang buhay siya ay nanghihinayang at nagdurusa. Kapatid, marami ang nananalangin para sa iyong kaligtasan. Ang mga  pangangaral ng Mabuting Balita na iyong mga napakinggan sa buong buhay mo na minsan na iyong hindi pinahalagahan, iniwasan, at maaring iyong kinutya ay ang panawagan sa iyo upang ikaw ay makatakas sa matuwid na paghahatol ng Diyos at maranasan ang dakilang kaligtasan na tanging kay Hesus lamang makakamtan. Muli ay ang tanong sa iyo... Narinig mo ba ang panawagan?


Soli Deo Gloria
Mout Zion Baptist Church,  Paliparan
Pebrero 24, 2013