Sunday, May 16, 2010

Why Will You Die?

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH
(Sunday Service-Wake of Tatay Maeng)

WHY WILL YOU DIE?
Ezekiel 33:10-16


I. INTRODUCTION

A. Repentance – A call to repent can be seen throughout the Scripture
• Old Testament
o Noah preached repentance
o Abraham turn from being a moonworshiper and turn to God
o Moses preached to turn away from their idols
o Joshua made the Israel to choose whether to serve the God or their idols
o The prophets preached to turn to God
• New Testament
o John the Baptist preached repentance (Matthew3:2 Mark 1:4, Luke 3:3)
o Jesus preached repentance (Matthew 4:17)
o Apostles preached repentance (Acts 2:38)

B. Definition

• Turning away from sin(180 degrees) and turning to God
• A sorrow over sin not because of the result and consequence of sin only but the fact that God’s law was violated and He is offended in every sin committed because He is a holy holy holy God
• A new perspective and relationship with sin and God

II. BODY

A. Importance of Repentance - Why God Wants Us to Repent? Why God Commanded Us to Turn Away from
Our Wickedness?
Answer: God does not take pleasure in the death of the wicked (v.11)

• In Perspecitve of Man’s Sin and God’s Wrath
o Because we are bound to hell because of sins against the Holy God (Luke 13:3,5)
o Because we offend the Holy God greatly and HIs wrath is in us (Romans 1:18, Ephesians 2:3)

• In Perspecitve of Man’s Salvation and Joy of God
o Because God wants us to be saved (Isaiah 42:22)
o Because God rejoices in the repentance of man (Luke 15 – Parable Series of Repentance)


B. Defense Mechanism – Who Need Repentance?

If you think you don’t need repentance because in your personal assessment tyou are good enough to inherit eternal life and what will you show as a proof is your righteous acts, you are boasting to God

• You are a sinner
o All have sinned (Romans 3:23)
o No one is righteous (Romans 3:10)
o One act of disobedience is sin and it is enough to be condemned in hell like Adam and Eve (James 2:10)
o All the righteous act apart from faith in Jesus Christ is sin (Romans 14:23, Isaiah 64:6)

• Examining the verse for the self-righteous

o The rightousness of the righteous man will not save him when he disobeys
o The righteous man, if he sins, will not be allowed to live because of his former righteousness
o If I tell the righteous man that he will surely live, but then he trusts in his righteousness and does evil, none of the righteous things he has done will be remembered
o He will die for the evil he has done
If you think you are righteous and you don’t need to repent, the fire of hell is waiting for you, you will be like one of the people during the days of Noah who built an ark who mocked him and insult him and did not listen to God’s mandate to repent.

• Examining the verse of the wicked

o The wickedness of of the wicked man will not cause him to fall when he turns from it
o And if I say to the wicked man, ‘you will surely die’, but he then turn away from his sin and does what is just and right, he will surely live, he will not die
o None of the sins he has committed will be remembered against him.
o He has done what is just and right; he will surely live.

Parallel Verse: Romans 9:30-32

We do not have righteousness that will save us
In order to be saved is to have the righteousness that saves and it only be found in JESUS (2Corinthian 5:21; Romans 5:19)

o How can I have faith that will obtain righteousness of Jesus for my salvation?
o The answer: Repentance – you cannot come to Jesus with a bagful of sins
You cannot love Jesus at the same time you love your sins
You cannot be in light unless you love to be in darkness

This message is for those who want to repent and be saved.


The 3 Aspects of Repentance

1) Intellectual – Acknowledging that you are a sinner and you will die in hell
o Knowledge of sin
o Knowledge of hell and condemnation
o Knowledge that life here on earth is totally nothing if you do not have Christ
o Knowledge of God that He is holy and He hates sin
o Knowledge that you need Jesus righteousness to be justified before God and be saved
Unless you do not acknowledge you have fatal disease that will lead to death, unless you don’t acknowledge Jesus who will be your only doctor that can heal your cancer of your soul, you will never be saved

2) Emotional
o Hating sin and loving God
o You sorrow over your sin because the God whom you love is offended
o It is a new relationship with God
o It does not mean you will never sin, it means you hurt you are uncomfortable when you sin because God is offended everytime you sine.
o The Holy Spirit grieved when you sin
o And seeing your sin you committed in your Christian life brought agony to the God whom you love JESUS

3) Volitional
o When you acknowledge that you are a great sinner and the wrath of God is in your head you will star to call the name of the LORD and you will be saved
o Calling the name of the Lord is not just one moment in your life but all through your Christian life
o Pursuing a holy life that will give glory to Him

Jesus is now your Master not yourself
And whatever He wanted you to do, obey because He knows what is best for you
You will be mocked, persecuted and even be killed because of Jesus but stand on it and your soul will be secure in His hand

If you want to obey Him, if you want to give Him glory, if you want to serve Him, search His will written in the Scripture so you will know what He want.

There’s always a promises to those who love Him and obey Him.

Cried out to God call and turn to Him and be saved. He is faithful. He will save you.

For God’s Glory
05/16/10

Ang Unang Utos sa Kristiyanong Maybahay - Magpasakop

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

1st QUARTERLY WOMEN’S FELLOWSHIP

“Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyong mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Kristo na ulo ng iglesya, na Siya ang tagapagligtas ng katawan. Subalit kung paanong ang iglesya ay napapasakop kay Kristo, gayundin ang mga asawang babaes sa kanilang mga asawa sa lahat ng mga bagay.”
- Efeso 5:22-24 -
Panimula :
Ang salitang pagpapasakop ng asawang babae sa kanyang asawa sa mahigpit na tinutulan ng marami sa mga kababaihan dahil sa maling pananaw patungkol sa salitang pananakop. Tandaan natin na ang talatang ito sa Bibliya ay sinulat ni Apostol Pablo sa mga asawang babae na nakipag-isa kay Kristo. Upang maintidihan natin kailangan nating isaalang-alang kung sino ang Diyos sa Kanyang pagiging Diyos(sovereign God) na nagwika nito. Ito ay Disenyo at Utos ng Diyos sa asawang babae.

I. Dahilan ng Pagpapasakop ng Aswang Babae
A. Inuutos ng Diyos (Colosas 3:18, Tito 2:5, 1 Pedro 3:1)
• Pagpapakita ng pag-ibig kay Kristo
• Pagpapakita ng pag-ibig sa asawa
B. Pag-aari ng Asawang Lalaki (1 Corinto 7:4a)

II Limitasyon ng Pagpapasakop
Ang asawang babae ay kailangan magpasakop sa kanyang asawa mananampalataya man ito o hindi (1 Pedro3:1). Siya ay dapat magpasakop sa lahat ng bagay. Ngunit ang pagpapasakop ay may limitasyon gaya ng pagsunod natin sa awtoridad gaya ng mga namumuno sa ating bayan at ating mga pinag-tatrabahuhan. May isa lamang dahilan na hindi dapat magpasakop sa asawa at ito ay kung ang nais ng asawang lalaki ay hindi ayon sa Bibliya. Sa Diyos dapat sumunod hindi sa tao (Mga Gawa 5:29).
• Doktrina
• Moralidad
• Prinsipyo

III. Pagsasalarawan ng Pagpapasakop
Pagpapasakop ng Iglesya kay Kristo at Pagpapasakop ni Kristo sa Kanyang Ama
Dahilan ng Pagsasalarawan
• Upang ito ang maging basihan ng pagpapasakop sa pagtupad ng inuutos
• Upang himukin ang mga asawang babae na magpasakop sa kanyang asawa

IV. Pagtutol sa Pagpapasakop
Marami ang tumututol sa utos na ito sapagkat ito ayon sa kanilang opinyon ay nagsusulong ng pang-aalipin. Ngunit atin tandaan mga kababaihan kay Kristo Hesus na ito ay disenyo at utos ng Diyos para sa mga kababaihan.
Narito ang ilan sa mga kadahilanan ng pagtutol:
Ang asawang lalaki ay hindi Kristiyano
Maling pananaw sa konsepto ng pagpapasakop na ang nagpapasakop ay mababang uri ng tao at ang may awtoridad ay mataas na uri ng tao
Pang-aabuso ng mga asawang lalaki sa kanilang awtoridad bilang asawa

V. Mga Paalala sa Pagpapasakop
• Ang pagpapasakop ay hindi estado ng pagiging tao bilang nilikha kundi isang responsibilidad na ibinagay ng Diyos sa asawang babae
• Ang pagpapasakop ay hindi dapat napipilitan kundi pagpapasakop na may pag-ibig sa asawa at sa Diyos
• Ang pagpapasakop ay kailangan nakabase sa Salita ng Diyos
• Ang lalaki ang ulo, lider, at tagapag-bigay ng pangangailangan ngunit ang babae ang katuwang, kapanalig, at kasama
• Ang ulo ni Kristo ay ang Diyos Ama, ang ulo ng iglesya ay si Kristo, at ang ulo ng babae ay ang lalaki
• Ang awtoridad at pagpapasakop ay kumikilos ng may kaayusan (harmony) para makamtan ang layunin ng Diyos, sa Kanyang kaluwalhatian

Mga Ipinamamanhik na Basahin at Pag-aralan na Makakatulong Bilang isang Babae, Asawang Babae, at Ina:
• Mga Kawikaan 31:10-31 Ang Huwarang Maybahay
• I Corinto 11:2-15 Ang Tungkol sa Pagtatalukbong
• I Corinto 7:25-40 Ang mga Balo at Walang Asawa
• I Corinto 7:1-24 Ang Patungkol sa Pag-aasawa
• 1 Timoteo 2;9-15 ; 1 Corinto 14:34-35 Ang Nararapat sa Pagsamba
• Mga Kawikaan 14:1 Ang Matalinong Babae
• Tito 2:3-5 Ang Pagiging Guro sa mga Kababaihan


Sanggunian:
Bibiya
Difference by Design by John Macarthur
http://www.biblebb.com – Question and Answer by John Macarthur





















For God’s Glory
04/25/10

ISRAEL AT HENTIL – ANG KANILANG PAGIGING ISA

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : JUAN 10:16
TEMA : PANGKALAHATANG IGLESYA NG DIYOS
TITULO : ISRAEL AT HENTIL – ANG KANILANG PAGIGING ISA
TANONG : ANO ANG MGA LAYUNIN NG DIYOS SA IGLESYA BASE SA DOKTRINA NG PANGKALAHATANG IGLESYA

I. PANIMULA
A. Ang Pinanggalingan ng Teksto
• Pagpapakilala ni Hesus sa Kanya Bilang Mabuting Pastol
o Ako “I am” ay pangalan ng Diyos. Ito ay pagpapakilala bilang Diyos
o Ang pagiging dakila ni Hesus bilang pastol kaysa kay David - di lang kay Abraham at kay Moises
o Ang pagiging Mabuting Pastol sa pagbibigay ng buhay para sa mga tupa
• Pagpapakilala ni Hesus sa Kanya Bilang Mabuting Pastol
o Pag-aalay ng buhay sa Kanyang mga tupa
• Ang Relasyon ng Mabuting Pastol
o Ang Daanan ng Pastol at ng Magnanakaw (v.1-2)
o Ang Boses ng Pastol at ng Estranghero (v.3-10)
o Ang Pangangalaga ng Pastol at ng Upahan (v.11-13)

B. Ang Makabibliyang Kahulugan ng Iglesya Katoliko
• Ang kahulugan ng salitang Katoliko (catholic) ay pangkalahatang. Pangkalahatang Iglesya (Universal Church)
• Ito ay ang grupo ng mga mananampalataya ni Kristo Hesus mula Lumang Tipan hanggang Bagong Tipan

D. Ang Mga Maling Pananaw Patungkol sa Pangkalahatang Iglesya (Universal Chucrch)
• Mga relihiyon na nagsasabi na sila lamang ang tunay na Iglesya ng Diyos (Kulto – Cult)
o Karamihan sa relihiyon na ito ay di kinikilala si Kristo bilang Diyos na nagkatawang tao
o Na tanging sa pagsapi sa kanilang relihiyon ang kaganapan ng kaligtasan
• Mga relihiyon na nagsasabi na makakamtan ang kaligtasan kahit may iba’t-ibang pinaniniwalaan (ecumenism)
o Karamihan sa mga ito ay nakatuon sa tao at iba pang pilosopiya bilang basehan at di ang Bibliya

II. MENSAHE
A. Ang Tupa ng Diyos – Ang Israel
• Ang Israel ang Kanyang tupa mula pa kay Abraham
• Hinirang na bayan ng Panginoon
• Ang pabor ng Diyos ay nasa kanila
B. Ibang Tupa na Wala pa sa Kulungan – Sino ang mga tupa na wala pa kulungan
• Ang ibang tupa na binabanggit ay walang iba kundi ang mga Hentil
Ang Mabuting Balita ay para din sa mga Hentil(Roma 1:16), wala ng pagkakaiba ng Israel sa Hentil (Roma 10:12)
• Sila ay mga tupa rin ng Diyos na Kanyang ilalagay sa Kanyang kulungan ((Juan 11:52)
• Ang kulungan ay sumisimbolo sa Kaharian ng Diyos
C. Ang Paraan ng Diyos upang Mapagsama ang mga Tupa – Paano Dadalhin ng Diyos ang mga tupa?
• Iisang paraan upang pagsamahin ang mga tupa sa Kanyang kulungan – Mabuting Balita (Roma 1:16,10:17)
Ito ang dala ng mga propeta para mapagsama ang Israel (Mateo 23:37) at ito rin ang gagamitin ng Diyos sa mga Hentil (Isaias 42:6)
• Ang mga tupa (Hentil) ay makikinig din gaya ng Israel (1Pedro 2:25)

Prinsipyo: Ang Salita ng Diyos lamang ang may kapangyarihang mapagsama-sama ang tupa ng Diyos sa iba’t ibang lugar at
panahon
D. Ang Doktrina ng Pangkalahatng Iglesya (Catholic Church) “Isang Kawan at Isang Pastol”
• Isang Kawan
o Pagkakakilanlan ng Isang Kawan – Hindi dalawang kawan kundi isang kawan na may isang pagkakakilanlan
o Walang ng pagkakakilanlan bilang Israel at Hentil
o Naligtas dahil sa iisang uri ng biyaya at pananampalataya
• Isang Pastol
o Iisang Panginoon
o Iisang Tagapagligtas
o Iisang Tagapangalaga

Bakit natin dapat maintindihan ang doktrinang ito?
Upang Maging Malinaw ang Layunin ng Plano ng Diyos sa Iglesya
Ang Layunin ng Diyos sa Doktrina ng Pangkalahatang Iglesya

1) Pagkakaisa ng mga Mananampalataya ni Kristo
• Ang pagiging-isa ng Israel at ng Hentil (Efeso 3:6)
• Mula sa iba’t-ibang lugar, panahon at lokal na iglesya (1Corinto 1:2)
• Ang nais ng ating Panginoong Hesus ay pag-isahin ang mga mananampalataya (Juan 17:21-22)
• Ang pagkakaisa ng mga mananampalataya ay hindi organisasyon kundi sa Espiritu
• Ang pagkakaisa ay hindi parokyal kundi evangelical (kung ano ang sinasaad ng Bibliya)
Hamon: Tayong lahat ay mayroon ng pagkakaisa sa Espiritu kaya’t pagsumikapan natin itong mapanatili (Efeso 4:3)

2) Pagpapalaganap ng Salita ng Diyos bilang Misyon
• Ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos ang paraan na ginamit ng Diyos upang mapag-isa ang lahat ng mananampalataya ni Hesus sa iba’t-ibang panahon, lugar, at lokal na iglesya (Mateo 28:19-20)
• Si Hesus ay aktibong kumikilos sa mission ng iglesya para pagsamasamahin ang Kanyang tupa sa pamamagitan ng paghahayag ng Mabuting Balita
o Mga pananalita ni Hesus sa pangangailangan madala ang mga tupang wala sa kulungan
o Nakita ni Pablo ang ginawa ni Hesus sa paghahayag ng Mabuting Balita
 Di lamang sa kaligtasan ng Israel at ng Hentil (Roma 1:14) kundi sa pagkakaisa ng mga mananampalataya (Galacia 3:28)
Hamon: Ating gawing prayoridad ang pagpapahayag ng Mabuting Balita (Paga-aalay ng Mabuting Pastol ng Kanyang buhay)
sapagkat ito ang paraan ng Diyos upang madala Niya ang Kanyang mga tupa sa Kanyang kaway

3) Pagbibigay ng Babala laban sa mga Katuruan ukol sa Tunay na Iglesya
• Babala Laban sa Katuruan ng mg Kulto
o Ang katuruan na sila ang tama at sila lamang ang may kaligtasan at ang lahat ay mapapahamak kung di aanib sa kanilang iglesya at gawin ang kanilang mga pinapatupad gaya ng Judaismo, Iglesya ni Kristo (Mga Gawa 15:5)
o BInigyan tayo ng karunungan sa pamamagitan ng Bibliya sa gabay ng Espiritu Santo upang malaman ang katuruan ng iglesyang isang kulto
o Ito ang mga katuruan patungkol kay Kristo (2Juan 1:7-9)


• Babala Laban sa Kaisipan ng Seperatista
o Ang kaisipan ng seperatista ay paglayo sa mga di mananampalataya upang di marumihan ng kasalanan
o Sila naman ay nawawala ang pag-ibig sa kapwa
o Dahil dito ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay hindi ang prayoridad kundi ang pag-iingat ng sarili laban sa kasalanan sa maling paraan na laban sa sinasaad ng Bibliya
o Sila ay biktima ng parokyalismo na kung saad ang kilos ng Diyos ay nasa sa kanila lamang
• Babala Laban sa Konsepto ng Ecumenism
o Kabaligtaran ng kulto. Sila naman ang lahat masyadong maluwag sa lahat ng aspetong pang-espiritual
o Sa kanilang konsepto ng kaligtasan, ang lahat ng may pinanampalatayanang iisang Diyos ay bahagi ng Pangkalahatang Iglesya
 Shiva ng India , Allah ng Muslim, Shang Ti ng China, di kilalang Diyos ng Gresya
o Dahil dito ang awtoridad ng Bibliya at ang pagiging tagapagligtas ni Kristo ay napapawalang bisa (Galacia 2:21)
o Ang paniniwala nila ay ayon sa kanilang gawa at maliban kay Hesus ay maroong pang ibang daan ng kaligtasan

Hamon: Ating bantayan at depensahan ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa Tunay at Pangkalahatng Iglesya laban sa mga
katuruan, kaisipan at konsepto ng mga ito sa pamamagitan na pagtitiyagang mag-aral ng Kanyang Salita, tapat na
pagpapahayag ng Mabuting Balita at buong pusong pagsasakatuparan ng mga ito.

III. KONKLUSYON
“Ang doktrina ng Pangkalahatang Iglesya ay hindi malawak na pintuan at daan, ngunit makitid na pintuan kung saan tinawag ng Panginoon ng Iglesya ang bawat mananampalataya. Ang ibig sabihin nito ang mga ito ang iglesya ni Kristo. Di dapat natin itaboy ang mga taong Kanyang pinapasok at di dapat papasukin ang Kanyang mga di pinapasok” – Edmund Clowney

• Ang doktrinang ito ay dapat pahalagaan at ikalugod
o Sapagkat sa kabila ng pagiging di-ganap ng lokal na iglesya ay may inaasahan itong iglesyang ganap
• Ang pangakong pagpuno ng Diyos sa iglesyang ito ay sa pamamagitan ng matapat na pagpapahayag ng Mabuting Balita
o Huwag nating bigyang kahulugan ang misyon ng paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa o patungkol sa seguridad ng pagiging respetado sa pamamayanan sa kapalit ang walang katapatan sa pagpapahayag sa Salita ng Diyos.
• Maging ating pamantayan ang mga katangian ng Pangkalahatang Iglesya sa ikalalalago.
• Mag-ingat sa mga maling pananaw, katuruan, o kaisipan patungkol sa Pangkalahatang Iglesya
• Hayaan nating kumilos ang ating Panginoong Hesus sa ating buhay sa katuparan ng Kanyang kalooban
o Ipinanalangin tayo Niya sa Kanyang Ama ang pagiging isa natin sa Kanya gaya Nila ng Kanyang Ama
o Kumilos Siya sa atin at binigyan ng pagnanais na ibahagi ang Mabuting Balita na Kanyang ginamit upang dalhin ang bawat tupa sa katuparan ng Kanyang plano.





For God’s Glory
04/11/10