GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH
TEKSTO : JUAN 10:16
TEMA : PANGKALAHATANG IGLESYA NG DIYOS
TITULO : ISRAEL AT HENTIL – ANG KANILANG PAGIGING ISA
TANONG : ANO ANG MGA LAYUNIN NG DIYOS SA IGLESYA BASE SA DOKTRINA NG PANGKALAHATANG IGLESYA
I. PANIMULA
A. Ang Pinanggalingan ng Teksto
• Pagpapakilala ni Hesus sa Kanya Bilang Mabuting Pastol
o Ako “I am” ay pangalan ng Diyos. Ito ay pagpapakilala bilang Diyos
o Ang pagiging dakila ni Hesus bilang pastol kaysa kay David - di lang kay Abraham at kay Moises
o Ang pagiging Mabuting Pastol sa pagbibigay ng buhay para sa mga tupa
• Pagpapakilala ni Hesus sa Kanya Bilang Mabuting Pastol
o Pag-aalay ng buhay sa Kanyang mga tupa
• Ang Relasyon ng Mabuting Pastol
o Ang Daanan ng Pastol at ng Magnanakaw (v.1-2)
o Ang Boses ng Pastol at ng Estranghero (v.3-10)
o Ang Pangangalaga ng Pastol at ng Upahan (v.11-13)
B. Ang Makabibliyang Kahulugan ng Iglesya Katoliko
• Ang kahulugan ng salitang Katoliko (catholic) ay pangkalahatang. Pangkalahatang Iglesya (Universal Church)
• Ito ay ang grupo ng mga mananampalataya ni Kristo Hesus mula Lumang Tipan hanggang Bagong Tipan
D. Ang Mga Maling Pananaw Patungkol sa Pangkalahatang Iglesya (Universal Chucrch)
• Mga relihiyon na nagsasabi na sila lamang ang tunay na Iglesya ng Diyos (Kulto – Cult)
o Karamihan sa relihiyon na ito ay di kinikilala si Kristo bilang Diyos na nagkatawang tao
o Na tanging sa pagsapi sa kanilang relihiyon ang kaganapan ng kaligtasan
• Mga relihiyon na nagsasabi na makakamtan ang kaligtasan kahit may iba’t-ibang pinaniniwalaan (ecumenism)
o Karamihan sa mga ito ay nakatuon sa tao at iba pang pilosopiya bilang basehan at di ang Bibliya
II. MENSAHE
A. Ang Tupa ng Diyos – Ang Israel
• Ang Israel ang Kanyang tupa mula pa kay Abraham
• Hinirang na bayan ng Panginoon
• Ang pabor ng Diyos ay nasa kanila
B. Ibang Tupa na Wala pa sa Kulungan – Sino ang mga tupa na wala pa kulungan
• Ang ibang tupa na binabanggit ay walang iba kundi ang mga Hentil
Ang Mabuting Balita ay para din sa mga Hentil(Roma 1:16), wala ng pagkakaiba ng Israel sa Hentil (Roma 10:12)
• Sila ay mga tupa rin ng Diyos na Kanyang ilalagay sa Kanyang kulungan ((Juan 11:52)
• Ang kulungan ay sumisimbolo sa Kaharian ng Diyos
C. Ang Paraan ng Diyos upang Mapagsama ang mga Tupa – Paano Dadalhin ng Diyos ang mga tupa?
• Iisang paraan upang pagsamahin ang mga tupa sa Kanyang kulungan – Mabuting Balita (Roma 1:16,10:17)
Ito ang dala ng mga propeta para mapagsama ang Israel (Mateo 23:37) at ito rin ang gagamitin ng Diyos sa mga Hentil (Isaias 42:6)
• Ang mga tupa (Hentil) ay makikinig din gaya ng Israel (1Pedro 2:25)
Prinsipyo: Ang Salita ng Diyos lamang ang may kapangyarihang mapagsama-sama ang tupa ng Diyos sa iba’t ibang lugar at
panahon
D. Ang Doktrina ng Pangkalahatng Iglesya (Catholic Church) “Isang Kawan at Isang Pastol”
• Isang Kawan
o Pagkakakilanlan ng Isang Kawan – Hindi dalawang kawan kundi isang kawan na may isang pagkakakilanlan
o Walang ng pagkakakilanlan bilang Israel at Hentil
o Naligtas dahil sa iisang uri ng biyaya at pananampalataya
• Isang Pastol
o Iisang Panginoon
o Iisang Tagapagligtas
o Iisang Tagapangalaga
Bakit natin dapat maintindihan ang doktrinang ito?
Upang Maging Malinaw ang Layunin ng Plano ng Diyos sa Iglesya
Ang Layunin ng Diyos sa Doktrina ng Pangkalahatang Iglesya
1) Pagkakaisa ng mga Mananampalataya ni Kristo
• Ang pagiging-isa ng Israel at ng Hentil (Efeso 3:6)
• Mula sa iba’t-ibang lugar, panahon at lokal na iglesya (1Corinto 1:2)
• Ang nais ng ating Panginoong Hesus ay pag-isahin ang mga mananampalataya (Juan 17:21-22)
• Ang pagkakaisa ng mga mananampalataya ay hindi organisasyon kundi sa Espiritu
• Ang pagkakaisa ay hindi parokyal kundi evangelical (kung ano ang sinasaad ng Bibliya)
Hamon: Tayong lahat ay mayroon ng pagkakaisa sa Espiritu kaya’t pagsumikapan natin itong mapanatili (Efeso 4:3)
2) Pagpapalaganap ng Salita ng Diyos bilang Misyon
• Ang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos ang paraan na ginamit ng Diyos upang mapag-isa ang lahat ng mananampalataya ni Hesus sa iba’t-ibang panahon, lugar, at lokal na iglesya (Mateo 28:19-20)
• Si Hesus ay aktibong kumikilos sa mission ng iglesya para pagsamasamahin ang Kanyang tupa sa pamamagitan ng paghahayag ng Mabuting Balita
o Mga pananalita ni Hesus sa pangangailangan madala ang mga tupang wala sa kulungan
o Nakita ni Pablo ang ginawa ni Hesus sa paghahayag ng Mabuting Balita
Di lamang sa kaligtasan ng Israel at ng Hentil (Roma 1:14) kundi sa pagkakaisa ng mga mananampalataya (Galacia 3:28)
Hamon: Ating gawing prayoridad ang pagpapahayag ng Mabuting Balita (Paga-aalay ng Mabuting Pastol ng Kanyang buhay)
sapagkat ito ang paraan ng Diyos upang madala Niya ang Kanyang mga tupa sa Kanyang kaway
3) Pagbibigay ng Babala laban sa mga Katuruan ukol sa Tunay na Iglesya
• Babala Laban sa Katuruan ng mg Kulto
o Ang katuruan na sila ang tama at sila lamang ang may kaligtasan at ang lahat ay mapapahamak kung di aanib sa kanilang iglesya at gawin ang kanilang mga pinapatupad gaya ng Judaismo, Iglesya ni Kristo (Mga Gawa 15:5)
o BInigyan tayo ng karunungan sa pamamagitan ng Bibliya sa gabay ng Espiritu Santo upang malaman ang katuruan ng iglesyang isang kulto
o Ito ang mga katuruan patungkol kay Kristo (2Juan 1:7-9)
• Babala Laban sa Kaisipan ng Seperatista
o Ang kaisipan ng seperatista ay paglayo sa mga di mananampalataya upang di marumihan ng kasalanan
o Sila naman ay nawawala ang pag-ibig sa kapwa
o Dahil dito ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay hindi ang prayoridad kundi ang pag-iingat ng sarili laban sa kasalanan sa maling paraan na laban sa sinasaad ng Bibliya
o Sila ay biktima ng parokyalismo na kung saad ang kilos ng Diyos ay nasa sa kanila lamang
• Babala Laban sa Konsepto ng Ecumenism
o Kabaligtaran ng kulto. Sila naman ang lahat masyadong maluwag sa lahat ng aspetong pang-espiritual
o Sa kanilang konsepto ng kaligtasan, ang lahat ng may pinanampalatayanang iisang Diyos ay bahagi ng Pangkalahatang Iglesya
Shiva ng India , Allah ng Muslim, Shang Ti ng China, di kilalang Diyos ng Gresya
o Dahil dito ang awtoridad ng Bibliya at ang pagiging tagapagligtas ni Kristo ay napapawalang bisa (Galacia 2:21)
o Ang paniniwala nila ay ayon sa kanilang gawa at maliban kay Hesus ay maroong pang ibang daan ng kaligtasan
Hamon: Ating bantayan at depensahan ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa Tunay at Pangkalahatng Iglesya laban sa mga
katuruan, kaisipan at konsepto ng mga ito sa pamamagitan na pagtitiyagang mag-aral ng Kanyang Salita, tapat na
pagpapahayag ng Mabuting Balita at buong pusong pagsasakatuparan ng mga ito.
III. KONKLUSYON
“Ang doktrina ng Pangkalahatang Iglesya ay hindi malawak na pintuan at daan, ngunit makitid na pintuan kung saan tinawag ng Panginoon ng Iglesya ang bawat mananampalataya. Ang ibig sabihin nito ang mga ito ang iglesya ni Kristo. Di dapat natin itaboy ang mga taong Kanyang pinapasok at di dapat papasukin ang Kanyang mga di pinapasok” – Edmund Clowney
• Ang doktrinang ito ay dapat pahalagaan at ikalugod
o Sapagkat sa kabila ng pagiging di-ganap ng lokal na iglesya ay may inaasahan itong iglesyang ganap
• Ang pangakong pagpuno ng Diyos sa iglesyang ito ay sa pamamagitan ng matapat na pagpapahayag ng Mabuting Balita
o Huwag nating bigyang kahulugan ang misyon ng paggawa ng mabuti at pagtulong sa kapwa o patungkol sa seguridad ng pagiging respetado sa pamamayanan sa kapalit ang walang katapatan sa pagpapahayag sa Salita ng Diyos.
• Maging ating pamantayan ang mga katangian ng Pangkalahatang Iglesya sa ikalalalago.
• Mag-ingat sa mga maling pananaw, katuruan, o kaisipan patungkol sa Pangkalahatang Iglesya
• Hayaan nating kumilos ang ating Panginoong Hesus sa ating buhay sa katuparan ng Kanyang kalooban
o Ipinanalangin tayo Niya sa Kanyang Ama ang pagiging isa natin sa Kanya gaya Nila ng Kanyang Ama
o Kumilos Siya sa atin at binigyan ng pagnanais na ibahagi ang Mabuting Balita na Kanyang ginamit upang dalhin ang bawat tupa sa katuparan ng Kanyang plano.
For God’s Glory
04/11/10
No comments:
Post a Comment