Tuesday, May 21, 2013

ANG KALAGAYANG MAKASALANAN



Jeremias 13:23
Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? Kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

PANIMULA

I. Si John Calvin ay may malinaw na doktrina patungkol sa Kagandahang Loob ng Diyos (Grace of God)
·        Ito ay namayagpag noong panahon niya at ipinagpatuloy ng kanyang mga taga-sunod
·        Pagkalipas ng ilang panahon pagkatapos niyang mamatay lumabas si Jacobos Armenius na sinalungat ang turo ni Calvin na pinagpatuloy ng mga taga-sunod patungkol sa Doktrina ng Kagandahang Loob ng Diyos
·        Nung siya ay namatay ay ipinagpatuloy ito ng mga taga-sunod niya na tinatawag na remonstrant
II. 1610 naghain ng artikulo ang mga remonstrant laban sa Iglesyang Dutch sa Netherland patungkol sa katuruang Reformed ni Calvin
·        1618-19 dalawang taon pinagtuunan ng pansin ang inihain ng mga remonstrants at sa sa Dordrecht (Dort) at nabuo nila ang katuruan ng Doktrina ng Kagandahang Loob ni Calvin na may sistema
·        Nilagyan nila ito ng acronym na TULIP – para mas madaling tandaan.
III. Ang Doktrina ng Kagandahang Loob
·        Ang doktrinang ito ang pinanghahawakan ng mga Evangelical tulad ng Presbyterian, Congregationalist, Reformed at mga Baptist.
·        Ito ang pinagkaiba nating mga evangelical sa Romano Katoliko
·        Ngunit sa iba’t ibang denominasyon ay nagkaroon ng sarisariling pananaw patungkol sa doktrinang ito

Layunin : Makita natin ang tamang pananaw sa Doktrina ng Kagandahang Loob ng Diyos

IV. TULIP – Total Depravity, Unconditional Election, Limited Atonement, Irresistable Grace, at Perseverance of the Saints

Paksa : Kabuuang Kawalang Kakayanan ng Tao – Total Depravity
Mensahe : Katanyanyagan ng Kagandahang Loob ng Diyos sa Tunay na Kalagayan ng Tao
Texto : Jeremias 13:23 : Mababago ban g Etiope ang Kanyang balat o ng leopardo and kanyang batik? Kung gayon ay makakagawa
            rin kayo ng mabuti kayong mga sanay gumawa ng masama.

Kontexto : Nakabadyang hatol ng Diyos sa Juda na pananakop ng Babilonya dahil sa kasalanan

I. Ang Kalagayan ng Ating Kalikasan dahil sa Kasalanan

·        Ang pagsasalarawan sa isang Etiope at leopardo ay tumutukoy sa kalikasan ng tao
o   Ang kulay ng Etiope na maitim ay lumalarawan sa kalikasang masama
o   Ang batik ng leopardo ay lumalarawan kalikasang may bahid ng
o   Sapagkat ang konteksto ay patungkol sa kasalanan ng Juda na may banta ng nalalapit na pananakop ng isang bansa.
·        Sa aral patungkol sa TOTAL DEPRAVITY hindi isinasaad nito na ang tao ay magkakatulad ang antas ng kasamaan ngunit sinasaad nito na ang tao ay likas na masama dahil ang tao ay likas na makasalanan
o   Taga Roma 3:10 - Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa
a. Ang Kasamaan ng Kalikasan ay Nananahan sa Puso
·        Ang puso ay ang lugar sa katauhan kung saan ang intensyon, ang layunin, kamalayan, pagnanais ay inilarawan ng bibliya na masama ay narooon.
o   Genesis 6:5 - At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
o   Jeremias 17:9 - Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?

Pagdidiin : Ang pandaraya ng pilosopiyang patungkol sa puso “Kung Ano ang Nasa Puso mo, Sundin mo.”

b. Ang Kasamaan ng Kalikasan ay Nagsimula sa Loob ng Sinapupunan
·        Ang bata sa sinapupunan ay makasalanan na.
o   Awit 51:5 - Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
o   Awit 53:8 - Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
Pagdidiin : Ang bawat bata ay likas na masama at dapat maituwid ayon sa panukala ng Bibliya.

c. Ang Kasamaan ng Kalikasan ay Na-ugat mula kay Adan
·        Ang kasalanan ni Adan ay inilagay sa atin – Ito ay inilagay sa ating pagkatao
·        Ito ay hindi biological kundi ito ay Adamic – ibinilang ang kasalanan sa tao (Imputed Sin)
o   Taga Roma 5:13 - Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
·        Ang paninisi ng tao kay Adan dahil nadamay ang tao.
o   Nais ng tao na ituring siyang makasalanan dahil sa kanyang ginawa at hindi dahil sa kagagawan ninuman
o   Ngunit kung ito ang nais ng tao walang Kristo para sa atin
o   Kung mapapansin natin na si Hesus ay tinawag na Huling Adan
§  Kung si Adan ang representate natin sa pagiging makasalanan, si Hesus naman ang representante natin sa katuwiran
·        2 Corinthians 5:21 - Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.
Pagdidiin : Kung tayo ay ituturing na makasalanan dahil sa sariling kasalanan, ituturing tayo rin na matuwid sa paggawa natin ng
    matuwid. Mababaliwala ang doktrina ng Kagandahan Loob ng Diyos.

Hamon : Ipinapakita ng Bibliya ang ating tunay na kalagayang espiritwal ay nawa’s makita natin ito sapagkat ito ang simula ng
               pagiging mapalad at hindi magmalaki sa Diyos.


II. Ang Kawalan ng Kakayanan na magkaroon ng Katuwiran

·        Ang texto ay isang katanungan : Mapapalitan ba ng Etiope ang kanyang kulay o ng leopardo ang kanyang batik?
o   At ito ay sinagot: Ang sagot ay pagbibigay ng konklusyon at di sinagot ng tuwiran.
o   Kung kayang baguhin ng Etiope at Leopardo ang balat at batik, ang tao ay makakagawa ng mabuti kung hindi kayang baguhin hindi makakagawa ng mabuti.
·        May kakayanan ba ? – Ito ang tanong sa aral sa doktrina ng Total Depravity
o   Ang mga remonstrant (Arminians) ay naniniwala na may kakayanan
o   Ngunit ang mga reformed ay naniniwala na walang kakayanan
·        Ang Sistema ng Tao Upang Maging Matuwid
o   Ang dalawang pinto sa Mateo 7:13-14 ay tumutukoy sa dalawang sistema ng pagkakaroon ng katuwiran upang maligtas at hindi paghahambing ng pagpasok sa Kristiyanismo at Mundo.
o   Marami sa katuruaan na nagtuturo na ang pagiging matuwid ay sa paggawa ng mabuti ngunit tinuturo ng Bibliya na sa pamamagitan lamang ng tinapos ni Kristo magiging matuwid ang tao at hindi sa paggawa ng mabuti.
§  Roma 3:12 - Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
o   Ang mayamang lalaki ay nagtanong nga ganito “Mabuting Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?
§  Ang tugon ni Hesus ay walang mabuti kundi ang Diyos – ibig sabihin walang makakagawa ng mabuti kundi ang mabuti
§  Tinugon din ni Hesus ang pagsunod sa batas – ibinigay na sagot ni Hesus ay yung imposibleng gawain upang magkaroon ng buhay na walang hanggan upang di manahan sa kanyang kakayanan
§  Ngunit ipinagpilitin pa rin ng lalaki na kaya niyang gawing sundin ang batas

Hamon: Alisin ang tiwala sa sariling kakayanan na mailigtas ang sarili sa pamamagitan ng mabubuting gawa sapagkat walang
makakagawa ng mabuti sapagkat kundi ang mabuti at Siya ay ang Panginoong Hesus.


III. Ang Kailangan sa Ating Kaligtasan ay Kagandahang Loob

·        Kung ang kalikasan ng tao ay masama at walang kakayanang gumawa ng mabuti na makakapagdulot ng pagiging matuwid, ang tao ay nasa malungkot at miserableng kalagayan at kailangan ay mayroong mahabag sa kaniya.
·        Ito ang aral sa ilang pagpapagaling ni Hesus dahil sa kagandahang loob ni Kristo
o   Ang babaeng inaagasan sa mahabang panahon ay gumaling
o   Ang ketongin ay luminis
o   Ang bulag ay nakakita
·        Mga Ipinagkaloob ng Diyos dahil sa kagandahang loob Niya
o   Kapahayagan ng Katotohanan
§  Mateo 11:27 - Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
o   Pagbabago ng Kalikasan
§  Juan 3:8 - Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.
o   Pagkakaroon ng Pananampalataya
§  Roma 10:17 - Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.
o   Kakayanan Lumapit at Manampalataya kay Kristo
§  Juan 6:65 - At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.

Hamon : Ang kagandahang loob lamang ang dahilan ng pagbabago para sa kaligtasan ng tao at hindi ang sariling kakayanan.


KONKLUSYON

·        Makita nawa natin at matanggap ang katotohanan na dahil sa kasalanan tayo walang kakayanang baguhin ang sarili, magkaroon ng katuwiran na karapat-dapat sa harapan ng Diyos, at gumawa ng mabuti para sa katuwiran.
·        Alalahanin natin na kay Hesus lamang matatagpuan ang katuwiran upang maibilang na matuwid.
·        Ang katuruan ng Total Depravity ay nagpapatingkad sa doktrina ng kagandahang loob
·        Sa ating kalagayang miserable, alalahanin natin na may kagandahag loob na makapagliligtas at ito ay matatagpuan lamang kay Hesus.


May 19, 2013
Jesus Is The Answer Christian Church
Soli Deo Gloria

KILALANIN SI HESUS



Awit 101:1
Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, umupo ka sa aking kanan,
hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

PANIMULA

A. Personal na Tanong ni Hesus patungkol sa Kanyang sarili
·        Mateo 16:13 – Sino para sakanila ang Anak ng Tao
·        Mateo 22:44 – Kaninong Anak Siya
·        Matatagpuan natin sa Bibliya na tinatanong ni Hesus ang tao patungkol sa Kanyang pagkakakilanlan

B. Mga Sagot
·        May mga sumagot na Siya si Elias, o si Juan Bautista rin – hindi nila kilala kay Hesus sapagkat walang relasyon
·        Yung iba ay hindi sumagot gaya ng mga Fariseo  - hindi nila kilala si Hesus bilang Anak ng Diyos sapagkat ayaw nilang paniwalaan dahil hindi nila matanggap si Hesus

C. Kasalukuyang Pagkilala kay Hesus
·        Kilala si Hesus bilang namatay sa krus
·        May iba’t ibang paniniwala pa rin kay Hesus

Mensahe : Ating Kilalanin si Hesus Ayon sa Kapahayagan


Tatlong Relasyon na Magpapakilala sa Atin Patungkol Kay Hesus

1. Pagkilala kay Hesus bilang Diyos – Relasyon ni Hesus sa Ama

·        Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon – May ilang Panginoon?
o   Efeso 4:1 “Isang Panginoon” Ngunit sa texto ay may dalawang Panginoon
o   Sa orihinal na lenggwahe “Sinabi ni YAHWEH sa aking Adoni”
§  Ang Yahweh ay ginawang Panginoon sapagkat may panahon noon sa na hindi dapat banggitin ang YHWH sa kanilang pagsasalin
§  Ang Adoni ay ginamit din sa mga tao gaya ni Abraham at ni Esau (Gen 24:36, 32:4)
§  Ito ang ginagamit ng mga kulto na si Hesus ay hindi Diyos at iba ang Kanyang pagkapanginoon kaysa sa Ama
·        Ito ay ang pagkakakilanlan ng Ama sa Anak
·        Sa tagpo sa Mateo 22:44 ginamit ni Hesus ito at makikita natin na parehas ang pinanggalingang salita “Kurios”
o   Ipinapakita na ang esensya ng Ama at ng Anak ay iisa lamang
·        Arianismo  - hindi naniniwala na si Hesus ay Diyos na kagaya ng Ama – ito ang pinanggalingan ng mga Saksi ni Jehova
·        Ang di naniniwala na si Hesus ay Diyos ay antikristo.

Ang Pagka-Diyos ni Hesus ay pinatutunayan ng relasyon Niya sa Ama at dapat nating kilalanin sapagkat ang pagka-Diyos ni Kristo Hesus ay ang ating pag-asa

·        Paano mo Siya kikilalanin bilang Diyos? – Walang ibang Diyos maliban sa Kanya

2. Pagkilala kay Hesus bilang Panginoon – Relasyon ni Hesus kay David

·        Tinawag ni David “Aking Panginoon”
·        Ito ay tumutukoy sa relasyon niya sa ipinangakong Hari
·        Kinilala ni David ang Hari na ito na Panginoon kahit hindi niya alam kung sino subalit ito ay pangako
o   Kaya ang mga taong bago pa dumating si Hesus sila ay nag-aabang sa pangakong ipangagnanak
·        Kung kinilala ni David na Panginoon ang lalabas mula sa kanyang angkan – dapat mas dapat natin kilalanin ang pagkapanginoon ni Hesus

Dapat na makita natin na tayo ay alipin at Siya ang Panginoon at ang masusunod at di ang sarili nating naisin.

·        Paano mo Siya kikilalanin bilang Panginoon? – Sumunod tayo bilang Kanyang mga alipin

3. Pagkilala kay Hesus bilang Hari – Relasyon ni Hesus sa lahat ng Tao

·        Ang unang pagdating ni Hesus ay ang inagurasyon ng Kanyang paghahari
·        Ang salitang KANAN ay tumutukoy sa kasukdulan ng Kanyang pag-aari – pinakahari ay si Hesus
·        Pagkatapos ng Kanyang pag-akyat Siya ay nailuklok na bilang Hari pagkatapos tupdin ang Kanyang tungkuling ginampanan
·        Mananampalataya man o hindi ang pagiging hari ni Hesus ay hindi matatapos o mawawala sa kanila na di nananampalataya
o   Tulad sila ng mga rebelde na kahit di kilalanin ang ating president sila pa rin ay nasa ilalim ng pamunuan.
·        Sa Kanyang ikalawang pagbabalik, Siya at bilang Hari sa mundo

Tayo ay nasa Kanyang pamumuno bilang Hari manampalataya man o hindi tayo ay nasa ilalim ng kanyang pamamahala.

·        Paano mo Siya kikilalanin bilang Hari? – Paglingkuran Siya

Paalala: Kung hindi Siya kilalanin sa buhay natin bilang Diyos, Panginoon at Hari mayroong isang relasyon

Pagkilala kay Hesus bilang Hukom – Relasyon ni Hesus sa mga Kaaway

·        Sa mga kaaway ng krus si Hesus ay kaaway at dapat nating malamat na ang lahat ng di mananampalataya ay Kanyang kaaway hanggang sa matapos ang panahon.
·        Darating sa panahon na iyon si Hesus ay huhusga – huhusgahan ang lahat ng kasalanang hindi pa nahuhusgahan

Dapat makipag-ayos kay Hesus upang sa bago pa dumating ang panahon ng paghuhukom.



KONKLUSYON

·        Sino si Hesus sa buhay mo? Anong relasyon meron ka sa Kanya?
·        Tingnan natin kung atin nga kinikilala si Hesus sa ating pamumuhay
·        Panampalatayanan mo na si Hesus ay Diyos at Siya ang may hawak ng kaligtasan kaya’t atin Siyang papupurihan
·        Siya ang iyong Paninoon. Kund hindi mo kinikilala wala pong tagapag-ligtas para sa iyo sa mga sandaling ito.
·        Siya ay hari natin. Ang awtoridad ay nasa Kanya lamang. – Nais mo bang maging rebelde at makipagmatigasan
·        Kung hindi natin Siya sa ating gawi at pamumuhay bilang Diyos, Panginoon at Hari hindi kailanman natin Siya magiging tagapagligtas kundi isang Hukom na huhusga sa atin. Siya ang magpapataw sa atin ng parusa
·        Kilalanin mo ang namatay para sa iyo – upang Kanyang tao.

Kung ikaw ay wala pang relasyon kay Hesus ikaw ay mananatiling kaaway Niya hanggang dumating ang araw na SIya ay magiging Hukom mo. May panahon pa. Kilalanin Siya habang mayaroon pang hiningang ibinigay sa iyo.





April 28, 2013
Mt. Zion Christian Church
Soli Deo Gloria

ANG LAYUNIN NG IYONG PAGKAKALIKHA



Mangangaral 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.

PANIMULA

A. Bakit Nalikha ang isang bagay?

·        Ang isang relo ay ginawa dahil sa kagustuhan ng lumikha at ang lumikha.
·        Maari mong gamitin bilang pabigat sa isang papel, maging palamuti, ngunit hindi maiaalis na ito ay nilikha upang gamitin upang magsabi ng oras
·         Bakit ka nilikha?
o   Niloob ng lumikha na ikaw ay malikha – ito ay sa kagustuhan Niya
o   At sa pagkakalikha ay mayroon layunin –
§  Hindi ang relo ang naglagay ng layunin para sa sarili niya kundi ang lumikha
§  Tulad ng Diyos na sa atin ay lumikha – Siya ang naglagay ng layunin sa atin at tayo ay hinulma ayon sa layuning ito. Hindi tayo ang naglagay ng layunin kundi ang lumikha sa atin
§  Kapag nakita ng lumikha ng relo na pabaligtad ang ikot ng kamay ay hindi Siya matutuwa sapagkat hindi iyon ang nasa isipan niya ng ito ay likhain. Ngunit kung ito ay kumikilos ayon sa layunin na umikot ng tama at makapagbigay ng tamang oras ay magagalak itong ang gumawa ng relo
§  Ganun din tayo. Kung tayo ay kumikilos o namumuhay ayon sa Kanyang layunin na ibinigay sa atin ang Diyos ay magagalak – Sapagkat ikaw ay nilikya para sa Kanyang kagalakan

Mensahe: Ang pamumuhay ayon sa Kanyang layuning ipinagkaloob sa atin ay Kanyang kagalakan

Ang Dalawang Kabuuan ng Katungkulan ng Tao

1) Pagkilala sa Diyos
·        Matakot sa Diyos
o   Kilala ng tao ang Diyos na mapagmahal, maawain, mahabagin, mabuti
o   Ngunit dapat din Siyang kilalanin na matuwid na Diyos, banal na Diyos, at Diyos ng hustisya – namumuhi sa kasalanan at hindi kinokonsinte ang mga ito
§  Isang patunay na hindi Niya kinokonsinte ang kasalanan ay makikita sa Kamatayan ni Hesus sa Krus
·        Kung Siya ang Diyos na nagliligtas Siya rin ang Diyos na Nagbubulid ng Kaluluwa sa Impyerno (Hindi ba’t Siya rin ay hukom)
o   At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno. (Mateo 10:28)
·        Kung makikilala lamang natin ang Diyos tayo ay matatakot sa Kanya at ito ang simula ng tunay Karunungan
o    Hindi ka makikipagmatigasan sa Diyos
o   Kikilalanin mo Siya bilang tunay na Panginoon
o   Matatakot kang gumawa ng kasalanan gaano man kaliit ito sapagkat alam kung gaano Siya namumuhi sa kasalanan
·        Kaya ito ang isang sa kabuuan ng katungkulan ng tao – Matakot sa Diyos

2) Paglilingkod sa Diyos

·        Ang tao ay nilikha upang maging lingkod (Filipos 2:7)
o   Sa ayaw man natin at sa gusto ang disenyo natin ay isang maging lingkod
§  Ang bawat trabaho ay larawan ng paglilingkod
·        Kung tunay na kinikilala si Hesus bilang Panginoon
o   Malalaman natin yung sino tayo
o   Malalaman natin ang relasyon natin sa Kanya
o   Malalaman natin ang tungkulin natin – at ito ay sundi ang utos Niya
§  Siya ay Hari, hindi ba? Ang hari ay may kaharian at sa Kanyang kaharian ay mayroon batas
§  Kaya’t ang tawag sa hindi sumusunod sa batas ay rebelde
§  Ang Batas ay Hindi pabigat – ito ay proteksyon  para sa atin
·        Batas sa trapiko ay hindi para pahirapan tayo kundi para maproteksyunan tayo
·        Ang batayan ng paglilingkod ay nakatali sa batas
o   Hindi pwedeng maglingkod ng hindi ayon sa Kanyang panukala
o   Dapat ay ito ay nakabatay sa batas na Kanyang ibinagay – at ang Bibliya ang manual ng bawat lingkod sa Diyos



KONKLUSYON

·        Bakit ka nilikha? Ano ang Layunin ng DIyos sa iyong paglilikha?
·         Ngayong alam mo na ang layunin ng Diyos na ibinigay Niya sa iyo
·         Kilalanin mo Siya at sa iyong banal na pagkatakot sa Diyos makikilala mo Siya na ay mapagmahal, maawain, at mahabagin higit sa iyong pagkakakilala sa Kanya.
·        At Siya ay paglilingkuran mo sapagkat Siya ay dapat paglingkuran ayon sa panukalang Kanyang ipinaalam sa Bibliya
·        Ikaw ay nalikha para sa katungkulan na ito para sa Kanyang kagalakan
·        At matatagpuan mo rin ito rin ay iyong kagalakan sapagkat ikaw ay para sa Kanya
·        Ngayon alam mo na kung bakit ka naririto.


Mission Camp in Mansalay, Mindoro Oriental
April 22-24
Soli Deo Gloria

ANG KALOOB NA KAPAHINGAHAN


Mateo 11:28-30
Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

PANIMULA

A. Pangakong Kapahingahan na Nauwi sa Kamatayan
·        Nagimbal halos ang buong mundo sa pagkamatay ng King of Pop na si Michael Jackson noong June 25, 2009.
·        Ngunit ang mas nakagigimbal ay ang sanhi ng pagkapamatay nito ay ang maling medikasyon ng kanyang doktor na si Conrad Murray.
·        Nagpabaya si Dr. Murray sa pagbibigay ng propofol para makaranas ng kapahingahan ang nasirang King of Pop laban sa kanyang insomya.
·        At ang inaasahang kapahingahan ay nauwi sa kamatayan.

Ngunit ang Diyos na tapat ay nangako ng kapahingahang panghabambuhay. At ito ang mensahe sa atin ng Diyos ngayong lingo.

Mensahe : Ang Kaloob na Kapahingahan mula sa Diyos sa Pamamagitan ni HesuKristo

TITULO : ANG KALOOB NA KAPAHINGAHAN
TEXTO : MATEO 11:28-30

Ang Pangakong Kapahingahan
·        Ang salitang kapahingahan ay paulit-ulit na binabanggit sa Luma at Bagong Tipan.
·        At ito ay inilalarawan ng Lumang Tipan at pinaliliwanag ang kaganapan nito sa Bagong Tipan
o   Sabbath ay larawan ng pagpapahinga – maraming bawal patungkol sa paggawa maging pagkilos (Exodo 31:14-15)
o   Kapistahan ng Jubileo – Ang pagpapahinga ng lahat maging lupa (Levitico 25:10)
o   Ang Presensya ng Diyos ay ang Kapahingahan (Exodo 33:14)
§  Immanuel – Ang Diyos ay Nasa Atin
o   Ang Lupang Pangako ay ang Kapahingahan (Hebreo 4:5)
§  Ang lupang pangako ay ang ipinangakong Hesus kung saan ang buhay ay may kaginhawahan
o   Ang Sabbath ay para sa tao hindi ang tao para sa Sabbath – ito ay kaloob (Mark 2:27)
o   Ang Sabbath and Lupang Pangako ay anino lamang ng realidad walang iba kundi si Kristo Hesus
§  Colosas 2:16-17 - Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.

Ang texto ay ang patungkol sa panawagan ni Hesus para sa kapahingahan ng tao. At ito ay panawagan sa mga may sakit na kinakailanganang mabigyan ng lunas sa lalong madaling panahon

 Paalala: Ang pangakong kapahingahan ay hindi pisikal kundi sa kaluluwa kaya ito ay may kinalaman sa ispirituwal na
                kapahingahan

Ang Tatlong Pangunahing Kaalaman sa Pagpapagamot

1. Kalagayan ng Maysakit (Napapagal at Nabibigatan)

·        Ito ay panawagan sa mga napapagal at nabibigatan
o   Sino ang lalapit at tatalima sa panawagan para sa medikasyon ng kaluluwa?
§  Sila na ilalapit ng Ama kay Hesus (Juan 6:37)
§  Sila na ipinanganak sa muli upang makita ang kaharian ng Diyos (Juan 3:3)
§  Sila na sa pagkamulat sa kanilang tunay na kalagayan ay ituturing ang sarili na mahirap sa espiritu sapagkat wala katuwiran na maihaharap sa Diyos kaya’t sila ay mauuhaw sa katuwiran na tanging kay Kristo lang matatagpuan (Mateo 5:3-6)
§  Sila na hindi man lang makatingin sa langit dahil sa kasalanan  at sisigaw ng “Maawa ka ako’y makasalanan” tulad ng maniningil ng buwis
§  Sila lamang ang makakalapit kay Kristo sa panawagan na iyon sapagkat nakita nila ang tunay nilang kalagayan – ang kalagayan ng isang maysakit sa espiritu dahil sa kasalanan at yan ang dahilan ng pagkapagal at pagkabigat ng dinadala.
Illustrasyon : Sa panahon ng kaginahawahan ng mga Israelita sa Ehipto ay hindi sila tumatawag sa Diyos at nakalimutan na ang
pangako ng Diyos – ang Canaan. Ngunit ng sila ay pinahirapan sila lumapit sa Diyos. Ganoon din sa panahon ng mga
Hukom. Lumalapit lamang sa Diyos kapag nararanasan ang bigat ng kanilang kasalanan sa Diyos.
o   Lahat ay nagkasala ngunit hindi lahat ay makakaranas ng kabigatan ng dinadalang kasalanan
§  Ang kasakitang ito ay nakukubli sa tagumpay at kasaganahan na tinatamasa na nagiging dahilan ng pagmamataas dahilan upang di bigyang pansin ang panawagang magbibigay lunas sa kasakitan ng kaluluwa
§  Maging ang pagmamatuwid sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ay hadlang upang matakpan nito ang tunay ng kalagayan ng kaluluwa.
§  Kaya ang Mabuting Balita ay walang halaga
§  Maliban na maipahayag ito ng Diyos sa kanila (v.25)
§  Maipahayag ng Anak ang Ama sa nais Niyang pagpahayagan (v.27)
§  Sapagkat pagnahayag ang Diyos, ang mga pagmamatuwid sa harapan ng Diyos ay basahanng hamak
§  Ang bawat tagumpay ay walang halaga maliban na ito ay nakaugnay kay Kristo

Hamon : Si Hesus sa pamamagitan ng pangangaral ng Mabuting Balita ay nananawagan upang bigyan ng lunas ang kasakitan ng
kaluluwa ng isang kapahingahang ipinangako ng Diyos mula pa ng una. Kung nararanasan mo kapatid ang bigat at
pagkapagod sa iyong kaluluwa ng dahil sa kasalanan tumalima ka sa panawagan ni Hesus. Huwag mong ikumpara ang
laki o dami o bigat ng kasalanan mo sa kapwa mo. Kundi ikumpara mo ito sa kabanalan ng Diyos ng sa ganoon ay
malaman mo ang bigat ng kasalanang nagpapahirap sa iyo.

Transisyon: Kung may pagdududa sa pangakong kapahingahan ay ating tingnan si Hesus bilang nangako ng kapahingahan

2. Kakayanan ng Manggagamot (Maamo at Mapagpakumbabang Puso)

·        Ang Pag-uutos ni Hesus
o   Hindi nakikiusap ang Panginoong Hesus sa pagkakasabi “HALIKAYO” ito ay utos sa salitang Griyeto “DEUTE”
§  Tulad ng pagkakasabi ni Hesus sa mga alagad ng sila ay pinasusunod ni Niya sa Kanya.
§  Ating tandaan na ang pagkakautos ni Hesus ay ayon sa naunang mga texto na ipinagkaloob ng Ama sa Kanya ang lahat ng bagay
o   Ngunit alam natin na hindi lahat ay tumugon kundi yun lamang na napapagal at nabibigatan dahil sa kasalanan.
o   Kaya nga ang pagtanggap kay Kristo ay hindi dahil magulo ang buhay, bagsak ang kabuhayan, kundi ang pagtanggap sa Kanya ay dahil naunawaan at nararanasan ang bigat ng kasalanan na ipinakikita ng nasa panlabas na pamumuhay.
·        Ang Puso ni Hesus
o   Maamo at Mapagpakumbabang Puso
o   Sa panahon na iyon ang mga Pariseo at iba pang mga lider ng Judaismo ay nangagnako rin ng kapahingahan
§  Ngunit ito ay pawang pagpapahirap sa katawan at higit sa lahat sa kaluluwa ng tao.
§  Ang maling interpretasyon sa Sabbath ay makikita natin sa apat na aklat ng ebanghelyo kung saan ito ay isa sa mga ginamit ng mga Pariseo upang akusahan si Hesus
§  Dahil sa maling interpretasyon nito maging ang mga batas na ito ay nagpahirap sa mga tao kung saan nararanasan ang kabigatan at napapagal.
§  Gumawa sila ng sistema ng kaligtasan ayon sa gawa ng isang tao at hindi sa pamamaraan ng Diyos
Ilustrasyon : Si John Tetzel sa panahon ni Martin Luther ay gumawa ng sistema ng kaligtasan na ikinukubli ang masamang motibo
        kung saan ang motibo ay makalikom ng pera sa pagtatayo ng St. Peter’s Basillica. At ito ay indulehensya kung saan  
        ito ang nagpa-alab kay Luther upang labanan ang maling sistema ng kaligtasan.
Kaya sinabi ni Hesus ako ay maamo at mapagpakumbabang puso sapagkat hindi Niya pinahihirapan ang tao
§  Ang batas at ritwal na ginagamit na daan ng mga Pariseo upang maligtas ang tao ang nagpapahirap
§  Ngunit kay Hesus ay ang Kagandahang Loob ng Diyos at kapangharihan nito.

Hamon : Ang samo’t samong ipinapagawa ng relihiyon ang nagpapahirap sa tao na hindi sinasabi ng Bibliya kundi sariling gawa ng
tao ang patuloy na nagpapahirap. Maging sa Kristiyanismo sa ating denominasyon ay may mga ganitong pagpapahirap. Kaya isang responsibilidad di lamang sa mga lider kundi sa bawat miyembro ang maging mapagbantay ukol sa maling pananaw tungkol sa pagsumpong ng kaligtasan.


Transisyon: Ang kakayanan ni Hesus magbigay ng kapahingahan ay ang pagbibigay lunas sa mga napapagal at nabibigatan.

3. Kaukulang Medikasyon (Papapasakop)

·        Ano ang kaukulang medikasyon ang ibinigay ni Hesus para sa kapahingahan?
o   Pagpapasakop sa Kanya
o   Ang tema ng Mateo ay patungkol sa Kaharian ng Diyos kung saan ay pinatutunayan at itinataas si Hesus bilang Hari.
o   At ang pagpapasakop sa Kanyang paghahari matatagpuan ang kapahingahang hinahanap ng tao.
o   Ating tandaan na ang di pagpapasakop sa Diyos ay walang kapahingahan at ito ay itinuturo sa atin ng Lumang Tipan.
§  Ang di pagpapasakop sa Diyos at sa Kanyang Salita sa ilang ay di nakarating sa kapahingahan
§  Ang panahon ng mga Hukom ay ilang binanggit ang pananalitang “bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata.” (Mga Hukom 17:6; 18:1; 19:1) at ang pagkabulok ng moralidad at ispiritwalidad ay lumaganap sa buong Israel
§  Maging sa panahon ng mga hari ay di nagpapasakop sa Diyos kaya ibinigay sila ng Diyos sa mga mananakop.
·        Paano magpapasakop kay Kristo?
o   Sa pagpasan ng Pamatok ni Kristo at Pag-aaral sa Kanya
§  Ito ay pagtutulad sa pamatok ng bakang ginagamit sa pag-aararo
§  Kapag hindi sukat ang pamatok mararamdam ng baka ang bigat na hinihila na ginagamit sa pag-aararo.
§  At kapag sukat ay magiging madali ang pagkilos at magiging magagaan ang dalahin.
§  At ang gabay ay ang magsasaka sa bakang ginagamit sa pag-aararo.
§  Makikita natin rito ang relasyon natin sa Panginoon ay tulad ng magsasaka at ng baka.
o   Ang batas na dalahin ay magiging magaan (1Juan 5:3)
§  Ang katanungan ay bakit sa isang bahagi ang batas ay mabigat ngunit kay Kristo ito ay magaan?
·        Sa mga Pariseo ito ay ginawang pamamaraan upang maligtas maging sa maraming relihiyon ay ginawa at walang relasyon sa Diyos
·        Kung ang pagsunod sa batas na hindi nakaugnay kay Kristo – ito ay walang halaga
·        Kaya ang paglapit kay Kristo ay pakikipagrelasyon at nababakuran ng batas sa pakikpagrelasyon
Ilustrasyon : Pag nag-asawa na ang isang tao siya na ay nababakuran ng batas ng isang relasyon. At ang pagtupad sa batas na
       umiiral sa isang relasyon ay ang kapahingahan ng isang pamilya.


KONKLUSYON

·        Ano ang maaring mangyari sa isang pasyente na hindi sinusunod ang preskripsyon ng doctor?
·        Nagtitiwala ba ang pasyente kapag hindi niya ginagawa ang ipinapagawa ng isang doctor?
·        Hindi ba’t ang pagsunod sa paraan ng doctor ng paggagamot ay makakabuti?
·        Ganoon din ang pagpapasakop kay Kristo ito ay hindi mabigat na gawain dahil alam natin na ito ay para sa ikabubuti natin.
·        Kaya ang pagsunod sa batas ay hindi pabigat kundi isang masayang gawain.
·        Kung nararanasan mo na ikaw ay napapagal at nabibigatan dahil sa iyong mga kasalanan at nais mo ng kapahingahan ng iyong kaluluwa – Tumugon ka sa panawagan ni Kristo. Maaring inaanyayahan ka ni Kristo ngayon.
·        Kilalanin mo si Kristo Hesus at matatagpuan mo kung gaano Siya kabuting Diyos, tapat na karelasyon, maawaing doctor,
·        Magpasakop ka sa Kanyang paghahari
·        Kung ikaw ay nagpapasakop sa Kaniya ang kapahingahan ay patuloy na mararanasan maging sa gitna ng pighati.
·        Ngunit ang pag-iwas sa pagpapasakop gaano man ang tagumpay, kahit sa panahon ng payapang paligid mararanasan ang bigat sa kaluluwa.
·        Ang kaukulang medikasyon ay habang nabubuhay bilang Kristiyano kaya ganun din ang pagpapasakop ay habang tayo ay humihinga bilang mga Kristiyano.

April 21, 2013
Jesus Is The Answer Christian Church
Soli Deo Gloria