Jeremias 13:23
Makapagbabago baga ang
Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? Kung magkagayo'y
mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.
PANIMULA
I. Si John Calvin ay may
malinaw na doktrina patungkol sa Kagandahang Loob ng Diyos (Grace of God)
·
Ito ay namayagpag
noong panahon niya at ipinagpatuloy ng kanyang mga taga-sunod
·
Pagkalipas ng
ilang panahon pagkatapos niyang mamatay lumabas si Jacobos Armenius na
sinalungat ang turo ni Calvin na pinagpatuloy ng mga taga-sunod patungkol sa
Doktrina ng Kagandahang Loob ng Diyos
·
Nung siya ay
namatay ay ipinagpatuloy ito ng mga taga-sunod niya na tinatawag na remonstrant
II. 1610 naghain ng
artikulo ang mga remonstrant laban sa Iglesyang Dutch sa Netherland patungkol
sa katuruang Reformed ni Calvin
·
1618-19 dalawang
taon pinagtuunan ng pansin ang inihain ng mga remonstrants at sa sa Dordrecht
(Dort) at nabuo nila ang katuruan ng Doktrina ng Kagandahang Loob ni Calvin na
may sistema
·
Nilagyan nila ito
ng acronym na TULIP – para mas madaling tandaan.
III. Ang Doktrina ng
Kagandahang Loob
·
Ang doktrinang
ito ang pinanghahawakan ng mga Evangelical tulad ng Presbyterian,
Congregationalist, Reformed at mga Baptist.
·
Ito ang
pinagkaiba nating mga evangelical sa Romano Katoliko
·
Ngunit sa iba’t
ibang denominasyon ay nagkaroon ng sarisariling pananaw patungkol sa doktrinang
ito
Layunin : Makita natin ang tamang pananaw sa Doktrina
ng Kagandahang Loob ng Diyos
IV. TULIP – Total
Depravity, Unconditional Election, Limited Atonement, Irresistable Grace, at
Perseverance of the Saints
Paksa : Kabuuang Kawalang Kakayanan ng Tao – Total
Depravity
Mensahe : Katanyanyagan ng Kagandahang Loob ng Diyos
sa Tunay na Kalagayan ng Tao
Texto : Jeremias 13:23 : Mababago ban
g Etiope ang Kanyang balat o ng leopardo and kanyang batik? Kung gayon ay
makakagawa
rin kayo ng mabuti kayong mga sanay
gumawa ng masama.
Kontexto : Nakabadyang hatol ng Diyos sa Juda na
pananakop ng Babilonya dahil sa kasalanan
I. Ang Kalagayan ng Ating Kalikasan dahil sa Kasalanan
·
Ang
pagsasalarawan sa isang Etiope at leopardo ay tumutukoy sa kalikasan ng tao
o Ang kulay ng Etiope na maitim ay lumalarawan sa
kalikasang masama
o Ang batik ng leopardo ay lumalarawan kalikasang may
bahid ng
o Sapagkat ang konteksto ay patungkol sa kasalanan ng
Juda na may banta ng nalalapit na pananakop ng isang bansa.
·
Sa aral patungkol
sa TOTAL DEPRAVITY hindi isinasaad nito na ang tao ay magkakatulad ang antas ng
kasamaan ngunit sinasaad nito na ang tao ay likas na masama dahil ang tao ay
likas na makasalanan
o Taga Roma 3:10 - Gaya ng nasusulat, Walang matuwid,
wala, wala kahit isa
a. Ang Kasamaan
ng Kalikasan ay Nananahan sa Puso
·
Ang puso ay ang
lugar sa katauhan kung saan ang intensyon, ang layunin, kamalayan, pagnanais ay
inilarawan ng bibliya na masama ay narooon.
o Genesis 6:5 - At nakita ng Panginoon na mabigat ang
kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay
pawang masama lamang na parati.
o Jeremias 17:9 - Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa
lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?
Pagdidiin : Ang pandaraya ng pilosopiyang patungkol sa
puso “Kung Ano ang Nasa Puso mo, Sundin mo.”
b. Ang
Kasamaan ng Kalikasan ay Nagsimula sa Loob ng Sinapupunan
·
Ang bata sa
sinapupunan ay makasalanan na.
o Awit 51:5 - Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa
kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
o Awit 53:8 - Ang masama ay naliligaw mula sa
bahay-bata: sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga
kasinungalingan.
Pagdidiin : Ang bawat bata ay likas na masama at dapat
maituwid ayon sa panukala ng Bibliya.
c. Ang
Kasamaan ng Kalikasan ay Na-ugat mula kay Adan
·
Ang kasalanan ni
Adan ay inilagay sa atin – Ito ay inilagay sa ating pagkatao
·
Ito ay hindi
biological kundi ito ay Adamic – ibinilang ang kasalanan sa tao (Imputed Sin)
o Taga Roma 5:13 - Sapagka't ang kasalanan ay nasa
sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't hindi ibinibilang ang
kasalanan kung walang kautusan.
·
Ang paninisi ng
tao kay Adan dahil nadamay ang tao.
o Nais ng tao na ituring siyang makasalanan dahil sa
kanyang ginawa at hindi dahil sa kagagawan ninuman
o Ngunit kung ito ang nais ng tao walang Kristo para sa
atin
o Kung mapapansin natin na si Hesus ay tinawag na Huling
Adan
§ Kung si Adan ang representate natin sa pagiging
makasalanan, si Hesus naman ang representante natin sa katuwiran
·
2 Corinthians
5:21 - Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil
sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.
Pagdidiin : Kung tayo ay ituturing na makasalanan dahil
sa sariling kasalanan, ituturing tayo rin na matuwid sa paggawa natin ng
matuwid. Mababaliwala ang doktrina ng Kagandahan Loob ng Diyos.
Hamon : Ipinapakita ng Bibliya ang ating tunay na
kalagayang espiritwal ay nawa’s makita natin ito sapagkat ito ang simula ng
pagiging mapalad at hindi magmalaki
sa Diyos.
II. Ang Kawalan ng Kakayanan na magkaroon ng Katuwiran
·
Ang texto ay
isang katanungan : Mapapalitan ba ng Etiope ang kanyang kulay o ng leopardo ang
kanyang batik?
o At ito ay sinagot: Ang sagot ay pagbibigay ng
konklusyon at di sinagot ng tuwiran.
o Kung kayang baguhin ng Etiope at Leopardo ang balat at
batik, ang tao ay makakagawa ng mabuti kung hindi kayang baguhin hindi
makakagawa ng mabuti.
·
May kakayanan ba
? – Ito ang tanong sa aral sa doktrina ng Total Depravity
o Ang mga remonstrant (Arminians) ay naniniwala na may
kakayanan
o Ngunit ang mga reformed ay naniniwala na walang
kakayanan
·
Ang Sistema ng
Tao Upang Maging Matuwid
o Ang dalawang pinto sa Mateo 7:13-14 ay tumutukoy sa
dalawang sistema ng pagkakaroon ng katuwiran upang maligtas at hindi
paghahambing ng pagpasok sa Kristiyanismo at Mundo.
o Marami sa katuruaan na nagtuturo na ang pagiging
matuwid ay sa paggawa ng mabuti ngunit tinuturo ng Bibliya na sa pamamagitan
lamang ng tinapos ni Kristo magiging matuwid ang tao at hindi sa paggawa ng
mabuti.
§ Roma 3:12 - Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang
nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
o Ang mayamang lalaki ay nagtanong nga ganito “Mabuting Guro,
ano ang mabuting bagay na gagawin ko
upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?
§ Ang tugon ni Hesus ay walang mabuti kundi ang Diyos –
ibig sabihin walang makakagawa ng mabuti kundi ang mabuti
§ Tinugon din ni Hesus ang pagsunod sa batas – ibinigay
na sagot ni Hesus ay yung imposibleng gawain upang magkaroon ng buhay na walang
hanggan upang di manahan sa kanyang kakayanan
§ Ngunit ipinagpilitin pa rin ng lalaki na kaya niyang
gawing sundin ang batas
Hamon: Alisin ang tiwala sa sariling kakayanan na
mailigtas ang sarili sa pamamagitan ng mabubuting gawa sapagkat walang
makakagawa ng mabuti sapagkat kundi ang
mabuti at Siya ay ang Panginoong Hesus.
III. Ang Kailangan sa Ating Kaligtasan ay Kagandahang
Loob
·
Kung ang
kalikasan ng tao ay masama at walang kakayanang gumawa ng mabuti na
makakapagdulot ng pagiging matuwid, ang tao ay nasa malungkot at miserableng
kalagayan at kailangan ay mayroong mahabag sa kaniya.
·
Ito ang aral sa
ilang pagpapagaling ni Hesus dahil sa kagandahang loob ni Kristo
o Ang babaeng inaagasan sa mahabang panahon ay gumaling
o Ang ketongin ay luminis
o Ang bulag ay nakakita
·
Mga Ipinagkaloob
ng Diyos dahil sa kagandahang loob Niya
o Kapahayagan ng Katotohanan
§ Mateo 11:27 - Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa
akin ng aking Ama: at sinoma'y hindi nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at
sinoma'y hindi nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging
pagpahayagan ng Anak.
o Pagbabago ng Kalikasan
§ Juan 3:8 - Humihihip ang hangin kung saan niya ibig,
at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan
nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng
Espiritu.
o Pagkakaroon ng Pananampalataya
§ Roma 10:17 - Kaya nga ang paniniwala'y nanggagaling sa
pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo.
o Kakayanan Lumapit at Manampalataya kay Kristo
§ Juan 6:65 - At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa
inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng
Ama.
Hamon : Ang kagandahang loob lamang ang dahilan ng
pagbabago para sa kaligtasan ng tao at hindi ang sariling kakayanan.
KONKLUSYON
·
Makita nawa natin
at matanggap ang katotohanan na dahil sa kasalanan tayo walang kakayanang
baguhin ang sarili, magkaroon ng katuwiran na karapat-dapat sa harapan ng
Diyos, at gumawa ng mabuti para sa katuwiran.
·
Alalahanin natin
na kay Hesus lamang matatagpuan ang katuwiran upang maibilang na matuwid.
·
Ang katuruan ng
Total Depravity ay nagpapatingkad sa doktrina ng kagandahang loob
·
Sa ating
kalagayang miserable, alalahanin natin na may kagandahag loob na
makapagliligtas at ito ay matatagpuan lamang kay Hesus.
May 19, 2013
Jesus Is The Answer Christian Church
Soli Deo Gloria
No comments:
Post a Comment