Monday, February 18, 2013


PANANAMPALATAYA : PAGTUON SA PANGAKO SA GITNA NG PAGUUSIG


HEBREO 11:39-40
At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin.

PANIMULA

A. James Renwick (Presbyterian Covenanter)
·        Pebrero 17, 1688 – ika 325 anibersaryo ng kamatayan ng huling Presbyterian Covenanter ng Scotland
·        Nakulong at nahatulan ng kamatayan.
·        Dahilan sa pananampalataya at maitaguyod ang adhikain ng Repormasyon
·        "Now I am near the end of time, I desire to bless the Lord, it is an expressly sweet and satisfying peace to me, that he hath kept me from complying with enemies in the least." Perceiving his mother weep, he exhorted her "to remember that they who loved anything better than Christ were not worthy of him. If ye love me, rejoice that I am going to my Father, to obtain the enjoyment of what eye hath not seen, nor ear heard," Then he went to prayer, wherein he run out much in praise, and pleaded much in behalf of the suffering remnant, that the Lord would raise up witnesses that might transmit the testimony to succeeding generations, and that the Lord would not leave Scotland, asserting with great confidence of hope, that he was strengthened in the hope of it, that the Lord would be gracious to Scotland.
·        Makikita natin dito ang pananampalataya ni James Renwick na nakatuon sa pangako ng Diyos sa gitna ng pag-uusig
·        Ito ay nahahalintulad sa texto na ating hihimayhimayin at pagsasaluhan para sa atin at higit sa lahat sa ikapupuri ng Diyos

B. Pananampalataya

·        Maraming nagsikap at nagbuwis ng buhay upang magkaroon lamang tayo ng pananampalataya kay Kristo na kahit tayo ay hindi natin tinanggap sa una at ang ilan sa atin ay kinutya pa ang pangangaral ng Ebanghelyo.
·        Ngunit magpasalamat tayo at marami ang nagpupursige na ipangalat ang Mabuting Balita upang magkaroon ng pananampalataya
·        Ang kontexto po ng buong Aklat ng Hebreo ay Pananampalataya at binigyan ng diin sa kabanata 11.

Thesis: Ang Dalawang Kilos ng Iisang Pananampalataya

I. Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Gitna ng Pag-uusig

Kontexto ng Texto

·        Aklat
o   Ang sulat na ito ay sa panahon bago mawasak ang templo para sa mga Kristiyanong Hudyo
o   Ang kalagayan nila ay nasa matinding pag-uusig na humantong sa pagkawasak ng templo noong AD 70
·        Layunin
o   Mabigyan ang kaaliwan sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pananampalataya
o   Mapapansin sa kabanatang ito (kabanata 11) ang paulit-ulit na paggamit ng salitang PANANAMPALATAYA at sa kabanata 12 at 13 ay ang paguutos na gamitin ito
§  Sa kabanata isa hanggang sampu ay nakasentro kay Hesus – na dapat panampalatayanan
§  Sa kabanata 11 ay binigyan ng diin ang salitang pananampalataya
·        Ang kahulugan
·        Mga pagsasalarawan
·        Mga patotoo

1.1 Ang Pag-uusig sa Buhay ng Kristiyano
·        Ito ay nararanasan ng lahat ng tao mananampalataya man o hindi mananampalataya
o   Halimbawa : Ang dating Pangulo : Marcos, Estrada, Arroyo
o   1Pedro 4:15 - But let none of you suffer as a murderer, a thief, an evildoer, or as a busybody in other people's matters.




·        Ito ay sinasabi ng Bibliya
o   Ito ay inihayag ni Hesus
§  Sermon sa Bundok
·        Mateo 5:10-11“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit. Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.”
§  Paalala sa mga alagad bago Siya mahuli at mahatulan ng kamatayan sa krus
·        Juan 16:33 – “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.”

Empasis : Tayong mga Kristiyano ay hindi naiiba sa kanila kaya’t sa mundong ito ay mararanasan din natin ang kapighatian

o   Ito ay ipinagkaloob ng Diyos
§  Filipos 1:29 - “Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya”
o   Ito ay may layunin sa misyon
§  Mga Gawa 8:4 -Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.
o   Ito ay nagpapatatag
§  Santiago 1:3 -Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.

Empasis : Ang paguusig ay bahagi ng buhay ng isang Kristiyano na dapat tanggapin at harapin at makita ang kapangyarihan at
                    kabutihan ng Diyos. Hindi ito ibinigay para pahirapan lamang ang bawat isa sa atin.

1.2  Tanging Pananampalataya ang Sandata upang Manatili sa Buhay Kristiyano

·        Patotoo ng mga tao sa Lumang Tipan – Hall of Faith
o   Abel – Patunay na siya ay matuwid (v.4)
o   Enoch – Patunay na nalugod ang Panginoon (v.5)
o   Noe – Patunay na tagapagmana ng katuwiran (v.7)
o   Abraham – Nakatanggap ng mana, Buong pusong iniaalay ang kanyang anak (v.8-10, 17)
o   Sarah – Nagkaroon ng lakas / kakayanan makapagdalang-tao (v.11)
o   Isaac – Ginabayan ng pagbibigay basbas sa mga anak (v.20)
o   Jacob – Sumunod sa Diyos sa pagbibigay ng basbas sa mga anak (v.21)
o   Joseph – Nagpropesiya na paglisan ng lahing Israel sa Ehipto (v.22)
o   Moses – Higit na pinili mamuhay kasama ng kanyang lahi sa kanilang paghihirap (v.24-27)
o   Rahab – Hindi napahamak (v.31)
o   Hukom, Hari, Propeta – Nagtagumpay sa pakikipaglaban sa ibang kaharian, namuhay sa katuwiran at inigatan ng Diyos, (v.32-34)
o   Balo – nabuhay ang kanilang mga namatay na minamahal (v.35a)
o   Mga Martir – mga pinahirapan hanggang mamatay, kinulong, kinutya, pinagkaitan ng hustisya, binato hanggang mamatay, namuhay na walang puwang sa mundo
§  Ang mga ito ay dahil sa pananampalataya
§  Ipinakikita ang katapatan ng Diyos
§  Ganoon din ang kahalagahan ng Diyos kaysa sa sariling buhay
o   Hindi ito nakatuon sa mga tao kundi sa nagawa ng pananampalataya sa buhay ng mga tao
·        Ipinagkukumpara ba?
o   Maari nating isipin na ikinukupara ng may-akda ang pananampalataya ng mga tao sa lumang tipan sa pananampalataya ng mga Kristiyanong Hudyo. Ngunit hindi ito ang layunin
o   Ang ilan sa mga Kristiyano maaring sabihin na iba siya, iba ako
§  Kadalasan ay kinukumpara sa pastor o sa ibang lider ng iglesya (may mataas na antas)
§  Ngunit hindi ganoon ang nais ng Panginoon makitang reaksyon sa bawat isa sa atin
·        Bakit Inilista ng May-Akda?
o   Ito ay upang ipaalam ang nagagawa ng pananampalataya
§  sa iba’t ibang sitwasyon
§  sa iba’t ibang panahon
§  sa iba’t ibang antas ng tao




·        Ito ay di lamang naranasan ng mga tao sa Lumang Tipan. Itoy nagtuloy-tuloy sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo.
o   Ang mga Apostol
§  Pedro, Andres, Tomas
o   Ang mga Unang Kristiyano sa ilalim ng Imperyo ng Roma
§  Polycarp,
o   Ang mga Nagsulong ng Repormasyon
§   John Wycliff
§   John Hus
o   Ang mga Misyonaryo sa kasalukuyang panahon

Hamon : Magpapatuloy ka ba sa buhay Kristiyano sa kabila ng paghihirap at pag-uusig o hindi na at mamumuhay na
                lang  walang pagtitiwala sa Diyos?
Ganito ang nakita ng may-akda ng aklat na ito kaya nabanggit sa kabanata 6 ay yung paalala na wala ng Kristo na ipapakong muli para sakanila.
Sa talinhaga ng mga lupa . Yung lupang mabato ang ilalim at yung madawag ay tinanggap ang binhi ngunit hindi nakatagal at di nakapamunga dahil sa paguusig at kapighatian na naransan.
Handa ka bang ibigay ang buhay mo sa Diyos? Bakit sa maliliit na bagay ay naipagpapalit natin ang Diyos? Ito ay isang hamon sa natin mula sa maliliit na pag-uusig sa buhay natin bilang mga Kristiyano hanggang sa matinding pag-uusig.

II. Ang Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Patuloy na Pagtuon sa Pangako

Pagsasalarawan : Napapanahon ngayon ang mga pangako, gaya ng pagtuldok sa kahirapan, matiwasay na buhay,
    kaunlaran at iba pa. Ito ay mula sa mga kandidato sa darating na halalan. Marami sa ating mga
    kababayan ang nananatiling umaasa at nakatuon sa mga ipinangako na iyon.

     Kung ang mga tao ay determinadong nakatuon sa pangako na iyon kaya niya iboboto ang napiling kandidato higit dapat ang mga Kristiyano sa pagkat tapat ang Diyos na nangako. Dumating man ito sa panahon natin o sa panahon na wala na tayo sa mundong ito, dapat ay manatiling nakatuon at umasa sa pangakong iyon sapagkat tapat ang nangako (Hebreo 10:23) at inuutusan tayo na ituon ang paningin kay Kristo (Hebreo 12:2).

2.1 Pananampalatayang Nakatuon sa Pangako

v. 39 - At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,

·        Ano yung pangako na kanilang inaasahan?
o   Si Hesus ang Kanilang Inaasahan
§  Si Abraham ay inaasahan si Hesus
·        Juan 8:56 - Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
§  Si Simeon
·        Lukas 2:25-26 - At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo. At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
·        Lukas 2:30 - Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,
§  Juan Bautista
·        Mateo 11:3 - At sinabi sa kaniya, Ikaw baga yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
§  Siya ang binabanggit ng mga Propeta, ng mga Awit, at ng Batas.
·        Lukas 24:44 - At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
·        Hindi Ito Nakamtan ang Pangako
o   Hindi ito binanggit upang pahinahin ang kanilang loob kundi upang palakasin
o   Kahit hindi nakita o naranasan ng mga nasa Lumang Tipan ang pangako ng pagdating ng Mesias ay nanatili sila sa pananampalataya
o    Mga tagpo sa Bagong Tipan
§  Sa sitwasyon ni Pedro
·        2Pedro 3:4 - At magsisipagsabi, Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang.
o   Siguradong sa panahon natin ngayon may nag-iisip ng ganitong kaisipan lalo na ang mga Atheista  at iba pang relihiyon na hindi naniniwala sa pagdating muli ni Hesus

2.2 Isang Pangako sa Lahat ng Mananampalataya

v.40 - Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod
          sa atin.

·        Paghamon na mas lalong magpakatatag
o   Yung sinasaad na “lalong mabuting bagay” ay hindi nangagnahulugan na mas mabuti ang ginawa ng Diyos sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan kaysa sa Lumang Tipan
o   Kundi ipinakikita rito na mas konkreto ang pangako o mas malinaw sa mga nasa Bagong Tipan ang pangako ng Diyos
o   Kaya wala ng dahilan pa na huminto sa bumitiw sa pananampalataya sapagkat malinaw na malinaw ang pangako ng Diyos kumpara sa mga nasa Lumang Tipan na siyang gumawa ang Diyos ng lalong mabuting bagay tungkol sa mga nasa Bagong Tipan
·        Pagkukumpara
o   Sa Lupang Tipan ay anino lamang ng pag-aalay at sakripisyo ngunit sa Bagong Tipan ay mismong ang tunay na elemento o tunay na sakripisyo
o   Sa Lumang Tipan ay propesiya ngunit sa Bagong Tipan ay kaganapan
o   Sa Lumang Tipan ay nag-aantay lamang ngunit sa Bagong Tipan ay inaalala
o   Kaya sa unang kabanata ng aklat na ito ay ang pagpapakilala kay Kristo na kanilang iaantabayanan
·        Walang Mas Sakdal
o   Hinahamon sila dito ng Diyos na mas makatuwiran na kayo ay manampalataya dahil sa mga ebidensya ng katuparan ng unang bahagi ng propesiya patungkol sa Kristo at pagliligtas na Kanyang ginawa
o   Walang higit sapagkat lahat ay inaantabayanan
o   Sinasabi rin kung paano sila naligtas dahil sa pananampalataya ay ganoon din ang mga nasa Bagong Tipan.
·        Iisa ang Layunin
o   Bagamat ang Diyos ay gumagawa ng lalong mabuting bagay hindi nangagnahulugan na higit ang isang mananampalataya sa isa kundi ang nais ng Panginoon ay tumuon ang paningin ng lahat sa iisang pangako “Ang Pagdating Muli ng Panginoong Hesus para sa Kabuuan ng Kaligtasan ng mga nasa Luma at bagong Tipan at ganoon sa atin ngayon na umaasa at naghihintay sa muling pagdating ni Hesus”

Hamon: Ikaw ba ay nakatuon sa iisang pangako? Hinihintay mo ba ito kapatid? Nais mo bang dumating na si Hesus sa
panahon na ito o natatakot ka dumating si Hesus?
Kung ang Diyos ay gumawa ng lalong mabuti sa mga nasa Bagong Tipan upang magpatuloy sa pananampalataya
sa panahon ng pighati at pag-uusig dapat ay ganoon din tayo sa panahon ngayon sapagkat gumagawa ang Diyos ng lalong mabuting bagay para sa atin sa gitna nararanasan nating pighati at pag-uusig. Kumpleto ang pahayag sa atin ng Diyos sapagkat kumpleto ang Bibliya na naroon ang kapahayagan ng lahat ng nais Diyos na ipaalam sa atin.


"to prepare for death, for it is (said he) the king of terrors, though not to me now, as it was sometimes in my hidings; but now let us be glad and rejoice, for the marriage of the Lamb is come, and his wife hath made herself ready.”  John Renwick


KONKLUSYON

               Ating tandaan iisang klase ng pananampalataya mayroon tayo, isang pinanampalatayanan, isang pangako at daranasin ng pighati. Sa bawat panahon ay gumagawa ang Diyos ng lalong mabuting bagay at ang layunin nito ay gamitin ang ipinagkaloob Niyang pananampalataya sa atin na tayo ay manatiling nakatuon sa pangako sa kabila ng pag-uusig na nararanasan at ang pananampalatayang na sa atin ay maging buhay na patotoo.

Soli Deo Gloria
Jesus is the Answer Christian Church
Pebrero 17, 2013