PANANAMPALATAYA : PAGTUON SA PANGAKO SA GITNA NG PAGUUSIG
HEBREO 11:39-40
At
ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang
pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,Na ipinaghanda ng Dios ng lalong
mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa
atin.
PANIMULA
A. James Renwick (Presbyterian Covenanter)
·
Pebrero 17, 1688 – ika 325 anibersaryo ng
kamatayan ng huling Presbyterian Covenanter ng Scotland
·
Nakulong at nahatulan ng kamatayan.
·
Dahilan sa pananampalataya at maitaguyod ang
adhikain ng Repormasyon
·
"Now I am near the end
of time, I desire to bless the Lord, it is an expressly sweet and satisfying
peace to me, that he hath kept me from complying with enemies in the
least." Perceiving his mother weep, he exhorted her "to remember that
they who loved anything better than Christ were not worthy of him. If ye love
me, rejoice that I am going to my Father, to obtain the enjoyment of what eye
hath not seen, nor ear heard," Then he went to prayer, wherein he run out
much in praise, and pleaded much in behalf of the suffering remnant, that the
Lord would raise up witnesses that might transmit the testimony to succeeding
generations, and that the Lord would not leave Scotland, asserting with great
confidence of hope, that he was strengthened in the hope of it, that the Lord
would be gracious to Scotland.
·
Makikita natin dito ang pananampalataya
ni James Renwick na nakatuon sa pangako ng Diyos sa gitna ng pag-uusig
·
Ito ay nahahalintulad sa texto na ating hihimayhimayin
at pagsasaluhan para sa atin at higit sa lahat sa ikapupuri ng Diyos
B. Pananampalataya
·
Maraming nagsikap at nagbuwis ng buhay upang
magkaroon lamang tayo ng pananampalataya kay Kristo na kahit tayo ay hindi
natin tinanggap sa una at ang ilan sa atin ay kinutya pa ang pangangaral ng
Ebanghelyo.
·
Ngunit magpasalamat tayo at marami ang
nagpupursige na ipangalat ang Mabuting Balita upang magkaroon ng
pananampalataya
·
Ang kontexto po ng buong Aklat ng Hebreo ay
Pananampalataya at binigyan ng diin sa kabanata 11.
Thesis: Ang
Dalawang Kilos ng Iisang Pananampalataya
I. Ang
Kapangyarihan ng Pananampalataya sa Gitna ng Pag-uusig
Kontexto ng Texto
·
Aklat
o Ang
sulat na ito ay sa panahon bago mawasak ang templo para sa mga Kristiyanong
Hudyo
o Ang
kalagayan nila ay nasa matinding pag-uusig na humantong sa pagkawasak ng templo
noong AD 70
·
Layunin
o Mabigyan
ang kaaliwan sa kanilang kalagayan sa pamamagitan ng pananampalataya
o Mapapansin
sa kabanatang ito (kabanata 11) ang paulit-ulit na paggamit ng salitang PANANAMPALATAYA at sa kabanata 12 at 13
ay ang paguutos na gamitin ito
§ Sa
kabanata isa hanggang sampu ay nakasentro kay Hesus – na dapat panampalatayanan
§ Sa
kabanata 11 ay binigyan ng diin ang salitang pananampalataya
·
Ang kahulugan
·
Mga pagsasalarawan
·
Mga patotoo
1.1 Ang Pag-uusig sa Buhay ng Kristiyano
·
Ito ay nararanasan ng lahat ng tao
mananampalataya man o hindi mananampalataya
o Halimbawa
: Ang dating Pangulo : Marcos, Estrada, Arroyo
o 1Pedro
4:15 - But let none of you suffer as a murderer, a thief, an evildoer, or as a
busybody in other people's matters.
·
Ito ay sinasabi ng Bibliya
o Ito
ay inihayag ni Hesus
§ Sermon
sa Bundok
·
Mateo
5:10-11“Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang
kaharian ng langit. Mapapalad kayo
pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng
sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.”
§ Paalala
sa mga alagad bago Siya mahuli at mahatulan ng kamatayan sa krus
·
Juan 16:33
– “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin
ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan
ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.”
Empasis : Tayong mga Kristiyano ay hindi naiiba sa kanila kaya’t sa mundong ito
ay mararanasan din natin ang kapighatian
o Ito
ay ipinagkaloob ng Diyos
§ Filipos
1:29 - “Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang
upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa
kaniya”
o Ito
ay may layunin sa misyon
§ Mga
Gawa 8:4 -Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang
salita.
o Ito
ay nagpapatatag
§ Santiago
1:3 -Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng
pagtitiis.
Empasis : Ang paguusig ay bahagi ng buhay ng isang Kristiyano na dapat tanggapin
at harapin at makita ang kapangyarihan at
kabutihan ng Diyos. Hindi
ito ibinigay para pahirapan lamang ang bawat isa sa atin.
1.2 Tanging Pananampalataya ang Sandata upang Manatili
sa Buhay Kristiyano
·
Patotoo ng mga tao sa Lumang Tipan – Hall of
Faith
o Abel
– Patunay na siya ay matuwid (v.4)
o Enoch
– Patunay na nalugod ang Panginoon (v.5)
o Noe
– Patunay na tagapagmana ng katuwiran (v.7)
o Abraham
– Nakatanggap ng mana, Buong pusong iniaalay ang kanyang anak (v.8-10, 17)
o Sarah
– Nagkaroon ng lakas / kakayanan makapagdalang-tao (v.11)
o Isaac
– Ginabayan ng pagbibigay basbas sa mga anak (v.20)
o Jacob
– Sumunod sa Diyos sa pagbibigay ng basbas sa mga anak (v.21)
o Joseph
– Nagpropesiya na paglisan ng lahing Israel sa Ehipto (v.22)
o Moses
– Higit na pinili mamuhay kasama ng kanyang lahi sa kanilang paghihirap
(v.24-27)
o Rahab
– Hindi napahamak (v.31)
o Hukom,
Hari, Propeta – Nagtagumpay sa pakikipaglaban sa ibang kaharian, namuhay sa
katuwiran at inigatan ng Diyos, (v.32-34)
o Balo
– nabuhay ang kanilang mga namatay na minamahal (v.35a)
o Mga
Martir – mga pinahirapan hanggang mamatay, kinulong, kinutya, pinagkaitan ng
hustisya, binato hanggang mamatay, namuhay na walang puwang sa mundo
§ Ang
mga ito ay dahil sa pananampalataya
§ Ipinakikita
ang katapatan ng Diyos
§ Ganoon
din ang kahalagahan ng Diyos kaysa sa sariling buhay
o Hindi
ito nakatuon sa mga tao kundi sa nagawa ng pananampalataya sa buhay ng mga tao
·
Ipinagkukumpara ba?
o Maari
nating isipin na ikinukupara ng may-akda ang pananampalataya ng mga tao sa
lumang tipan sa pananampalataya ng mga Kristiyanong Hudyo. Ngunit hindi ito ang
layunin
o Ang
ilan sa mga Kristiyano maaring sabihin na iba siya, iba ako
§ Kadalasan
ay kinukumpara sa pastor o sa ibang lider ng iglesya (may mataas na antas)
§ Ngunit
hindi ganoon ang nais ng Panginoon makitang reaksyon sa bawat isa sa atin
·
Bakit Inilista ng May-Akda?
o Ito
ay upang ipaalam ang nagagawa ng pananampalataya
§ sa
iba’t ibang sitwasyon
§ sa
iba’t ibang panahon
§ sa
iba’t ibang antas ng tao
·
Ito ay di lamang naranasan ng mga tao sa Lumang
Tipan. Itoy nagtuloy-tuloy sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo.
o Ang
mga Apostol
§ Pedro,
Andres, Tomas
o Ang
mga Unang Kristiyano sa ilalim ng Imperyo ng Roma
§ Polycarp,
o Ang
mga Nagsulong ng Repormasyon
§ John Wycliff
§ John Hus
o Ang
mga Misyonaryo sa kasalukuyang panahon
Hamon : Magpapatuloy ka ba sa buhay Kristiyano sa
kabila ng paghihirap at pag-uusig o hindi na at mamumuhay na
lang walang pagtitiwala sa Diyos?
Ganito ang nakita ng may-akda ng aklat na ito kaya nabanggit sa
kabanata 6 ay yung paalala na wala ng Kristo na ipapakong muli para sakanila.
Sa talinhaga ng mga lupa . Yung lupang mabato ang ilalim at yung
madawag ay tinanggap ang binhi ngunit hindi nakatagal at di nakapamunga dahil
sa paguusig at kapighatian na naransan.
Handa ka bang ibigay ang buhay mo sa Diyos? Bakit sa maliliit na bagay
ay naipagpapalit natin ang Diyos? Ito ay isang hamon sa natin mula sa maliliit na
pag-uusig sa buhay natin bilang mga Kristiyano hanggang sa matinding pag-uusig.
II. Ang Kapangyarihan
ng Pananampalataya sa Patuloy na Pagtuon sa Pangako
Pagsasalarawan
: Napapanahon ngayon ang mga pangako, gaya ng pagtuldok sa kahirapan, matiwasay
na buhay,
kaunlaran at iba pa. Ito ay mula sa mga
kandidato sa darating na halalan. Marami sa ating mga
kababayan ang nananatiling umaasa at
nakatuon sa mga ipinangako na iyon.
Kung ang mga
tao ay determinadong nakatuon sa pangako na iyon kaya niya iboboto ang napiling
kandidato higit dapat ang mga Kristiyano sa pagkat tapat ang Diyos na nangako.
Dumating man ito sa panahon natin o sa panahon na wala na tayo sa mundong ito,
dapat ay manatiling nakatuon at umasa sa pangakong iyon sapagkat tapat ang
nangako (Hebreo 10:23) at inuutusan tayo na ituon ang paningin kay Kristo
(Hebreo 12:2).
2.1 Pananampalatayang
Nakatuon sa Pangako
v. 39
- At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang
pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,
·
Ano yung pangako na kanilang inaasahan?
o Si
Hesus ang Kanilang Inaasahan
§ Si
Abraham ay inaasahan si Hesus
·
Juan 8:56 - Nagalak ang inyong amang si Abraham
na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.
§ Si
Simeon
·
Lukas 2:25-26 - At narito, may isang lalake sa
Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa
kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu
Santo. At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, na di niya makikita ang
kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.
·
Lukas 2:30 - Sapagka't nakita ng aking mga mata
ang iyong pagliligtas,
§ Juan
Bautista
·
Mateo 11:3 - At sinabi sa kaniya, Ikaw baga
yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
§ Siya
ang binabanggit ng mga Propeta, ng mga Awit, at ng Batas.
·
Lukas 24:44 - At sinabi niya sa kanila, Ito ang
aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na
kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin
sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.
·
Hindi Ito Nakamtan ang Pangako
o Hindi
ito binanggit upang pahinahin ang kanilang loob kundi upang palakasin
o Kahit
hindi nakita o naranasan ng mga nasa Lumang Tipan ang pangako ng pagdating ng
Mesias ay nanatili sila sa pananampalataya
o Mga tagpo sa Bagong Tipan
§ Sa
sitwasyon ni Pedro
·
2Pedro 3:4 - At magsisipagsabi, Saan naroon ang
pangako ng kaniyang pagparito? sapagka't, buhat nang araw na mangatulog ang mga
magulang, ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila
mula nang pasimulan ang paglalang.
o Siguradong
sa panahon natin ngayon may nag-iisip ng ganitong kaisipan lalo na ang mga
Atheista at iba pang relihiyon na hindi
naniniwala sa pagdating muli ni Hesus
2.2 Isang Pangako
sa Lahat ng Mananampalataya
v.40 - Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting
bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod
sa atin.
·
Paghamon na mas lalong magpakatatag
o Yung
sinasaad na “lalong mabuting bagay” ay hindi nangagnahulugan na mas mabuti ang
ginawa ng Diyos sa mga mananampalataya sa Bagong Tipan kaysa sa Lumang Tipan
o Kundi
ipinakikita rito na mas konkreto ang pangako o mas malinaw sa mga nasa Bagong
Tipan ang pangako ng Diyos
o Kaya
wala ng dahilan pa na huminto sa bumitiw sa pananampalataya sapagkat malinaw na
malinaw ang pangako ng Diyos kumpara sa mga nasa Lumang Tipan na siyang gumawa
ang Diyos ng lalong mabuting bagay tungkol sa mga nasa Bagong Tipan
·
Pagkukumpara
o Sa
Lupang Tipan ay anino lamang ng pag-aalay at sakripisyo ngunit sa Bagong Tipan
ay mismong ang tunay na elemento o tunay na sakripisyo
o Sa
Lumang Tipan ay propesiya ngunit sa Bagong Tipan ay kaganapan
o Sa
Lumang Tipan ay nag-aantay lamang ngunit sa Bagong Tipan ay inaalala
o Kaya
sa unang kabanata ng aklat na ito ay ang pagpapakilala kay Kristo na kanilang
iaantabayanan
·
Walang Mas Sakdal
o Hinahamon
sila dito ng Diyos na mas makatuwiran na kayo ay manampalataya dahil sa mga
ebidensya ng katuparan ng unang bahagi ng propesiya patungkol sa Kristo at
pagliligtas na Kanyang ginawa
o Walang
higit sapagkat lahat ay inaantabayanan
o Sinasabi
rin kung paano sila naligtas dahil sa pananampalataya ay ganoon din ang mga
nasa Bagong Tipan.
·
Iisa ang Layunin
o Bagamat
ang Diyos ay gumagawa ng lalong mabuting bagay hindi nangagnahulugan na higit
ang isang mananampalataya sa isa kundi ang nais ng Panginoon ay tumuon ang
paningin ng lahat sa iisang pangako “Ang Pagdating Muli ng Panginoong Hesus
para sa Kabuuan ng Kaligtasan ng mga nasa Luma at bagong Tipan at ganoon sa
atin ngayon na umaasa at naghihintay sa muling pagdating ni Hesus”
Hamon: Ikaw ba ay nakatuon sa iisang pangako?
Hinihintay mo ba ito kapatid? Nais mo bang dumating na si Hesus sa
panahon na ito o natatakot ka dumating si Hesus?
Kung ang Diyos ay gumawa ng lalong mabuti sa mga nasa Bagong Tipan
upang magpatuloy sa pananampalataya
sa panahon ng pighati at pag-uusig dapat ay ganoon din tayo sa panahon
ngayon sapagkat gumagawa ang Diyos ng lalong mabuting bagay para sa atin sa
gitna nararanasan nating pighati at pag-uusig. Kumpleto ang pahayag sa atin ng
Diyos sapagkat kumpleto ang Bibliya na naroon ang kapahayagan ng lahat ng nais
Diyos na ipaalam sa atin.
"to prepare for death,
for it is (said he) the king of terrors, though not to me now, as it was
sometimes in my hidings; but now let us be glad and rejoice, for the marriage
of the Lamb is come, and his wife hath made herself ready.” John Renwick
KONKLUSYON
Ating
tandaan iisang klase ng pananampalataya mayroon tayo, isang pinanampalatayanan,
isang pangako at daranasin ng pighati. Sa bawat panahon ay gumagawa ang Diyos
ng lalong mabuting bagay at ang layunin nito ay gamitin ang ipinagkaloob Niyang
pananampalataya sa atin na tayo ay manatiling nakatuon sa pangako sa kabila ng
pag-uusig na nararanasan at ang pananampalatayang na sa atin ay maging buhay na
patotoo.
Soli Deo Gloria
Jesus is the Answer Christian
Church
Pebrero 17, 2013
No comments:
Post a Comment