NARINIG MO BA ANG PANAWAGAN?
HEBREO 2:3
Paanong makatatanan tayo, kung
ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?
PANIMULA
A. EDSA REVOLUTION
·
Ika-27 Anibersaryo ng Edsa Revolution laban sa
Administrasyong Marcos.
·
Ito ay nakaugnay sa pagpatay sa dating senador
na si Benigno Aquino Jr. o mas kilalang Ninoy
·
Siya ay pitong taon at pitong buwan sa Amerika
at ninais na makabalik muli sa Pilipinas
·
Siya ay binigyan ng babala na ipagpaliban muna
ang binabalak sapagkat maari mangyaring masama sa kanya at ito ang kanyang
sagot:
o “if it's my fate
to die by an assassin's bullet, so be it”
·
At nangyari nga
noong Agosto 21, 1983 siya ay binaril habang siya ay pababa ng eroplanong
kanyang sinasakyan
·
Binaliwala niya
ang panawagan ng kanyang mga kaibigan at mga nagmamalasakit sa kanya.
·
Ang Mensahe
ngayong umaga ay patungkol sa Panawagan
PAMAGAT : NARINIG MO BA ANG PANAWAGAN?
TEKSTO : Hebreo 2:3 - Paanong makatatanan tayo, kung
ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?
Ito ay isang katanungan na
kapag hindi binigyan ng atensyon ay tulad ng panawagan sa namayapang Benigno
Aquino Jr. na kanyang sasapitin sa pagbabalik Pilipinas.
Konteksto:
·
Ito ay panahon ng matinding pighati at pag-uusig
na nararanasan ng mga Kristiyanong Hudyo
·
Ang teksto ay nasasakop sa pagpapakilala kay
Kristo at kung paano ipinapakikilala si Hesus Kristo para sa kaligtasan
·
Empasis : Paghahayag ng Mabuting Balita na
walang iba kundi si Kristo na dapat panampalatayan dahil Siya ang dakilang
Kaligtasan
·
Sa kabila ng matinding pag-uusig ang mga
mananampalataya ay walang humpay rin sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng
dakilang kaligtasan kay Hesu-Kristo
·
Ngunit marami ay hindi pinapahalagahan ang
Mabuting Balita ng dakilang kaligtasan dahil mas iniisip ang mga bagay na may
kinalaman sa pag-uusig (iniisip nila na makaligtas sa pag-uusig)
·
Kaya’t itong teksto ay nabanggit upang maging
isang paalala sa mga Kristiyanong Hudyo noong panahon na iyon patungkol sa
dakilang kaligtasan. At ito ay nagpapatuloy sa panahon natin. Ito ay para sa atin
rin.
·
Mapapansin ang kabuuan ay patungkol sa
Pagpapahayag at pagpapatotoo ng Mabuting Balita.
THESIS: TATLONG
NILALAMAN NG PANAWAGAN NG MABUTING BALITA
A. Panawagan ng Mabuting Balita (Ang Dakilang
Kaligtasan)
·
Gaano kadakila ang Kaligtasan?
o Ito
ay plano ng Dakilang Diyos
o Ito
ay isinagawa ng Maawaing Diyos
§ Sa
korte ng Diyos sa araw ng Huling Paghahatol nakatayo tayo sa harapan ng Banal
na Diyos
§ Sa
pamamagitan ng batas, huhusgahan tayo ng Diyos na nakabase sa ating mga ginawa
§ At
ipapakita ng Diyos ang lahat ng ating paglabag laban sa Kanya at sa Kanyang
Salita
§ At
ito ang hatol – habambuhay na pighati at pagdurusa sa gitna ng apoy ng impyerno
§ Ipapataw
sa atin ang Kayang hustisya sa araw na iyon at wala tayong magagawa upang
mapawi ang poot ng Diyos dahil sa kasalanan maliban na mawala ang kasalanan
natin
§ Ngunit
sa awa ng Diyos ang Kanyang pinakamamahal na Anak ang ipinalit Niya sa atin
upang lumasap ng Kanyang walang hanggang hustisya at poot
§ Huwag
nating isipin na nakalimutan na ng Diyos ang kasalanan natin
§ Hindi
Niya ito nakalimutan maliban na makuha Niya ang hustisya
§ Kaya
ang kasalanan na ating nagawa laban sa Kanya ay Kanya ng kinalimutan sa pagkat
nakuha na Niya ang hustisya – hindi sa atin kundi sa Kanyang Anak na naging
kahalili natin.
§ Inilipat
ang lahat ng ating kasalanan sa Kanya upang Siya ang dumanas ng poot ng Ama, ng
sariling Ama mismo sapagkat wala ni isa sa nilikha Niya ang karapat-dapat na
maging alay upang ang kasalanan natin ay mabura at tanging ang katuwiran ng
Anak ang katanggap-tanggap at ito ang ibinigay sa atin para sa ating katuwiran
(2Corinto 5:21)
o Gaano
kadakila ang kaligtasan?
§ Namatay
ang Pinagmumulan ng Buhay upang tayo ay mabuhay.
§ Bumaba
mula sa kaluwalhatian, ipinanganak upang magdusa, at mamatay para sa kasalanan
§ Isang
walang kasalanan para sa mga makasalanan
o Gaano
kadakila ang kaligtasan?
§ Walang
hanggang pighati na napalitan ng walang hanggang kagalakan
§ Walang
hanggang parusa na napalitan ng di mapapantayang kapayapaan
§ Isang
kakilakilabot na sumpa na napalitan ng dakilang biyaya
§ Walang
hanggang poot ng Diyos na naging walang hanggang awa
§ Mula
sa karimlan ay nagkaroon ng pag-asa
§ Hustisya
na napalitan ng habag sa pamamagitan ni Hesus na Kanyang Anak
Hamon : Narinig
mo ba ang panawagan? Hindi ba’t dakila ang kaligtasang ito. Ito ba’y
pinapasalamatan ninyo araw-araw sa inyong panalangin sa Diyos? Kung walang
plano ang Diyos upang ibigay ang Anak bilang sakripisyo para ang bawat isa ay
maligtas ano ang kahihinatnan ng buhay natin pagpikit ng ating mga mata? Kung
ang hustisya ay sa atin hiningi walang hanggang pighati ang dulot nito sa lugar
na kung tawagin ay impyerno. Isipin mong mabuti ang pinakadakilang bagay dito
sa mundo na iyong inaasam na maari mong ipagpalit ang panawagan ng kaligtasan.
B. Panawagan : Ang Pagtugon (Kung Ating Pababayaan)
·
Ang Mabuting Balita ay Hinihintay ang Iyong
Tugon
o Pagdedesisyon
§ Panahon
ni Noe aon ang paghihintay sa pagtugon ng mga tao
·
1Pedro 3:20 - Na nang unang panahon ay mga
suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe,
samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay
walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
§ Naalala
nyo ba ang turo ni Hesus sa makitid at malawak na pintuan?
§ Ang
binatang mayaman, Ang mga Alagad, Kahit sa panahon ni Elias hinihintay ang
pagtugon
o Pagpapasawalang
Bahala
§ Marami
tagpo sa Bibliya kung saan pinasawalang bahala ang panawagang ito
·
Mateo 11: 17 - At sinasabi, Tinutugtugan namin
kayo ng plauta, at hindi kayo nagsisisayaw; nagsipanambitan kami, at hindi kayo
nangahapis.
·
Si Felix na ipinagpaliban
·
Si Festus na nanlibak
·
Si Agripa na nag-atubili
·
Mga Hudyong nagmatigas
·
Maging si Pilato at Hudas na narinig ang
panawagan
o Hanggang
sa Panahon natin at sa mga Huling Araw
§ Patuloy
ang panawagan at hinihintay ang pagtugon ngunit patuloy na
pagpapasawalang-bahala
o Lukas
16:24 - At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin
mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at
palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
Hamon: Narinig mo ba ang panawagan? Ano ang iyong tugon kapatid,
ikaw na alam mo sa sarili mo na walang pang kaligtasan at ikaw na
nagkukunwaring ligtas? Ipipikit mo ba ang iyong mata at tatakpan ang iyong
tenga at magkukunwaring walang narinig? Sa araw na pagharap sa Diyos ang
panawagang iyan ay muling bubulong sa iyong isipan at aalingawngaw ng
paulit-ulit sa iyong tenga ngunit wala ng pagkakataon upang tumugon sa panawagan na iyan. Bitbit mo sa
araw na iyon ang panghihinayang at pagsisi sa iyong di pagtugon. May oras ka pa ngayon bago dumating ang araw
na iyon ng paghuhusga ng Diyos. Narinig mo ba ang panawagan?
C. Panawagan : Ang Babala (Paano Nga Tayo Makakatakaas..)
·
Ang Bibliya ay Punong-puno ng Babala
o Sa
Lumang Tipan kahit sa loob ng Hardin ng Eden ay mayroon ng Babala
o Tuwing
mayroong batas naroon ang babala, babala sa kasiguraduhan ng kamatayan
o Mga
babala na ipinangaral at ipinagsigawan ng mga propeta
o Ang
mga pangangaral at katuruan ni Kristo lalo na sa publikong pangangaral ay mga
babala
§ Sermon
sa Bundok ay nagtapos sa dalawang taong nagtayo ng bahay
§ Mga
Talinhaga sa Mateo 13 na katapusan ay may mga babala at ang huling talinhaga ay
Talinhaga ng Lambat
o Ang
pangangaral ni Juan Bautista
§ Mateo
3:7 - Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na
nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi
ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na
darating?
o Ang
mga pangangaral ng mga Apostol
·
Ang Kasalukuyang Kondisyon
o Ang
tanong na “Paano nga tayo makakatakas” ay nagsasaad ng kasalukuyang kundisyon
§ Isang
tanong ng isang preso sa kapwa preso “paano nga tayo makakatakas..”
o Ipinapakita
nito ang ating kalagayan na dapat matakasan at ito ay ang matinding poot ng
Diyos
§ Roma
1:18 - Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na
kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;
§ Juan
3:36 - Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang
hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios
ay sumasa kaniya.
·
Ang Pangangaral na Itinatago ay ang Problemang
Dapat Solusyunan
o Marami
sa mga mangangaral sa kasalukuyan ang ayaw banggitin ang kasalanan base sa
batas ng Diyos
o Bakit
maraming pastor ang ayaw direktahin ang problema na dapat solusyunan?
§ Dahil
ba ayaw makasakit ng damdamin ng tao?
·
Marami pangangaral na isinasaalang-alang ang
damdamin ng tao kaysa sa damdamin ng Diyos
·
Mas iniisip ang sasabihin ng tao kaysa sa
sasabihin ng Diyos sa kanya.
·
Sa mga mangangaral huwag ninyong gawing lolipop
ang Espada na may dalawa ang talim
·
Kung ayaw ninyong masaktan silang mga nakikinig
– huwag mong sabihin ang katotohanan at patuloy mong itago ito sa kanila –
ngunit pananagutan mo ito sa Diyos
§ Dahil
ba ayaw mawalan ng miyembro?
·
Hindi tinago ni Hesus sa mayamang binata ang
katotohanan
·
Maging sa babaeng Samaritana, Sa babeng
nangangalunya,
·
Sa mga Pariseo na sinabihan Niya na mamamatay
kayo sa inyong mga kasalanan
·
Huwag ninyong ipagkait sa kanila ang katotohanan
patungkol sa kanilang kalagayan
·
Ipaalam ninyo ito sa kanila – mahabag kayo
·
Dahil sa ganitong klaseng pangangaral maraming
kambing ang akala nila sila ay tupa, mga talahib na akala nila sila ay trigo.
·
Naisin natin sa kanila ang kaligtasan nila at
hind imaging miyembro ng iglesya lamang.
o John Bunyan
(Pilgrim’s Progress) - Then I
saw that there was a way to hell, even from the gate of heaven”
§ Dahil
ayaw marinig ito ng tao
·
Ang mga taong ayaw marinig na sila ay may kanser
ay kailanman ay di nila kailangan ng doctor at gamot.
·
Ang batas na nagsasabi na ang tao ay makasalanan
ay siya ring magdadala kay Kristo (Galacia 3:19, 24)
o Hindi
Mapaghihiwalay ang Kaligtasan sa Kasalukuyang Kalagayan dahil sa Kasalanan
§ Sapagkat
ang tao ay ililigtas sa kapangyarihan, sumpa, akusa, at kabayaran ng kasalanan
§ Ang
kasalukuyang kalagayan ay dapat maipaunawa sapagkat walang makakatakas sa
kalagayang ito maliban sa pamamagitan ni Hesus.
Hamon: Narinig mo ba ang panawagan? Ang panawagan na ikaw ay hindi
makakatakas sa kalagayan ng sumpa, akusa,
kapangyarihan,
at hatol ng batas dahil sa kasalanan kung iyong ipagpapasawalang-bahala ang
dakilang
kaligtasan.
Kapatid hindi ka makakatakas maliban na makita mo at pahalagahan ang panawagan
ng mensahe ng dakilang kaligtasan hanggang sa kabilang buhay.
KONKLUSYON
Sa talinhaga ni Lazaro at Mayamang Lalaki, ang
panawagan ay kinaligtaan, pinasawalang-bahala. Sa kabilang buhay siya ay
nanghihinayang at nagdurusa. Kapatid, marami ang nananalangin para sa iyong
kaligtasan. Ang mga pangangaral ng
Mabuting Balita na iyong mga napakinggan sa buong buhay mo na minsan na iyong
hindi pinahalagahan, iniwasan, at maaring iyong kinutya ay ang panawagan sa iyo
upang ikaw ay makatakas sa matuwid na paghahatol ng Diyos at maranasan ang
dakilang kaligtasan na tanging kay Hesus lamang makakamtan. Muli ay ang tanong
sa iyo... Narinig mo ba ang panawagan?
Soli Deo Gloria
Mout Zion Baptist Church, Paliparan
Pebrero 24, 2013
No comments:
Post a Comment