Thursday, April 1, 2010

ANG IGLESYANG ITINATAG NI KRISTO

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : MATEO 16:18-20
TEMA : IGLESYA
TITULO : ANG IGLESYANG ITINATAG NI KRISTO
TANONG : PAANO ITINATAG NI HESUS ANG IGLESYA?


I. PANIMULA
Marami sa atin ngayon ang mayroong malabo na pagkakaalam patungkol sa iglesya na itinayo ni Kristo. Isa sa mga nagpapatunay ay lumalaganap na mga kulto, at ng mga iglesyang ginamit sa negosyo.

A. Ang Iglesya – tinawag mula sa dilim papunta sa liwanag
• Isang grupo ng mga tinawag ng Diyos
• Mga organismo at hindi organisasyon
• May buhay kaya dapat kumikilos
• Bahagi ng katawan na ang ulo ay si Kristo
• Ang bahagi ng katawan ay dapat kumikilos ayon sa dikta ng ulo (Kristo)

B. Ang Iglesya ay Pinagpalang Institusyon
• Gaya ng pagpala ng DIyos sa unang pamilya
• Gaya ng pagpala sa bansang Israel
• Ito ay para maituloy ang progreso ng plano ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian
• Ito rin ay ang bahagi ng katuparan na ipinangako kay Abraham

C. Ang Riyalidad ng isang Iglesya
• Ang iglesya ay hindi perpekto sapagkat ang mga ito ay may likas na kasalanan
• Maraming problema sa iglesia
o Sa pamunuan, sa pagsunod, sa relasyon

II. MENSAHE

PAANO ITINATAG NI HESUS ANG IGLESYA
A. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya na may PUNDASYON – Ano ang pundasyon ng Iglesya?
“AT SA IBABAW NG BATONG ITO”
1) Si Pedro
• Sa katoliko, si Pedro ang pundasyon ng iglesya
• Siya ang kauna-unahang papa at sa pahanggang ngayon ay pinasalin-salin
• Ang papa, si Pedro bilang kauna-unahang papa ang pinaniniwalaang pundasyon ng iglesya (Ex Cathedra)
• Ang pagtawag ni Hesus kay Simon na Pedro ay pagpapakita ng pananampalataya ni Pedro sa pagkilala nito sa Kanya

2) Mga Apostol
• Pinaniniwalaan ng marami na ang pundasyon ay ang mga apostoles dahil sa kanila ibinilin ni Hesus

3) Ang Pahayag na “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay”
a) Ang Bato – Salita ng Diyos
• Ang bato na binabanggit bilang isang pundasyon ay kabatuhan (bed rock) na tumutukoy sa Salita ng Diyos gaya ng batong binabanggit sa Mateo 7:24.

b) Ang Batong Panulok – Hesus
• Ang Batong Panulok ay ang batong kung saan ang kabuuan ng pundasyon ay nakakabit (Isaias 28:16)
• Kapansin-pansin na ang bawat aklat ng Bibliya ay nakasentro kay Hesus bilang batong panulukan/saligan (1Corinto 3:11)

Prinsipyo: Ang tinutukoy na pundasyon ay ang Salita ng DIyos at si Hesus ay ang batong panulok o saligan (2Tim. 2:19; Efeso 2:20)

B. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya na may KASIGURUHAN – Sino ang nagtatag ng iglesya?
“ITATAYO KO”
• Bilang isang Diyos – manlilikha, tagapagligtas, hukom at iba pa.
• Ang Kanyang plano ay maisasakatuparan ayon sa panahon na Kanyang itinakda bilang isang Diyos
• Ang Kanyang kaluwalhatian ang maitaas ayon sa Kanyang plano
Prinsipyo: Ang lahat ng Kanyang sinabi ay magaganap at Siya ay nakatuon ang pansin sa Kanyang sinabi (Jeremias 1:12)

C. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya ng may BUONG PAGSINTA – Gaano ang Kanyang pag-ibig sa Iglesya?
“AKING”
Ang Paghahalintulad ng Iglesya:
• Bilang Kanyang Kawan – Pag-aalay ng Kanyang sariling buhay (Juan 10:15,28)
• Bilang Kanyang Asawa - Pagdadalisay sa Kanyang mapapangasawa (Pahayag 19:7-8)
• Bilang Kanyang Katawan - Pag-iingat bilang Kanyang Katawan (Efeso 5:29-30)
Prinsipyo: Ang buong pagsinta ni Kristo ay pagbabayad Niya ng Kanyang sariling dugo upang tubusin at linisin upang maging karapat-dapat sa harapan ng Kaniyang Ama. (Mga Gawa 20:28)

D. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya na may PAGKAKAKILANLAN – Paano makikilala ang tunay na Iglesya?
“IGLESYA”
1) Pagiging Isa (Efeso 4:4-6)
• Isang katawan
• Isang Espiritu
• Isang pag-asa
• Isang Panginoon
• Isang Pananampalataya
• Isang Bautismo
• Isang Diyos
2) Responsibilidad (1Tesalonica 5:12-22)
• Taga-pagpastol sa ipinagkatiwalang mga tupa
• Tupa sa ipnagkaloob na taga-pagpastol
• Tupa sa kapwa tupa
• Tupa sa Tunay na Pastol
3) Relasyon na may pagpapasailalim at pagsunod
• Pastol at tupa
• Panginoon at lingkod
• Ulo at katawan
• Asawang Lalaki at asawang babae
Prinsipyo: Makikilala ang Kanyang iglesya ayon sa bunga nito dulot ng pagiging isa nito, responsibilidad at relasyon para sa kaluwalhatian ng kanyang Panginoon (1Juan 3:24)

E. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya ng may PAGTATAGUMPAY – Ano ang basehan ng tagumpay ng Iglesya?
“AT ANG PINTUAN NG HADES AY HINDI MAGWAWAG LABAN SA KANYA”
Pintuan ng Hades ay ang kamatayan at kinakatakutan ng lahat naniniwala man sa Diyos o hindi, naniniwala sa impyerno o hindi.
1) Ang Problema
• Ang tibo ng kamatayan ay kasalanan
• Ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan (1Corinto 15:56)
2) Ang Solusyon
• Ang Katuwiran mula kay Hesus (2Corinto 5:21)
o Si Hesus ang katapusan ng batas (Roma 10:4)
o Si Hesus ay naparito upang tupdin ang batas (Mateo 5:17)
o Sa pamamagitan ni Hesus nagkaroon ng katuwiran ang tao (Roma 5:19)

• Ang Kamatayan ng Nagkatawang Diyos (Isaias 53:12)
o Ang kamatayan ni Hesus ang kabayaran ng kasalanan (Roma 5:6)
• Ang Muling Pagkabuhay ay si Hesus (Juan 11:25)
o Ang muling pagkabuhay ay dahil si Hesus ay nabuhay (1Corinto 15:21)
o Ang Kanyang muling pagkabuhay ay kabuluhan ng pananampalataya (1Corinto 15:17)
Prinsipyo: Si Hesus ang tagumpay ng lahat ng hinirang ng Diyos (Roma 7:24-25)

F. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya at binigyan Niya ng AWTORIDAD – Paano gagamitin ang awtoridad?
“IBIBIGAY KO SA IYO ANG SUSING KAHARIAN NG LANGIT, AT ANUMANG IYONG TATALIAN SA LUPA AT TATALIAN SA LANGIT; AT ANUMANG KAKALAGAN SA LUPA KAKALAGAN SA LANGIT”

Marami sa ibang denominasyon na ginagamit ang pagtatali at pagkakalag kay Satanas at sa mga kampon nito at ito ay maling interpretasyon.
Susi – ibinigay ni Hesus sa iglesya. Ito ay awtoridad sa pagbukas at pagtarangka.
Ito ay gagamitin sa pagdidisiplina – (Mateo 18:18-20)
• Doctrina
• Moralidad
• Pamumuhay
Prinsipyo: Ang pagpapasailalim sa awtoridad ng iglesya at pagpapasailalim sa Diyos. (1Corinto 16:15-16)




G. Itinatag ni Hesus ang Kanyang Iglesya para sa PANG-ESPIRITUWAL- Ano ang layunin ni Hesus sa Iglesya?

“PAGKATAPO AY MAHIGPIT NIYANG IPINAGBILIN SA MGA ALAGAD NA HUWAG SASABIHIN KANINUMAN NA SIYA ANG CRISTO”

Bakit binalaan ni Hesus ang Kanyang mga disipulo na huwag sabihin na SIya ay ang Kristo?
Basehan ng Babala
• Ang motibo ng tao sa pagkilala sa Kanya (Juan 2:25 , 6:15)

Marami sa mga taong pumupunta ng bahay sambahan na hindi pang-espirituwal na motibo kundi pansarili at pang-mudong motibo.
• Gusto maligtas ngunit ayaw sumunod sa kalooban ng Panginoon
• Gusto gumaling at mapagpala sa pinansyal
• Gusto makiliti ang tenga ng pangakong pang-mundo
• Makita at masabi lamang na nagsimba ngunit ang isip ay nakatuon sa mundo

Prinsipyo: Ang layunin ng pagkakatatag ng iglesya ay kung ano ang maibibigay na paglilingkod sa Diyos at hindi ang makukuha mula rito.

III. KONKLUSYON

o Personal na kalungkutan patungkol sa iglesya
o Kawalan ng pagnanais na lumago ang iglesya sa espiritu
o Kawalan ng pagnanais na maglingkod sa kapwa mananampalataya at sa Panginoong Hesus

o Personal na paggawa sa iglesya
o Nag-aaral di para sa personal na interes kundi para sa paglago
o Ginaganyak ang iba na maglingkod ang ibang kapatiran para sa iglesya
o Gumagawa ng paraan upang sa susunod na henerasyon ay mapanatili ang tamang katuruan at mapalago pa ang gawain

o Personal na ipinamamanhik
o Ibigin ang iglesya na itinayo ng Diyos, hindi ang lugar na ito kundi ang bawat kaluluwa na tinawag ng Diyos
o Kaunti lamang panahon na ilalagi natin dito sa mundo maglingkod ka kapatid bilang bahagi ng iglesyang inibig ng Diyos at binayaran ng sarili Niyang dugo.

o Mamuhay tayo bilang iglesya ayon sa pagkakatatag sa atin ni Hesus.











For God’s Glory
03/28/10