Monday, February 15, 2010

Ang Panimulang Hakbang ng Pagkahabag ng Isang Kristiyano - Pag-eebanghelyo

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : JUAN 1:35-42
TEMA : PAGHAHAYAG NG MABUTING BALITA
TITULO : ANG PAG-EEBANGHELYO-PANIMULANG HAKBANG NG PAGKAHABAG NG ISANG KRISTIYANO
TANONG : IKAW BA AY NAHAHABAG SA MAHAL MO NA NALILIGAW NG LANDAS? ANO ANG GAGAWIN MO?


I. PANIMULA
Paghahayag ng Salita ng Diyos

1) Ang Panimulang Hakbang ng Pagkahabag (Isaias 40:1-2)
• Si Hesus ay nahabag sa mga tao (Mateo 9:36)
“Nang makita Niya ang napakaraming tao, nahabag Siya sa kanila sapagkat sila’y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol”

• Sina Pedro at Juan ay nahabag sa lalaking lumpo (Mga Gawa 3:6)
“Ngunit sinabi ni Pedro, ‘Wala akong pilak o ginto, subalit may iba akong ibibigay sa iyo : sa ngalan ni Hesu-Kristong taga-Nazaret, lumakad ka.’”

2) Ang Iniutos ng Diyos sa Bawat Mananampalataya (Mateo 28:19-20)
• Upang mahayag ang kaluwalhatian ng Diyos (Mateo 5:16)
“Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upanag makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit”

• Upang mailigtas ang tao (Roma 1:16; 10:17)
“Kaya’t ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig; at makakapakinig lamang kung may mangangaral tungkol kay Cristo”

• Upang sa ikalalago ng mananampalataya sa pagiging Kristiyano (Tito1:1-2)

“Mula kay Pablo alipin ng Diyos at apostol ni Jesu-Cristo. Sinugo ako upang patibayin ang pnanampalataya ng mga hinirang ng Diyos, palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa katotohanang makapaglalapit sa atin sa Diyos, at bigyan ng pat-asa sa buhay na walang hanggan…”

3) Ang Pag-ibig sa Pamilya para sa Kanilang Ikaliligtas sa Pamamagitan ng Paghahayag ng Salita ng Diyos

• Noe – Sinabi niya ang plano ng Diyos patungkol sa paglupig sa masasama sa pamamagitan ng baha
• Abraham – Sinabi niya sa kanyang pamilya ang ipinangako na lupa ng Diyos na kanyang sinasampalatayanan
• Lot – Nagbigay babala sa kanyang pamilya patungkol sa pagwasak ng lungsod ng Sodoma at Gomorra
• Joshua – Pagdesisyon sa kanyang pamilya kung sino ang Diyos na paglilingkuran
• Rahab – Isinama ang pamilya sa bahay niya upang di malupig
• Babaeng Samaritanan – Inihayag ang Mesias sa kanyang mga kababayan
• Ang Bantay na taga Filipos – Nanamapalataya kay Hesus at inihayag sa kanyang sambahayan
• Hesus – Nangaral sa bayan ng Nazaret kung saan Siya tumira kasama ang mga kaanak at pamilya


II. MENSAHE
A. Impormasyon Patungkol kay Andres
1) Sino si Andres?
• Kapatid ni Pedro
• Alagad ni Hesus sa unang apat na grupo
o Pedro, Juan, Santiago at Andres
o Filipe, Nataniel (Bartolomeo), Thomas at Mateo
o Santiago (Alfeo), Hudas (Tadeo), Simon (Aktibista) at Hudas (Iskaryote)


2) Paano Siya Naglingkod sa Diyos
• Siya ay tapat na alagad na kumikilos hindi sa kanyang ikararangal kundi sa ikararangal ni Hesus
o Kahit siya ay kabilang sa unang grupo ng mga alagad ni Hesus kapansin-pansin na hindi nababanggit ang pangalang Andres. (Sa Pagbabagong Anyo ni Hesus (Mateo 17:1), Pananalangin sa Getsamani (Markos 14:33)
o Iniisip kung ano ang sasabihin sa kanya ng Diyos kaysa sa sasabihin ng tao bilang parangal sa kanya
• Siiya ay kabaligtaran ng kanyang kapatid na si Pedro na masalita ngunit siya ay tahimik lamang na naglilingkod sa Diyos
• Nakita niya ang kahalagahan ng mga mumunting bagay
o Dinala niya ang kaunting pagkain ng bata (limang tinapay at dalawang isda) kay Hesus dahil sa mataas na pagkakakilala niya kay Hesus (Juan 6:9)
• Nakita niya ang kahalagahan ng isang indibidwal
o Inilapit niya ang mga ito kay Hesus sapagkat nakita niya ang kanyang sarili noong siya naghahanap ng tagapagligtas na kailangan ng isang tao ang Hesus (Juan12:21-22).

B. Pangyayari
Pagkakasunod-sunod ng pangyayari ng si Hesus ay binawtismuhan ni Juan Bautista
• Pagbabawtismo kay Hesus (19-34) – unang banggit ni Juan patungkol kay Hesus bilang Kordero ng Diyos
• Nakita muli ni Juan si Hesus (36) – pangalawang banggit ni Juan patungkol kay Hesus bilang Kordero ng Diyos
• Pagsunod ng dalawang alagad ni Juan kay Hesus (37)
• Inimbitahan sila ni Hesus at sila ay sumama hanggang ika-apat ng hapon (38-39)

C. Teksto
1) Ang Puso ni Andres Patungkol sa Panginoon (Pag-ibig)
• Ipinakita niya ang kanayang pagpupursige na makilala ang Hesus na ito na sinabi ni Juan na Kordero ng Diyos (37-39)
• Nakita niya na kahalagahan ng Kordero ng Diyos (Kahalagahan ni Hesus)
• Interesado siyang makilala ang Mesias ang tagapagligtas
Unang Prinsipyo : Ang Naghahayag ng Salita ng Diyos ay Interesado Makilala ang Kordero ng Diyos (HESUS)
Hamon : Ikaw ba ay interesado makilala ang Kordero ng Diyos?

• Naglaan siya ng panahon para makilala ang Mesias
• Naglaan siya ng panahon upang pakinggan ang kanyang aral
Pangalawang Prinsipyo : Ang Naghahayag ng Salita ng Diyos na Interesado ay Naglalaan ng Panahon sa Pakikinig
Hamon : Naglalaan ka ba ng panahon upang makinig sa Diyos?

2) Ang Puso ni Andres sa Kanyang Kapatid (Pagkahabag)
Pagkahabag Gaya ng Pagkahabag sa Sarili
• Siya ay makasalanan
• Siya papuntang impyerno
• Siya ay walang magagawa upang makatakas sa poot ng Diyos sa darating na paghahatol
• Siya ay nangangailangan ng awa at kagandahang loob ng tagapagligtas
Hamon : Nahabag ka ba para sa mahal mo sa buhay gaya ng pagkahabag mo sa sarili nang ikaw ay wala pa kay Kristo?
Nakita mo ba na sila ay daranas ng kaparusahan sa impyerno tulad mo nang ikaw ay wala pa kay Kristo?
Nalaman mo na ang tanging paraan na ginamit ng Diyos upang magkaroon ng pananampalatayang magliligtas ay ang
paghahayag ng Mabuting Balita, ano ang gagawin mo?
Pangatlong Prinsipyo : Kung Nahahabag Ka sa Iyong Kapatid – Ihayag Mo sa Kanila si Hesus

3) Ang Paghahayag ng Salita – Tanda ng Kristiyanong May Pusong Mahabagin sa Kanyang Kapatid

MGA HAKBANG SA PAG-EEBANGHELYO AYON SA GINAWA NI ANDRES SA KANYANG KAPATID

1) Paghahanap sa mga Kapatid
• Makita ang kahalagahan ng isang tao na nangangailangan ng kaligtasan (Lukas 19:10)

2) Paghahayag ng Salita ng Diyos
• Makita ang kahalagahan ng Salita ng Diyos na nagdudulot ng pananampalataya kay Hesus (Roma 10:17)

3) Pagdadala kay Kristo
• Makita ang kahalagahan ng buhay kay Hesu-Kristo (Juan 6:68)


III. KONKLUSYON

Ang Pag-eebanghelyo ni Andres
o Ang ginawa ni Andres sa pag-eebanghelyo sa kanyang kapatid ay ginawa niya rin sa iba
o Siya ay din a nabanggit sa aklat ng Mga Gawa ngunit ayon sa kasaysayan siya ay nag-ebanghelyo sa Europa at isa sa mga patunay ay naging patron siya sa Russia.

Ang Pag-eebanghelyo ni Andres sa Asawa ng Gobernador
o Ang asawa ng gobernador ay naging taga-sunod ni Hesus na ikinagalit ng gobernador
o Pinigilan ang asawa ngunit hindi ito nagpapigil sa paglilingkod kung kaya’t si Andres and pinagbuntunan

Ang Pag-eebanghelyo ni Andres Hanggang Kamatayan
o Dahil sa galit ng gobernador siya ay tinali sa krus na pa-ekis at pinaglalatigo sa loob ng dalawang araw
o Sa kabila ng paghihirap, siya ay nag-eebanghelyo pa rin sa mga taong dumaraan sa lugar kung saan siya naghihirap

Si Andres ang apostol na tahimik ngunit naging tapat sa Panginoon sa pangangaral at pagsunod hanggang kamatayan. Nakita niya ang kahalagahan ng Hesus at ng Mabuting Balita. At dahil dito nakaramdam siya ng habag sa mga tao na wala pa kay Kristo, mga taong sasapitin ang apoy ng impyerno ng walang hanggan. Nakita niya ang kahalagahan ng Ebanghelyo na dapat ihayag sa bawat taong mabubuhay sa mundong ito.

Ngayong ikaw naman na nasumpungan ng Diyos at binigyan ng pag-asa, ng kaligtasan mahabag ka sa pamilya mo, sa mga kaanak, mga kaibigan at mga kapit-bahay. Hanapin mo sila at ihayag ang mabuting balita ng kaligtasan dahil kay Hesus at dalhin sila sa paanan ni Hesus upang kahabagan at magkaroon din ng buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo habambuhay.


For God’s Glory
02/28/10

Ang Nakakahiyang Gawain.....

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : ROMA 1:11-17
TEMA : PAGHAHAYAG NG MABUTING BALITA
TITULO : ANG NAKAKAHIYANG GAWAIN – ANG PINAKAMAHALAGANG GAWAIN
TANONG : PAANO MALALABANAN ANG HIYA UPANG MAIPANGARAL ANG SALITA NG DIYOS?


I. PANIMULA
Mga Nakakahiyang Gawain Ngunit Madalas Gawin
1) Mahalay na Pananalita
2) Mahalay na Pananamit
3) Mahalay na Pamumuhay
4) Pagtawanan ang Kapwa
5) Lokohin ang Kapwa
6) Ipagpalit ang Araw ng Panginoon sa Ibang gawain

Ang Paghahayang ng Mabuting Balita ay Nakakahiya
A. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ang nilalaman nito ay isang kahihiyan sa mata ng sanlibutan.
- Ang Mabuting Balita ay batong katitisuran sa mga Hudyo at kahangalan sa mga Griyego (1Corinto 1:23).
- Ang naghahayag ng Mabuting Balita ay tampulan ng pangungutya (Jeremias 2:7-8)
- Ang naghahayang ng mabuting balita ay uusigin dahil kay Hesus (Juan 15:20)

B. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ito ay laban sa prinsipyo ng mundo.
- Dahil sa kasalanan ng tao ang kanyang puso ay naging matigas at hindi niya ito mauunawaan at dahil dito ituturing niya ang Salita ng Diyos na ipinangangaral na isang kasinungalingan.
 gaya siya ng isang klase ng lupa sa tabi ng daanan na nakarinig ng Salita ngunit hindi niya maunawaan Salita. (Mateo 13:19)

C. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ito ay inabuso ng mga nagpapanggap na Kristiyano at maging mga Kristiyano lalo ng ng mga lider.
- Ang Salita ng Diyos ay kinakalakal.
- Ang Salita ng Diyos ay ginagamit sa pansariling interes
- Ang Salita ng Diyos ay hindi ipinamumuhay
- Ang Salita ng Diyos ay nilalapastangan

II. MENSAHE

“Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo”
A. Ang Malaking Hadlang sa Pangangaral ng Salita ng Diyos
- Ang hiya ang pinakamalaking sagabal sa isang Kristiyano upang maibahagi ang Mabuting Balita
- Ang hiya ay nag-ugat sa pgaiging makasarili
• Dahil iniingatan ng tao ang kanyang damdamin
• Dahil nakatingin ang tao sa reaksyon ng iba patungkol sa kanya
• Dahil nakatali ang tao sa kanyang nakaraan



B. Meron bang dapat ikahiya si Pablo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita
- Si Pablo ay isa sa mga tumutuligsa sa katuruan ng Mabuting Balita patungkol kay Kristo
- Si Pablo ay umuusig sa mga taong nagngagnaral ng Mabuting Balita patungkol kay Kristo

C. Paano Natin Malalabanan ang Hiya upang Maipangaral ang Mabuting Balita?

1. Mga Dapat Malaman na Magbibigay Tapang upang Ibahagi ang Mabuting Balita
Marami sa atin ang ikinahihiya ang Mabuting Balita dahil nalimutan natin ang kabutihan ng Diyos na ginawa sa atin noon. Ating isapuso ang mga iyon at alalahanin ang dahilan ng pagkakaligtas sa atin.
a) Malaman Natin na ang Pangangaral ng Mabuting Balita ay may Parangal (v.13)

b) Malaman Natin na ang Pangangaral ng Mabuting Balita ay isang Pananagutan (v.14)
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas ng Panginoon para sa ganitong gawain
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas upang magbigay kaluwalhatian sa Pangalan ng Diyos
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas upang maging instrumento para sa kaligtasan ng iba

c) Malaman Natin na ang Mabuting Balita ay Kapangyarihan ng Diyos sa Kaligtasan (v.16)
• Paraan ng Diyos na ginamit upang ipanganak ang pananampalataya sa isang tao
• Paraan ng Diyos upang lumago sa kagandahang loob ng Diyos at sa kaalaman patungkol sa Salita ng DIyos.
• Paraan ng Diyos upang magkaroon ng pag-asa at ang pag-asa ay walang iba kundi ang Hesus.

2) Mga Dapat Gawin na Magbibigay Tapang upang Ibahagi ang Mabuting Balita
Marami sa atin ang ikinahihiya ang Mabuting Balita sapagkat hindi natin alam kung paano ito ipangangaral o ibabahagi sa iba. Hindi tayo kumpiyansa sapagkat hindi natin alam an gating sasabihin sa kanila at haharapin ang mga reakyon at katanungan nila.
a) Gawin Natin ang Determinadong Pag-aaral ng Salita ng Diyos
b) Gawin Natin ang Determinadong Pagsasabuhay ng mga aral ng Salita ng Diyos
c) Gawin Natin ang Determinadong Pananalangin

III. KONKLUSYON
Huwag natiing ikahiya ang Mabuting Balita sa di pagbabahagi nito. Tayo ay produkto ng pangagaral ng Salita ng Diyos. Malaking bagay na ipapasalamat natin sa Diyos na dumating ang Mabuting Balita sa atin na nagsilang ng pananampalataya para sa atin kay Hesu-Kristo na Siyang nagligtas sa atin mula sa malagim na parusa ng kasalanan. Hindi handog ang kailangan Niya sapagkat sa Kanya ang lahat, kundi ang pagsunod sa dakilang ipinapagwa sa bawat Kristiyano ang ihayag ang Mabuting Balita ng buong katapatan at buong katapangan. Huwag kang matakot sa magiging tugon ng mga tao, huwag kang mahiya sa kalalabasan ng paghahayag ng Mabuting Balita kahit pa buhay ang kapalit nito sapagkat ang Diyos ay nasasaiyo. Hindi ka Niya iiwan ni pababayaan. Ipangaral mo ang kaligtasan mo, ipangaral mo si Hesus.




For God’s Glory
01/10/10