Monday, February 15, 2010

Ang Nakakahiyang Gawain.....

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : ROMA 1:11-17
TEMA : PAGHAHAYAG NG MABUTING BALITA
TITULO : ANG NAKAKAHIYANG GAWAIN – ANG PINAKAMAHALAGANG GAWAIN
TANONG : PAANO MALALABANAN ANG HIYA UPANG MAIPANGARAL ANG SALITA NG DIYOS?


I. PANIMULA
Mga Nakakahiyang Gawain Ngunit Madalas Gawin
1) Mahalay na Pananalita
2) Mahalay na Pananamit
3) Mahalay na Pamumuhay
4) Pagtawanan ang Kapwa
5) Lokohin ang Kapwa
6) Ipagpalit ang Araw ng Panginoon sa Ibang gawain

Ang Paghahayang ng Mabuting Balita ay Nakakahiya
A. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ang nilalaman nito ay isang kahihiyan sa mata ng sanlibutan.
- Ang Mabuting Balita ay batong katitisuran sa mga Hudyo at kahangalan sa mga Griyego (1Corinto 1:23).
- Ang naghahayag ng Mabuting Balita ay tampulan ng pangungutya (Jeremias 2:7-8)
- Ang naghahayang ng mabuting balita ay uusigin dahil kay Hesus (Juan 15:20)

B. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ito ay laban sa prinsipyo ng mundo.
- Dahil sa kasalanan ng tao ang kanyang puso ay naging matigas at hindi niya ito mauunawaan at dahil dito ituturing niya ang Salita ng Diyos na ipinangangaral na isang kasinungalingan.
 gaya siya ng isang klase ng lupa sa tabi ng daanan na nakarinig ng Salita ngunit hindi niya maunawaan Salita. (Mateo 13:19)

C. Ang paghahayag ng Salita ng Diyos (Mabuting Balita) ay nakakahiya sapagkat ito ay inabuso ng mga nagpapanggap na Kristiyano at maging mga Kristiyano lalo ng ng mga lider.
- Ang Salita ng Diyos ay kinakalakal.
- Ang Salita ng Diyos ay ginagamit sa pansariling interes
- Ang Salita ng Diyos ay hindi ipinamumuhay
- Ang Salita ng Diyos ay nilalapastangan

II. MENSAHE

“Hindi ko ikinahihiya ang Mabuting Balita tungkol kay Kristo”
A. Ang Malaking Hadlang sa Pangangaral ng Salita ng Diyos
- Ang hiya ang pinakamalaking sagabal sa isang Kristiyano upang maibahagi ang Mabuting Balita
- Ang hiya ay nag-ugat sa pgaiging makasarili
• Dahil iniingatan ng tao ang kanyang damdamin
• Dahil nakatingin ang tao sa reaksyon ng iba patungkol sa kanya
• Dahil nakatali ang tao sa kanyang nakaraan



B. Meron bang dapat ikahiya si Pablo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita
- Si Pablo ay isa sa mga tumutuligsa sa katuruan ng Mabuting Balita patungkol kay Kristo
- Si Pablo ay umuusig sa mga taong nagngagnaral ng Mabuting Balita patungkol kay Kristo

C. Paano Natin Malalabanan ang Hiya upang Maipangaral ang Mabuting Balita?

1. Mga Dapat Malaman na Magbibigay Tapang upang Ibahagi ang Mabuting Balita
Marami sa atin ang ikinahihiya ang Mabuting Balita dahil nalimutan natin ang kabutihan ng Diyos na ginawa sa atin noon. Ating isapuso ang mga iyon at alalahanin ang dahilan ng pagkakaligtas sa atin.
a) Malaman Natin na ang Pangangaral ng Mabuting Balita ay may Parangal (v.13)

b) Malaman Natin na ang Pangangaral ng Mabuting Balita ay isang Pananagutan (v.14)
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas ng Panginoon para sa ganitong gawain
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas upang magbigay kaluwalhatian sa Pangalan ng Diyos
• Isaisip natin na tayo ay iniligtas upang maging instrumento para sa kaligtasan ng iba

c) Malaman Natin na ang Mabuting Balita ay Kapangyarihan ng Diyos sa Kaligtasan (v.16)
• Paraan ng Diyos na ginamit upang ipanganak ang pananampalataya sa isang tao
• Paraan ng Diyos upang lumago sa kagandahang loob ng Diyos at sa kaalaman patungkol sa Salita ng DIyos.
• Paraan ng Diyos upang magkaroon ng pag-asa at ang pag-asa ay walang iba kundi ang Hesus.

2) Mga Dapat Gawin na Magbibigay Tapang upang Ibahagi ang Mabuting Balita
Marami sa atin ang ikinahihiya ang Mabuting Balita sapagkat hindi natin alam kung paano ito ipangangaral o ibabahagi sa iba. Hindi tayo kumpiyansa sapagkat hindi natin alam an gating sasabihin sa kanila at haharapin ang mga reakyon at katanungan nila.
a) Gawin Natin ang Determinadong Pag-aaral ng Salita ng Diyos
b) Gawin Natin ang Determinadong Pagsasabuhay ng mga aral ng Salita ng Diyos
c) Gawin Natin ang Determinadong Pananalangin

III. KONKLUSYON
Huwag natiing ikahiya ang Mabuting Balita sa di pagbabahagi nito. Tayo ay produkto ng pangagaral ng Salita ng Diyos. Malaking bagay na ipapasalamat natin sa Diyos na dumating ang Mabuting Balita sa atin na nagsilang ng pananampalataya para sa atin kay Hesu-Kristo na Siyang nagligtas sa atin mula sa malagim na parusa ng kasalanan. Hindi handog ang kailangan Niya sapagkat sa Kanya ang lahat, kundi ang pagsunod sa dakilang ipinapagwa sa bawat Kristiyano ang ihayag ang Mabuting Balita ng buong katapatan at buong katapangan. Huwag kang matakot sa magiging tugon ng mga tao, huwag kang mahiya sa kalalabasan ng paghahayag ng Mabuting Balita kahit pa buhay ang kapalit nito sapagkat ang Diyos ay nasasaiyo. Hindi ka Niya iiwan ni pababayaan. Ipangaral mo ang kaligtasan mo, ipangaral mo si Hesus.




For God’s Glory
01/10/10

No comments:

Post a Comment