Sunday, August 25, 2013

ANG PAGTUGON SA EBANGHELYO
Mga Gawa : 16:14
 At nakinig sa amin ang isang babaing ang pangalan ay Lydia na sumasamba sa Diyos. Siya ay mula sa lunsod ng Tiatira at isang mangangalakal ng mga telang kulay ube. Binuksan ng Panginoon ang kanyang puso upang making na mabuti sa mga bagay sinasabi ni Pablo.

PANIMULA

A.  Ang Natalong Pulitiko
·        Noong Mayo 13, 2013 ay idinaos ang halalan
·        Makikita natin sa mga di pinalad na kandidato na kahit anong husay sa pamamalakad, buti ng adhikain, lakas ng impluwensya, at dami ng perang ginamit sa kampanya ay walang kapangyarihan upang maluklok sa posisyong kanilang tinakbuhan maliban sa simpatya ng masa.
·        Maging ang pagkapanalo ng mga pinalad na kandidato ay dahil sa boto ng tao.
·        Kaya nga ganun na lamang ang panunuyo ng mga kandidato sa mga tao.

B. Simpatya ng Diyos ang Kailangan
·        Tulad ng mga pulitiko tayo din ay walang kakayanan na tumugon sa Ebanghelyo ano mang lakas, o yaman na mayroon tayo.
·        Ang kailangan natin ay simpatya o kagandahang loob ng Diyos
·        Gaya ng isang nakakulong ay hindi makakalaya maliban na gawaran ng parol mula sa gobyerno


Mensahe : Ang Kagandahang Loob ng Diyos ang Tanging Solusyon upang Makatugon sa Ebanghelyo
Texto : Mga Gawa 16:14

Kotexto ng Talata:
·        Ang Kilos ng Diyos sa ikalawang Misyon – Troas naging Macedonia (Mga Gawa 16:9-12)
·        Ang Pagbabakasakali sa Tao ay Katiyakan sa Diyos (Mga Gawa 16:13)
Teksto:
·        Mula sa pangitain – Mga Babae – Lydia
o   Pinagmulan, Trabaho,  (Antas ng Pamumuhay)
o   Relihiyon (Antas ng Espirituawalidad)

Dalawang Pagkilos ng Diyos upang Makatugon sa Ebanghelyo

1. ANG GINAWA NG DIYOS UPANG MAKATUGON SA EBANGHELYO

A. Ang Naunang Nangyari – Pagbubukas ng Puso
·        May naunang nangyari bago makatugon sa Ebanghelyo at ito ay ang pagbubukas ng puso
·        Hindi makatutugon ang sinoman kung hindi bubuksan ang puso.
·        Ito ay doktrinang hindi maunawaan at matanggap ng maraming tao maging mga Kristiyano – Ang Doktrina ng Pagbubuhay
o   Ito ay katumbas ng KAPANGANAKAN MAGMULI, MABISANG PAGKAKATAWAG
o   Nais ng marami sa atin na nasa tao ang unang pagkilos at tutugon ang Diyos ayon sa ginawa ng tao
§  Maling Pananaw – Nasa Diyos ang Awa Nasa Tao ang Gawa
o   Ngunit kung magiging tapat tayo sa teksto, malalaman natin na hindi makatutugon ang tao sa ebanghelyo maliban na may gawin ang Diyos
§  Ito ay gaya sa sinabi Ni Hesus sa Juan 6:37, 44, 65, Efeso 2:1,
Illustrasyon : Ang Pagkabuhay ni Lazaro (Binuhay muna ng Diyos bago makatugon sa tawag ni Hesus na bumangon siya)

B. Ang Pagbubukas ng Puso
·        Bakit kailangan buksan ang puso? Hindi ba makakatanggap ang saradong puso?
o   Kailangan buksan ng Diyos ang puso dahil ito ay di makakatugon sa ebanghelyo –
§  Ang Ebanghelyo ay kahangalan sa pusong ito - 1 Corinto 2:14
§  Ang puso ay masama - Genesis 6:5
§  Ang puso ay mandaraya – Jeremiah 17:9
·        Ang Lubos na Pagbubukas
o   Ang salitang “BINUKSAN” ay nilagyan sa orihinal na pagkakasulat ni Lukas ng mga lapi na makakapagpaigting ng kahulugan
§  Ito ay lubos na pagbubukas – binuksan na maigi ng Diyos kung saan ang kilos ng tao ay walang bahagi sa pagbubukas ng puso
§  Hindi ito pagbubukas ng bahagya at hayaan ang tao na magbukas ng lubos.
Illustrasyon : Gaya ng isang taong ooperahan na pinapatulog sapagkat ang kanyang kamalayan ay walang maitutulong sa operasyon

HAMON :  Marami sa atin ganito ang pananaw na kaya tayo naipanganak muli sa Espiritu ay dahil tumugon tayo.  Ngunit ang kapanganakan magmuli ay ang pabubukas ng puso ang pagbubuhay ng patay na espiritu sa mga bagay patungkol sa espritwal na aspeto  upang makita natin ang kaharian ng Diyos (Kanyang paghahari). Ang ilan naman sa atin ay marunong sa salita ng Diyos. Mahusay magasalita o maraming alam sa bibliya ngunit hindi pa binubuksan ng Diyos ang puso kaya hindi makatugon ng tama at tapat sa ebanghelyo. (Isaang paalala ang mga taong tumatawag sa Panginoon – Mateo 7:22-23). Kaya ang hamon sa atin ay tapat na pangangaral at walang sawang pag-pagpapaalala patungkol sa buhay na walang hanggang at kahatulan.

2. ANG GINAMIT NG DIYOS UPANG MAKATUGON SA EBANGHELYO

A. Ang Kahalagahan ng Pangangaral sa Pagtugon sa Ebanghelyo
·        Kung sa ilan sa mga Kristiyano ay may maling pananaw na dapat munang tumugon sa Ebanghelyo bago kumilos ang Diyos sa buhay nila,
·        Sa isang bahagi naman ay may naniniwala na ang kahalagahan ng pangangaral ay binabaliwala – Hyper Calvinist
·        Ngunit ang sinasabi ng kasulatan ay ipangaral ang Ebanghelyo, iproklama ang katagumpayan ni Hesus.
o   Sa Lumang Tipan ay tinawag ang mga propeta upang sabihin ang ipinasasabi ng Diyos
o   Ito ay iniutos ni Pablo kay Timoteo (2Timoteo 4:2)
o   Ipinakita rin ang kahalagahan nito sa Roma 10:14-15, 17
§  Hindi makakapanampalataya ang tao hanggat walang naririnig na Salita ng Diyos
·        Kung sa plano ng Diyos ang dulo ay kaligtasan ng isang tao, sa Kanya ring plano ay inilagay ang pamamaraan na gagamitin upang maligtas isang tao – ito ay dahil sa Salita ng Diyos – Ang Ebanghelyo, at ito ay dapat maipangaral
o   Kaya’t huwag ikahiya ang Ebanghelyo sapagkat ito ay para sa kaligtasan ng tao (Roma 1:16)
·        Makita nawa natin ang kahalagahan ng tapat na pangangaral ng Ebanghelyo

Ilustrasyon: John Bunyan – napakinggan ang mga babaeng nag-uusap patungkol sa miserableng kalagayan na binago ng Diyos

B. Ang Mga Maling Pananaw sa Pangangaral
·        Ang pagliligtas ng Diyos ay hindi dahil sa kakayanan ng nangangaral kundi sa ginawa at ginamit ng Diyos
o   Si Ambrose ay mahusay na mangangaral ng ikalimang siglo – nakapakinig sa kanya si Agustin ngunit hindi tumugon
o   Kaya sa 1Corinto hindi dahil sa nagtanim o sa nagdilig kundi sa nagpalago
·        Ang panghuhusga sa ibang tao na eebanghelyohan
o   Mas tutugoni daw sa mga kabataan kaysa sa katandaan
o   Mas tutugon daw ang mga babae kaysa sa mga lalaki
o   Mas tutugon ang mga pagano o mga katoliko kaysa sa mga muslim
·        Ang pangangaral ay trabaho ng pastor at ng mga lider
o   Lahat po tayo na naligtas at saksi ng Diyos sa Kanyang dakilang ginawa – kaya marapat na maging saksi tayo
Ilustrasyon : Misyon sa Mindoro
Hamon: Hinahamon ang bawat isa sa atin ng Banal na Kasulatan na handa ka ba na maipangaral ang Ebanghelyo sapagkat ito ang kapangyarihan ng Diyos para sa ikaliligtas ng tao.

KONKLUSYON

·        Ngayon na alam na natin na ang Diyos ang nagbubukas ng puso, manalangin tayo na buksan ang puso ng mga taong hindi pa tumutugon sa Ebanghelyong nakapagliligtas – magulang, anak, kaanak, kaibigan, maging naging ating mga kaaway
·        Ipangaral natin ang ebanghelyo at huwag itong ikahiya – isipin natin ang mga taong hindi pa nakakarinig ng Mabuting Balita ng kaligtasan
·        Isipin natin na tayo din ay nabiyayaan ng Pageebanghelyo – kaya ang panawagan ay maging bahagi ng ubasan ng Diyos makilahok sa pag-aani – makilahok sa pangangaral Ebanghelyo upang ang mga pusong binuksan ng Diyos ay makatugon.

May 26, 2013
Hosanna Christian Church
Soli Deo Gloria

No comments:

Post a Comment