Thursday, December 30, 2010

Ang Responsiilidad ng Pastol at Tupa sa Isa't - Isa

GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH

TEKSTO : MGA TAGA TESALONICA 5:12-13
TEMA : RESPONSIBILIDAD NG IGLESYA
TITULO : ANG RESPONSIBILIDAD NG PASTOL AT NG TUPA SA ISA’T ISA
TANONG : ANU-ANO ANG RESPONSIBILIDAD NG PASTOL AT TUPA SA ISA’T ISA

I. PANIMULA

A. ANG IGLESYA SA TESALONICA

• Ito ay isang batang iglesya, bago pa lamang naitatayo, wala pang isang taon ng ito ay sinulatan ni Apostol Pablo
• Ito ay naitayo ng ipinangaral ni Pablo ang Mabuting Balita sa mga sinagoga ng mga Hudyo roon sa kabila ng mga pag-uusig (Mga Gawa 17:1-9)

B. ANG MODELONG IGLESYA

• Ang Kanilang Pananampalataya (Kabanata 1-3)
o Mga gawa na bunga ng pananampalataya
o Pagpapagal na may pag-ibig
o Pagtagal, pagtitiis, pagtitiyaga dulot ng pag-asa kay Kristo Hesus
o Pagtulad kay Kristo
o Ang pananampalataya ay nalaman sa Macedonia at Achaia at sa iba pang lugar

• Pagpapa-alala sa mga pamumuhay bilang Kristiyano (Kabanata 4)
o Pagiibayo pa ng pananamplataya
o Pagsupil sa kasalanan bilang isang tanda na sila ay patuloy na pinababanal ng Diyos
o Panatilihin ang pamumuhay bilang isang mabuti at modelong iglesya para sa ibang pang iglesya

• Mga Aral Patungkol sa Iglesya Patungkol sa Huling Araw (Kabanata 4-5)
o Pagdating ni Kristo
o Pagdagit sa Iglesya (Rapture)
o Mga Tanda sa Pagdating ni Hesus para sa Kanyang Pagbabalik

C. ANG RESPONSIBILIDAD

• Ang Responsibilidad ay ibinigay ng Diyos sa tao
o Sa Unang Tao - Adan
o Sa Bansang Israel
o Sa Iglesya

• Ang Responsibilidad ay ibinigay ng Diyos sa Kanyang Iniibig -Relasyon
o Ang responsibilidad ay bunga ng isang relasyon
o Ang pagpasok sa isang relasyon ay pagkakaroon ng responsibilidad
o Relasyon ng Diyos sa Tao, sa Israel at sa Iglesya at ng mga ito sa Diyos
o Dahil dito ang responsibilidad, pananagutan o obligasyon ay ginagampanan ng may pag-ibig dahil relasyon

• Ang Mga Nakalulungkot na Bagay Patungokol sa Kristiyanismo na may Kinalaman sa Responsibilidad
o Marami sa loob ng iglesya ang nais ng bagong relasyon sa Diyos ngunit ayaw ng responsibilidad
o Nais nila magig bahagi ng iglesya ngunit ayaw ng responsibilidad
o Nais nilang mapabilang sa mga tinatawag ng Kristiyano o tawagin silang Kristiyano ngunit ayaw ng responsibilidad
o Ang nasa isip ay kung ang makukuhang benepisyo sa iglesya hindi ang maari nilanag maiambag sa iglesya
o Ito ay nangyayari sa lahat:
 Mga pastor at matatanda sa iglesya para sa titulo ngunit ang iniisip ay kung paano sasamantalahin ang mga tupa (Mateo 23)
 Mga tupa na ang nais ay samantalahin ang kapwa tupa at maging ang kanilag pastol




II. MENSAHE

TANONG: PAANO MAIIWASAN ANG PANANAMANTALA NG BAWAT ISA SA BAWAT ISA SA LOOB NG IGLESYA?

SAGOT: ALAMIN KUNG ANO ANG RESPONSIBILIDAD NG BAWAT ISA

A. ANG PASTOL

• Ang Pagtatalaga ng Diyos kay Aaron bilang Tagapangasiwas sa Templo ng Diyos
o Sila ang namamahala sa mga seremonya sa mga gawain sa tabernakulo
• Sino ang mga Pastol?
o Ibinigay ng Diyos para sa mga tupa para ihanda ang mga ito sa paglilingkod sa Kanya (Efeso 4:11-12)
o Sila ay itinalaga ng Diyos ayon sa Kanyang pamantayan (ITimoteo 3, Tito 1)

B. ANG RESPONSIBILIDAD NG PASTOL SA MGA TUPA

Ang Layunin ng responsibilidad ay para maiharap ang mga tupa na ganap sa harapan ng Diyos (Colosas 1:28; 2Corinto 11:2)


1) Pagpapagal para sa mga Tupa - Karakter

• Kahulugan (Greek:Kopiao)
o Ito ay pagkilos o pagtatrabaho o paglilingkod sa Diyos at sa tao hanggang sa punto ng pagkapagod

• Paano Nagpapagal ang Isang Pastol?
o Pangangaral sa bahay bahay (Mga Gawa 20:20, Roma 1:14-15)
o Pagbibigay ng babala sa mga tupa ng may pananangis (Mga Gawa 20:31)
o Patuloy sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga tupa (Mga Gawa 20:32)
o Lubos na paggamit ng ibinigay na kaloob ng Diyos (2Timoteo 4:5)
o Pagpapagal sa araw at gabi (1Tesalonica 2:9)
o Pagtitiis at pagtitiyaga alang-alang sa mga tupa (1Timoteo 4:15-16)
o Pagbutihin ang pag-aaral ng Salita ng Diyos (2Timoteo 2:15, Ezra 7:8-10)


2) Pamumuno sa mga Tupa – Awtoridad

• Kahulugan
o Pamamahala sa mga tupa para sa kanilang proteksyon laban sa mga masasama

• Paano Namumuno ang Isang Pastol?
Ang basihan ng pamumuno ay alang-alang sa Panginoon
Iniingatan ng talatang ito ang pang-aabuso ng pastol sa tupa ng Diyos
o Ang namumuno ay naglilingkod (1Pedro 5:2)
o Ang namumuno ay modelo ng tupa (1Pedro 5:3; 1Corinto 4:16)
o Ang namumuno ay nagbibigay babala
• Babala sa mga bulaang propeta (Mateo 7:15)
• Babala sa mga kaaway laban sa kanila (Mateo 10:17)
• Babala sa maling aral (Mateo 16:6)

3) Pagtuturo sa mga Tupa – Layunin

• Kahulugan
o Paalala sa responsibilidad o obligasyon

• Paano dapat ipaalala ang mga responsibilidad ng mga tupa
o Sa pagtuturo kung ano ang dapat gawin (Tito 2)
• Sa kanikanilang gawain ayon sa disenyo ng Diyos para sa kanila
• Sa pagsamba
• Sa pamumuhay

Prinsipyo: Ibigay ang buhay para sa Panginoon, sa Kanyang Salita, at sa Kanyang Tupa


B. ANG RESPONSIBILIDAD NG MGA TUPA SA PASTOL

1) Pagrespeto bilang Ipinadala ng Diyos

• Ang pagrespeto sa pastol ay pagrespeto sa Diyos sapagkat ito ay ibinigay ng Diyos
• Ang pagrespeto sa pastol ay pagkilala bilang ipinadala ng Diyos
• Paano mabibigyan ng respeto ang pastol?
o Pakikinig sa mensahe ng Diyos sapagkat sila ay ipinadala ng Diyos (Roma 10:15; Efeso 4:11)
o Pagsunod sa ipinagagawa ng pastol (paalala: mga tupa dapat suriin ang susundin kung ito ay ayon sa Bibliya)
o Iwasan ang pagtatangi kung may dalawa o higit pa sa isang iglesya (1Corinto 3:4)

2) Pagtugon sa Pangangailangan ng Pastol

• Ang mga Levita at Saserdote sa Lumang Tipan
o Sila ay walang minana lupain at sila ay nakisiksik sa ibang tribo ng Israel (Joshua 21)
o Sila ay nakatalaga sa templo at doon maglilingkod at sila ay di magtatrabaho
 Malakias 3 – pinapabalik ng Diyos ang mga Levita, at saserdote mula sa pagtatrabaho
o Sila ay may bahagi sa mga inaalay na sakripisyo mula sa ibang tribo (Levitico 7:34)

• Ang mga Pastol sa Bagong Tipan
o Ang karapatan ng isang pastol (1Corinto 9:1-13; 1Timoteo 5:17-18)

Prinsipyo: Ibigay ang para sa mga nagtatrabaho lalo na sa mga nagpapagal sa pangangaral at sa pagtuturo



III. KONKLUSYON


Ating alamin kung ano ang ating responsibilidad bilang pastol at bilang isang tupa
Ito ay isang malaking hamon sa bawat isa
Ating tanunging ang ating sarili bilang pastor, matanda sa iglesya, tagapagturo at bahagi ng iglesya ngGrace Through Faith Community Church

• Nagagampanan ko ba aking responsibilidad sa loob ng iglesya?

Kung hindi natin nagagampanan, may dalawang dahilan

• Maaring Isa sa mga Nagpapanggap na Kristiyano
o Baka hindi ako pastol, baka isa sa mga bulaang pastol
o Baka hindi ako tupa baka isa sa mga kambing

• Isang Kristiyano na Matigas ang Ulo
o Ito ay paalala na iniligtas ng Diyos ang isang tao na may kaakibat na responsibilidad
o Ito ay paalala sa atin na tayo ay dapat sumunod ayon sa pamantayan ng Diyos




















For God’s Glory
05/23/10

No comments:

Post a Comment