GRACE THROUGH FAITH COMMUNITY CHURCH
TEKSTO : MGA TAGA TESALONICA 5:12-13
TEMA : RESPONSIBILIDAD NG IGLESYA
TITULO : ANG RESPONSIBILIDAD NG BAWAT TUPA SA MGA MAYSAKIT NA TUPA
TANONG : PAANO HAHARAPIN ANG MGA TUPA AYON SA KANILANG SAKIT
I. PANIMULA
A. ANG IGLESYA AY HINDI PERPEKTO
• Ang iglesya ay di ganap ngunit ang direksyo na tinatahak ay ang pagiging ganap na matatamo sa pagdating ng Panginoong Hesus
o Layunin ng pangagaral at pagdidisipulo ay para iharap sila sa Diyos ng walang kapintasan (2Corinto 11:2)
o Kahit na di perpekto hinahangad parin at tatahakin ang landas papuntang kaganapan (2Corinto 13:11)
o
• Ang pruweba na ang iglesya ay di ganap ay dahil ito ay binubuo ng mga taong di ganap – makasalanan
o Si Eudia at Syntyche ay may di pagkakaunawaan
o Sa aklat ng mga taga Corinto ang kaguluhan sa iglesya dahil sa kasalanan
o Lima sa pitong iglesya na nabanggit sa Pahayag ay may babala si Hesus
B. ANG IGLESYA AY KATULAD NG ISANG OSPITAL
• ANG IGLESYA AY PARA SA MGA MAY SAKIT (Mateo 9:12)
o Para sa mga taong alam nila na sila ay may sakit
o Para sa mga taong umaasa sa kagalingan na ang tanging tugon lamang ay Hesus
• ANG IGLESYA AY HINDI PARA SA MGA NAGSASABI NA SILA AY WALANG SAKIT
o Di para sa mga ipokrito gaya ng mga pariseo at saduseo
o Di para sa mga nagsasabi na sila ay matuwid
II. MENSAHE
A. ANG MGA TAONG MAY SAKIT
1) Tamad (Wayward)
• Sila ang mga tao sa loob ng iglesya na ayaw makibahagi sa mga gawain ng iglesya sa ikaluluwalhati ng Diyos
• Sila ang mga tao na makikita mo lamang tuwing Linggo
2) Takot (Worried)
• Sila ang mga taong punong-puno ng pag-aalala sa buhay
• Sila ay kinakain ng sistema ng pag-aalala
• Sila ay nakatuon sa mga masamang maari nilang sapitin gaya ng pag-uusig na pumipigil sa kanila sa paglilingkod
3) Talunan (Weak)
• Sila ay mga mahihina pagdating sa pananampalataya
• Sila ay madalas na tinatalo ng kasalanan
• Sila ay hirap sa pagsunod sa kalooban ng Diyos
4) Tuod (Wearisome)
• Sila ay mga taong nakakapagod at nakakapanghinawa
• Sila ay mga taong tinuruan ng mahabang panahon, dinisipulo, pinagbuhusan ng panahon at lakas ngunit parang walang resulta
5) Tampalasan (Wicked)
• Sila ay mga taong gumagawa ng masama sa kapwa
• Sila ang mga mapaghiganti na nakakasakit sa kapwa sa loob ng iglesya sa pisikil man o emosyonal
• Sila ay mga maninirang puri, mapag-imbot, mainggitin
B. ANG MGA PAMAMARAAN KUNG PAANO HARAPIN ANG MGA TAONG ITO SA LOOB NG IGLESYA AYON SA
KANILANG SAKIT
1) PANGARALAN SILA (TAMAD)
• Dapat na ipaalam sa kanila na ang kanilang ginagawa ay hindi nakakatulong sa paglago ng iglesya
• Na ang kanilang di pakikiisa ay malaking hadlang sa paglago ng iglesya para sa ikaluluwalhati ng Diyos
• Pangaralan sila ng may pag-ibig at may kahinahunan
• Kung mahal natin sila atin silang pangaralan na ang kanilang gawi ay ikaliligaw nila at ikawawasak nila
2) HIMUKIN SILA SA BUHAY NA MAY PAG-ASA (TAKOT)
• Payapain sila at bigyan ng katiyakan patugkol sa buhay kay Kristo
• Dapat palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng pabibigay ng pag-asa na matatagpuan lamang kay Hesus
3) TULUNGANG SILANG PALAKASIN ANG PANANAMPALATAYA (TALUNAN)
• Tulungan sila sa pamamagitan ng pagbibigay responsibilidad na makakatulong sa paglago ng pananampalataya
• Isa sa panghihina sa pananampalataya ay kawalan o kakulangan sa pagsunod sa utos ng Diyos na nagpapanatili at nagpapalago ng pananampalataya gaya ng panalangin at pagababasa ng Salita ng Diyos
• Ipanalangin sila sa Diyos para sa pananampalataya nila na nanghihina
4) PATULOY NA PAGTITIYAGA PARA SA KANILANG IKAUUNLAD SA PANANAMPALATAYA
• Pagpasensyahan sila dahil sa kawalan ng paglago sa kabila ng panahon at lakas na ginugol para sa kanila
• Ating tingnan kung gaano naging mapagpasensya sa atin ang Panginoong Diyos
• Kung tayo man ay parang bigo para sa kanila atin parin silang pagtiyagaan na turuan at paalalahan ng may pag-ibig
5) DISIPLINAHIN SILA NA NAAYON SA PROSESO NG PAGDIDISIPLINA NG IGLESYA
• Ipaalam ang maling ginawa nila laban sa kanyang kapwa at lalo na sa Diyos
• Ituro na ang paghihiganti ay ipagpasa-Diyos na lamang at gawan ng mabuti ang bawat isa
III. KONKLUSYON
Ang responsiilidad ng bawat tupa sa kapwa tupa ay pagpapakita ng pag-ibig sa isa’t isa. Ating kahabagan ang bawat tao sa iglesya dahil sa kanilang sakit. Tulungang isaayos ang kanilang esprituwal na buhay para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ilapit natin sila sa Diyos. Dapat din nating bigyan ng pansin ang poblemang pangespritwal na sakit.
Mr. Moody sa art gallery sa Chicago na nakita niya ang isang obra. Ito ay larawan ng isang lalaki na inahampas ng alon na ang kanyang dalawang kamay ay nakahawak sa krus na nakabaon sa batuhan. Sinabi niya na ito ay napakagandang obra na nagpapakita ng kaligtasan. Ngunit matapos ang isang taon, sa kanyang pagbalik ay may isang obra na halos kagaya ng naunang obra. At ang kanyang sinabi ito ay higit na maganda, dahil ang isang kamay ng tao ay nakahawak sa krus at ang isang kamay ay hawak ang isang tao na sinasalanta rin ng malakas na alon
Nawa ay magkaroon tayo ng pag-ibig sa ating kapwa lalo na sa ating kapwa mananampalataya. Tayong mga tupa ay magbigay kalakasan sa bawa’t isa ng may pag-ibig para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ikaw ay may responsibilidad sa kapwa mo.
For God’s Glory
06/13/10
No comments:
Post a Comment