Text: Luke 16:19-31
I. INTRODUCTION
- Isang paksa na ayaw pag-usapan ng nakakarami sa atin ay ang KAMATAYAN
- Sapagkat ito ay nakakalungkot, nakakatakot at nakakapangilabot.
- Ngunit higit sa na nakalulungkot, nakakatakot, at nakakapangilabot kaysa sa kamatayan ang IMPYERNO
- Ngunit ang isang malaking palaisipan ay kung totoo nga ba ang impyerno
- Ang ilan ay maaring naniniwala
- Ang ilan naman ay pinipilit na hindi paniwalaan
- Ang ilan ay hindi sigurado
- Marami ang ayaw pag-usapan ito.
- Ngunit may isa pang bagay na ayaw pag-usapan, at kadalasan ay ipinagsasawalang bahala, ito ay ang PAGHAHATOL
- Ang KAMATAYAN, PAGHAHATOL at IMPYERNO ay mga salitang ipinapasawalang-bahala ng marami sa atin.
- Ang mga ito ay magugulat pagkatapos ipikit ang mga mata ng habambuhay….ngunit huli na ang lahat
- Sa kanilang pagmulat ay matatagpuan nila ang kanilang sarili sa lugar na ipinagsasawalang-bahala nila ng sila ay nabubuhay pa.
TITLE: Hindi pa Huli ang Lahat
II. BODY
Plot
I. Introduction
(vv19-23) Ang Magkaibang Uri ng Pamumuhay
- Ang pagpapakilala sa mayamang lalaki
- Magandang klaseng telang kulay ubi ang damit.
- Laging may handaan
- Ang pagpapakilala kay Lazaro
- Nakaupo sa pintuan ng tahanan ng mayamang lalaki
- Maraming sugat ang katawan
- Nag-aabang ng makakain na nahuhulog mula sa lamesa ng mayamang lalaki
- Dinidilaan ng aso ang mga sugat ni Lazaro
- Ang Kamatayan ng Mayaman at ni Lazaro
- Namatay si Lazaro
- Kinuha ng mga anghel papunta sa tabi ni Abraham
- Namatay ang Mayaman
- Inilibing
- Siya ay pinahihirapan sa Hades
- Malayo kay Abraham at ni Lazaro
II. Link Event
(vv24-26) - Ang Panaghoy ng Paghihirap
- Tumawag siya kay Abraham at humingi ng awa
- Papuntahin si Lazaro sa kanya upang isawsaw sa tubig ang daliri nito para matighaw ang uhaw
- Nasa matinding paghihirap dahil sa nagbabagang lugar na iyon.
- Pagsasalarawan ng impyerno
- Mark 9:48 - mga uod na di namamatay, apoy na di naapula
- Matthew 24:51; 25; 30 - mananaghoy at magngangalit ang mga ngipin
- Tumugon si Abraham sa Mayaman
- Magkaibang Kalagayan
- Tinamasa ng mayaman ang magagandang bagay nang siya ay nabubuhay
- Tinamasa ni Lazaro ang di-magagandang bagay nang siya ay nabubuhay
- Ang mayaman ngayon ang nasa paghihirap at si Lazaro ang may kaaliwan
- Magkahiwalay na Kinalalagyan
- Isang malaking bangin sa pagitan ng mayaman at ni Lazaro
- Imposibleng makatawid ang bawat isa mula sa kanilang kinalalagyan
III. Crisis
(vv27-28) - Pag-aalala sa mga Minamahal
- Pagpapadala kay Lazaro sa sambahayan ng mayamang lalaki
- Meron siyang 5 kapatid
- Nais bigyan ng babala ang 5 kapatid
- Alam ng mayamang lalaki na sasapitin din ng kanyang kapatid ang kalagayan niya
IV. Climax (vv29-30)
- Tanging Paraan sa Kaligtasan
- Ang Tugon ni Abraham
- Meron silang Moses at mga Propeta
- Ang pinatutungkulan nito ay mga Salita ng Diyos sa Lumang Tipan
- Ito ay isinama ni Lukas para ituro na ang kaligtasan na sinasabi ng Bibliya ay si Hesus (Luke 24:44)
- Kailangan pakinggan ang sinabi ni Moses at ng mga Propeta.
- Ang Pamimilit ng Mayaman
- Tatalikod sa kasalanan ang mga kapatid kung may mabubuhay na patay
- Siya ay may maling pananaw kung ano ang gagamitin ng Diyos sa pagliligtas.
V. Conclusion (v31)
- Kahalagahan na Marinig ang Salita ng Diyos
- Kung hindi nila maririnig ang si Moses at mga Propeta, hindi rin sila makukumbinse kung merong babangon mula sa mga patay.
Pagpapaliwanag
- Sa kwentong ito ipinakita ang kaawa-awang kalagayan ng isang taong walang kaligtasan
- Ang kasukdulang ng mahirap na kalagayan sa impyerno
- Totoo ang impyerno, nakakatakot, at nakakakilabot ang lugar na ito.
- At kapag naibigay na ang hatol, ay wala ng pagkakataon na umapila pa.
- Ang kwentong ito ay hindi lamang naglalarawan ng paghahatol kundi nagbibigay ng pag-asa ng kaligtasan.
- Sa Pakikinig ng Salita ng Diyos ay mahalagang bagay
- Dalawang beses binanggit ang Pakikinig ng Salita ng Diyos para sa ikaliligtas mula sa darating na paghahatol
2 RASON KUNG BAKIT
KAILANGAN MARINIG ANG SALITA NG DIYOS PARA SA IKALILIGTAS
- Ang Salita ng Diyos ay Tanging Sagot para sa Kaligtasan
- Ang Salita ng Diyos ay Tunay na Sapat para sa Kaligtasan
- Ang tao ay gumawa ng mga pamamaraan upang maligtas ng kaluluwa
- Paggawa ng mabuti o mamuhay ng mabuti
- Iba't ibang seremonyas at dasal
- Hindi makakapagligtas kung may babalik sa mundo mula sa mga patay
- Sapat ang Salita ng Diyos na tanging sagot upang maligtas ang tao.
Sinasabi ni Hesus sa
pamamagitan ng talinhaga, Ang Salita ng Diyos ay
ang tanging Sapat na Kasagutan para sa kaligtasan
Dahil dito:
CIS: ANG SALITA NG DIYOS AY DAPAT MARINIG PARA SA
IKALILIGTAS MULA SA PAGHAHATOL
CONCLUSION
- Isang hamon sa atin na maiparinig ang Salita ng Diyos sapagkat ang Salita ng Diyos ay ang tanging sapat na kasagutan laban sa ating problema ang paghahatol
- Bakit mas iniisip natin ang ating sarili na mapahiya tayo, na usigin tayo dahil sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos kesa sa marinig ng tao ang Salita ng Diyos na makapagliligtas.
- Bakit mas iniisip natin ang ating sarili, kesa sa mga kaluluwang magdudusa sa impyerno ng walang hanggan
- Bakit natin ipagkakain na marinig nila ang tanging kasagutan at tunay na sapat para sa ikaliligtas nila.
- Hahayaan mo bang mamatay ang mga mahal mo sa buhay na hindi mo ipinaririnig ang Salita ng Diyos na makapagliligtas sa kanila.
- Hindi ba kayo naawa sa kanila
- IPARINIG MO ANG SALITA NG DIYOS NA MAKAPAGLILIGTAS SA KANILA
- Kung mayroon man dito na wala pang personal na relasyon sa Diyos
- Sinasabi ng Diyos mula sa Kanyang Salita---ikaw ay hahatulan ng Diyos at ibubulid sa dagat-dagatang apoy
- Ngayon na narinig mo ang Salita ng Diyos sinasabi ko sa iyo bilang tagapagsalita lamang ng Diyos, mayroong kaligtasan para sa iyo.
- Tanging ang Salita ng Diyos ang may kapangyarihan para ikaw ay tumalikod sa iyong mga kasalanan at manampalataya kay Kristo bilang Panginoon mo at Tagapagligtas
- Kung hindi ka tatalima ngayon sa panawagan ng Diyos….maaaring wala ng iba pang panahon
- Kayong mga nagpapakasaya sa buhay na ito na walang Hesus, nagbibigay ng babala ang Diyos sa inyo sa araw na ito kung ano ang sasapitin mo pagtapos ng buhay na ito.
- Ikaw na nagsasabi na isa kang Kristyano, ngunit hindi isinasagawa ang kalooban ng Diyos huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili.
- Marami sa araw na iyon na akala nila ay ligtas sila, ngunit sila ay itatanggi ng Diyos.
Pakinggan Ninyo ang Mabuting Balita - talikuran ang
kasalanan at mamuhay ng sumusunod sa kalooban ng Diyos - Makinig sa Salita ng
Diyos na nakapagliligtas.
Blessed in Christ
Church
07/30/17